Chapter 13

795 10 3
                                    

Liar

I woke up with a smile on my face the next day. Excited akong pumunta sa kitchen dahil for the first time, magpapaturo ako kung paano magluto ng isang disenteng pagkain.

Matapos kong gawin ang aking usual morning yoga and meditation, bumaba na ako at nagtungo sa kusina.

I made sure na mauna akong gumising kaysa kay mommy. It was only four in the morning. Usually, five am siya nagigising.

"Good morning, ya," bati ko kay Yaya Nelly na naghahanda na sa kusina.

"Good morning. Handa ka na bang magluto?" tanong ni yaya sa akin sabay abot ng isang apron na katulad ng suot niya.

Tumango ako sa kanya habang inaayos ang apron sa aking beywang.

"Ano ba ang nakain mo at naisipan mong magluto ngayon?" usisa ni yaya sa akin.

"May pagbibigyan lang po ako," I answered with a smile.

Ngumiti naman si yaya sa akin. "Oh siya, kung sino man 'yang pagbibigyan mo, aba'y maswerte siya at siya ang unang makakatikim ng lulutuin mo."

Napatawa ako habang iniisip na si Logan ang unang pagbibigyan ko nito. "Maswerte talaga siya, ya."

Sinimulan na namin ang paghahanda ng ingredients para sa creamy garlic shrimp dahil mukhang ito ang favorite ni Logan kahit na hindi ko pa naman talaga siya tinatanong tungkol dito.

"Una, kailangan lang nating lagyan ng asin at paminta itong mga hipon saka natin iprito ng ilang minuto," panimulang sabi ni yaya habang sinusunod ko ang mga sinasabi niya.

"Aahh," napatalon ako sa sakit nang tumalsik ang mantika sa mukha ko habang nilalagay ko ang mga hipon sa frying pan.

"Okay ka lang, anak?" tanong ni yaya sa akin at tumango naman ako.

Talsik lang ito ng mantika. You can handle this, Ballerine.

"Ayan pagkatapos nating iprito ang mga hipon. Sisimulan na natin ang cream sauce. Lagyan mo lang ng butter yang fry pan tapos gisahin mo yang bawang ng ilang segundo."

Sinunod ko ulit ang instructions ni yaya. Pinagpapawisan na ako kahit na malamig naman dito sa kusina.

"Pwede mo nang lagyan ng puting suka," dagdag pa ni yaya habang inaabot sa akin ang bote ng suka.

"Ilagay mo na rin yang all-purpose cream tapos hintayin nalang nating kumulo."

Tumango lang ulit ako kay yaya habang pinapanood na kumulo ang cream sa frying pan.

Matapos ang ilang minuto, naaamoy ko na ang aroma ng cream sauce. Sana lang ay magustuhan ito ni Logan.

"Ya, pwede ba nating lagyan ng cheese? Nakita ko kasi sa internet pwedeng lagyan ng cheese," I suggested.

Tinikman ni Yaya Nelly ang cream bago siya sumagot sa akin. "Pwede naman. Parang kulang kasi ang lasa niya."

Agad kong kinuha ang parmesan cheese mula sa refrigerator at naglagay ako ng kaunti sa frying pan.

"What is happening here?"

I froze at the recognition of mom's voice. Hindi ko pa naibabalik ang cheese na hawak ko nang marinig ko si yaya na magsalita.

"Ah, ma'am... nagluluto lang po ako ng hapunan natin at gusto lang makita ni Bal kung paano ito lutuin," saad ni Yaya Nelly.

Lumapit si mommy sa amin habang nakatingin sa pan. "Since when did I ever ask for shrimp?"

"Mom, gusto ko lang i-try-"

"Ito ba ang pinakain nila sa'yo sa bahay ng mga Maxwell?" Mom asked as if that was a bad thing.

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Where stories live. Discover now