Chapter 5

1K 18 16
                                    

Spy

First day of script reading ngayon. Pero hindi man lang nagpakita si Logan Maxwell. Sinasabi ko na nga ba. Hindi siya seryoso na gawin ang play na ito. Sisirain lang niya ang play. And the least that I wanted was for him to ruin this play that I would be showing to mom.

"Miss, bakit hindi nalang natin palitan si Maxwell?" I suggested to our director after barging into her office that day.

"Ballerine, si Logan ang perfect fit sa role and besides, nagpaalam naman siya na hindi siya makaka-attend ngayong araw."

My jaw dropped. Was she serious right now? "Pero miss, hindi ba kayo worrried na baka palagi siyang absent sa mga rehearsals? Paano magiging perfect ang play?"

"First day palang naman. Marami pang araw para mag-practice. At kung talagang gusto mong ka-practice si Logan, pwede mo naman siyang kausapin para magtugma ang schedules niyo."

I took a deep breath to calm myself. Hindi ko alam kung bakit pinapaboran ng musical director ang lalaking 'yon. It was as if ginayuma niya ito para lang makasama sa play.

Umalis ako sa office at naisipang hanapin si Logan. Tutal wala pa naman akong klase ng ilang oras.

Nagtungo ako sa field dahil baka may baseball practice sila. But, the only thing I saw were a group of cheerleaders practicing stunts under the scorching sun.

Tanghali na pero nandito ako at hinahanap ang isang lalaking walang balak magpakita sa akin. What was I thinking? Sigurado naman akong hindi rin sasama 'yon sa akin kahit pa alukin kong mag-practice kami.

As soon as I turned away, a voice stopped me from leaving the field.

"Bee!" I already knew who she was judging from her high-pitched tone. Nakalimutan kong cheerleader nga pala siya.

"Jillian," bati ko nang marating ako ng babaeng nakasuot ng white top at mini flowy skirt.

"Update?" Jillian asked, her brows wiggling in excite.

"Walang update. Hindi siya sumipot sa first day ng script reading namin," I explained.

"Ha? May script reading ba kayo ngayon? Alam kong nasa Psych Centre siya ngayon kasi Monday," sabi pa ni Jillian.

"Psych Centre? Saan?" I asked wide-eyed.

Tinaas niya ang isang kamay at tinuro ang kanang direksiyon. "Dun sa far end ng campus. Dun siya nag-i-intern."

I exhaled a breath. "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?"

"Girl, hindi ka naman nagtanong. Besides, kung may balak kang puntahan siya doon ngayon, I advise na huwag nalang. Seryoso siya pagdating sa work niya doon."

I arched a brow. "At seryoso rin ako pagdating sa play namin. He doesn't have any right to ruin it for me."

Jillian placed a hand on her waist. "I like that spirit. Kaya ikaw ang napili namin para sa project na 'to eh."

Umiling lang ako. "Pupuntahan ko siya."

"Break a leg, girl!" Sigaw pa ni Jillian nang tumalikod ako.

Without any hesitation, I marched my way towards the Psych Centre. Hindi pa ako nakakapunta doon. In fact, I had no idea what I was getting myself into.

Ano'ng klaseng internship ang ginagawa niya at dito pa sa loob ng campus?

After ten minutes of walking, nakarating na rin ako sa isang dome-shaped na building sa southwing ng campus. Walang masyadong taong dumadaan dito. Napapalibutan rin ng mga malalaking puno at parang any time ay may lalabas na engkanto.

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon