Chapter 21

855 12 9
                                    

Ghost

"Kung nandito ka para kausapin ako tungkol kay Princess, makakaalis ka na," diretsong sagot ko.

"Logan, please..." She pulled my arm, stopping me from walking away. "I'm sorry for everything. I'm sorry for leaving Princess to you."

Napaismid ako. "Yon lang? Sigurado ka? Paano yung panloloko mo sa akin? At sa kuya ko pa talaga ha? Hindi ko pa malalaman to kung hindi ka nabuntis?"

"Why can't you forgive me? And yet napatawad mo naman si Lyle?" she demanded.

Bumuga ako ng hangin sabay tingin sa kalangitan. "Napatawad ko si kuya dahil wala siyang alam sa relasyon natin dahil kakabalik niya lang galing sa US noon. Pero ikaw? Ikaw ang unang babaeng minahal ko, Crisha. Buong-buo kong binigay ang sarili ko sa'yo, pero ginago mo ako, kaming dalawa ni kuya."

"And I'm repenting for that sin over and over. Everytime na naiisip ko si Princess, I think about Lyle and how..." Crisha paused, taking a breath and suppressing her tears. "You don't know how I'm blaming myself everyday, thinking that I'm the reason why Lyle got into a car accident."

Umiling ako. "Sa tingin mo ba sapat na yon? Tapos ano? Babalik ka ngayon dito para ano?"

"Gusto kong makita si Princess."

I chuckled. "Bullshit! Iniwan mo siya noong sanggol pa lang siya. Wala kang karapatang makita si Princess. Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa kanya na lumaki na walang mommy, lalo na sa tuwing naoospital siya. Kung sa tingin mo ikaw lang ang naghihirap, mas naghihirap si Princess."

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Crisha.

"Wala ka nang dapat malaman pa." Tumayo ako sa kinauupuan ko para bumalik sa field.

"Logan!" sumigaw ang babae kaya napatigil ako. "You can't stop me from seeing my daughter."

Umiling lang ako. "Sige, subukan mo."

#

Eksaktong dalawang linggo nalang bago ang kasal. Christmas break na kaya naisipan ni dad na mag-bonding dumiretso na kami sa venue ng kasal.

Sa Labyrinth Estates ito gaganapin na pag-aari ng pamilya nina André. Hindi ito open sa publiko at iilan lang ang miyembro dito kaya exclusive talaga ito para sa mga malalapit lang na kaibigan ng kanilang pamilya.

Kailangan pa naming bumiyahe sa eroplano para lang makarating doon. Isa't kalahating oras lang naman pero kung ang makakatabi ko ay ang babaeng nakasuot ng pink v-neck crop top at puting tennis skirt, parang mahihirapan akong makarating nang buhay.

"Are you sleeping?" tanong ni Ballerine sa akin sabay hawak sa aking hita.

Agad kong tinanggal ang kanyang kamay at baka makita pa nila kami. Nasa katabing upuan lang namin sila kaya ayaw kong magkamali sa aking galaw.

She chuckled. "What?"

"Magkapatid tayo ngayon, Ballerine Castillo," paalala ko sa kanya sabay pikit ng aking mga mata para hindi ko na siya makita pa.

Bakit ba kasi kami pinagtabi nito?

"Akala ko pa naman you'll be happy sitting next to me," she whined beside me.

"Pwede kang sumandal sa balikat ko kung gusto mo," sabi ko.

"Hmp, ayaw ko na," she continued to grouch.

Sinilip ko ang mga magulang namin na mukhang natutulog na. I quickly turned to face the girl beside me, planting a kiss on her cheek.

"What the-"

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Where stories live. Discover now