Chapter 8

815 11 3
                                    

Vanilla

Imposible! Si Logan ba talaga ang nagtext sa akin non? Gusto niya akong manood ng game nila bukas?

Why did he suddenly want me there? Could it be? Na-fall na ba siya sa charms ko?

"Bee, nakikinig ka ba?"

Napalingon ako sa boses ng aking classmate na nakatayo sa aking harapan. Her eyes were furious as hell. In fact, all eyes on me look icy.

"Ano? Akala ko ba memorized mo na ang lines mo?" Our acting director, Saja questioned me yet again.

I placed a hand on my waist. "I'm listening. Kanina pa kasi tayo nag-re-rehearse. Paulit-ulit nalang sa scene one. Kailan ba magmo-move on?"

"Bee, hindi porke't ikaw ang bida sa play na 'to, pwede ka nang umastang ganyan," sagot ni Saja.

I rolled my eyes, sighing. "Fine. I'm sorry. Pero, pwede ba, ayusin niyo rin ang mga linya niyo? Hindi lang ako ang mapapahiya dito kung hindi magiging maganda ang resulta ng play."

Hindi na ulit sila umimik pa at bumalik na rin kami sa pag-rehearse.

Hindi ko na rin namalayan pa ang oras hanggang sa lumubog na ang araw at kinailangan na rin naming buksan ang spotlight sa loob ng kwarto.

Matapos ang rehearsal, una kong napansin ang ilang text messages na na-receive ko sa aking cellphone. Karamihan nito ay galing kay Jillian.

From Jillian:

Bee, nood ka ng game later?

Hey!

Nasaan ka?

I'm here na sa bleachers.

May game si Logan.

And that was when it hit me. Hindi ako nakanood ng game dahil sa rehearsal namin.

Ang tanga ko! Bakit hindi ko tinignan ang oras?

Agad akong tumakbo palabas ng building namin. Mabuti nalang at medyo malapit lang dito ang baseball field.

Madilim na ang kalangitan. Sigurado akong tapos na ang game. At sigurado akong wala na si Logan doon.

But, I had to try.

Nag-text pa man din siya at inaya pa akong manood ng game nila. But, what did I do? I just blew my chance.

Hingal na hingal ako nang marating ko ang tahimik na baseball field. Bukas pa rin naman ang mga ilaw dito, pero wala nang mga tao.

Kinuha ko ulit ang phone ko at tinawagan si Jillian. Walang sagot. Naisipan kong i-text siya at baka sakaling mabasa niya ito.

"Bee?" Isang boses ang nakapukaw ng aking atensiyon mula sa aking tabi.

When I looked up, nakita ko ang isang pamilyar na babae na nakatingin sa akin. "Koleen?"

Inayos niya ang salamin sa kanyang mga mata habang papalapit sa akin. "Ano'ng ginagawa mo dito? Nanood ka ba ng game kanina?"

I shook my head. "Hindi ko naabutan 'yong game."

"Ah ganun ba. So, bakit ka nandito ngayon?" Napatingin si Koleen sa kanyang relo. "At sa ganitong oras pa?"

I stifled a soft chuckle. "Wala. Napadaan lang ako. Ikaw? Bakit nandito ka pa? Hinihintay mo yung... boyfriend mo?"

Umiling si Koleen. "May shift siya ngayon. Hinihintay ko lang si Logan. Isasabay niya ako pauwi."

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt