Chapter 11

840 11 3
                                    

Rules

Kung totoo mang may affair si mommy at daddy ni Logan, that would mean mas mahihirapan akong i-execute ang plano namin.

Kaya pala umalis nalang bigla si Logan kahapon. Na-realize siguro niya na kotse 'yon ng daddy niya.

"Ballerine, hindi ka na naman naka-focus!" I heard our musical director from across the room. Nakalagay ang isang kamay niya sa kanyang beywang habang nakakunot ang noo sa akin.

"Sorry, miss," mahinang usal ko.

Bumalik na ulit kami sa rehearsals. Kabisado ko naman na ang mga linya ko sa play, but for some reason, those words couldn't come out of my mouth the way I want them to.

"Okay, I think we need a five-minute break," anunsiyo ni Mrs. Dela Fuerte sa amin.

Agad akong bumaba mula sa stage para kunin ang bag ko sa upuan. Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ang text messages mula sa unknown number.

From Maxwell:

nasan ka?

kelangan nating mag-usap

I swallowed hard at what I just read. Alam kong galing ito kay Logan. Are we going to talk about mom and his dad?

Huminga ako nang malalim bago nag-type ng aking reply.

To Maxwell:

Sure. I have rehearsals until 6pm today though.

From Maxwell:

sige hintayin kita sa field

Before I knew it, pinabalik na ulit kami sa stage para sa rehearsals. The whole time, iniisip ko kung ano ang pag-uusapan namin ni Logan. But, I tried my best to focus dahil ayaw kong mapagalitan ulit kay Mrs. Dela Fuerte.

Two hours later, natapos rin ang aming rehearsal. I quickly fixed my face using my compact mirror before stepping out of the auditorium.

As soon as I reached the outside of the hall, someone grabbed my arm from the side, making me curse.

"What the-" I stopped when I saw Logan's hazel eyes staring at me. "Maxwell, ano ba?"

"Pwede bang batiin mo naman ako nang maayos minsan?" He remarked, still not dropping my hand.

"You were the one who just suddenly popped out of nowhere. Besides, akala ko ba nasa field ka, so why are you here?"

"Baka kasi hindi ka sumipot," he explained.

"Me? Hindi sisipot? You know namang gusto kitang makita, di ba?" I wiggled a brow at him.

Umiling naman ang lalaki sabay bitaw ng kamay ko.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" I initiated, even though I was a bit anxious inside me. Hindi ako ready na pag-usapan ang affair ng parents namin.

Kinuha niya ulit ang kamay ko. "Huwag dito."

Sinundan ko ang yapak ng lalaking humihila sa akin ngayon. "Where are you taking me?"

Tahimik lang si Logan hanggang sa makarating kami sa harap ng kotse niya.

Pinagbuksan pa niya ako ng pinto sabay sabi, "Pasok!"

"Are you kidnapping me?" I teased.

He shot a glare at me. "Mukha bang kailangan ko ng pera?"

I hissed at him as I entered inside his Wrangler. "Bwisit."

Nang makaupo si Logan sa driver's seat, bumuntong-hininga ito bago tumingin sa akin. "Kilala mo ba ang boyfriend ng mommy mo?"

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Where stories live. Discover now