Chapter 17:Second time around

40 2 0
                                    

Napatingin ako sa nabasag na bote. Oh mas tamang sabihin na napatingin ako sa taong nakabasag ng bote

Si Dale, Marco at yung isang lalaki ay nakatingin samin na waring nag-iintay ng explanation.

"D-Dale" Nahihiyang tawag ko sa kanya

Ngumiti sya sakin. Pero alam kong iba yung ngiti nya, punong puno ito ng kalungkutan. Alam ko dahil bestfriend ko sya.

"Dale let me explain!" Ngunit di nya ko pinansin. Tumalikod lang sya at naglakad palayo.

"Dale sandali!" Tumakbo si Dash at hinabol si Dale. Balak ko sanang habulin sila pero may humawak sa kamay ko.

"Wag mo ng gawin kung ano man yung binabalak mo. Siguro ito na yung panahon para makapag usap sila" at binitawan nya ang kamay ko.

"P-paano kung magkasakitan ulit sila dahil sakin?" Mangiyak ngiyak na sabi ko

"It's their decision and you're out of it Ms. Jeirah!"

"P-pero..."

"Alam mo Jeirah, the first time I've talked to you. I thought ikaw na yung babaeng magpapasaya kay Dale. But it turns out na ikaw ang babaeng magbibigay sa kanya ng heartbreak."

"A-anong s-sinasabi mo?" naiiyak na ako.  Alam kong ako ang sinisisi nya

"Pre! Wag ka namang ganyan kay Erah" pagil ni Marco sa lalaki

"Jeirah i like you for him but after what you did and what we've heard, I started to hating you. Alam mo naman na may girlfriend si Dash but still, you continued flirting with him!"

"Ano ba Drew! Wag mo naman pag salitaan si Jeirah ng ganyan!" Hinawakan ko si Marco sa braso.

"Marco, okay lang, tama naman sya" masakit masabihan ng ganun pero mas masakit yung hindi ko kayang depensahan yung sarili ko dahil alam kong totoo ang sinasabi nya.

"Marco kilala kita, alam kong nagkakagusto ka na din sa kanya. hindi ba? " sabi nung Drew sa kanya Halata namang nagulat si Marco, maging ako ay nagulat din.

"Drew! Ano bang problema mo ha?"

"Haha relax lang pre! Basta layuan na ang dapat layuan. Ayokong magkasira kayo ni Dale pag dating ng araw. Pasensya na din Jeirah. So paano! Mauna na ako" ngumiti ito samin. Kakaiba yung ngiti nito, alam kong may iba yung kahulugan

"Erah! Pag pasensyahan mo na si Andrew, teka sundan ko muna yun!" Naiwan akong mag-isa dito. Napaupo nalang ako sa sahig at napahawak sa sintido ko.

"Ano ba to? Trouble-maker na ba ako ngayon?" Nasabi ko nalang sa sarili ko

-----

Dale's POV

Pumunta ako sa bar hindi para uminom kundi para maglasing. Gusto kong makalimot kahit panandalian lang.

"Pare!" Lumingon ako sa humawak sa balikat ko

"Hahaha! Sinundan mo talaga ko ha! Para ano? Para ipamukha sakin na sa pangalawang pagkakataon panalo ka na naman?"

"Dale hindi naman ganun! Parang kapatid na ang turing ko sayo simula pa nung una"

*booogsh*

"TANGINA! WAG KANG MAGSALITA NA PARANG NAGING MABUTI KANG KAIBIGAN"  pinunasan nya ang dugo labi nya. Pinipilit kong kontrolin yung sarili ko pero hindi ko kaya. Gusto ko na syang bugbugin

*booogsh*

"GAGO KA! WALA KANG KWENTA! PAG KATAPOS KONG MAGPAUBAYA , SASAKTAN MO LANG SYA! TAPOS ANO? YUNG BABAENG MAHAL KO NGAYON, GUSTO MO DING KUNIN"

*Boogsh*

"WALA KONG INAAGAW SAYO! DAHIL NI MINSAN HINDI PA SILA NAGIGING SAYO"

*booogsh*

"Siguro nga tama ka! Haaaaay! For the second time around! Natalo mo nanaman ako!" Tinalikuran ko na sya at tumungo palabas ng bar

"DALE! WALANG NATALO O NANALO SATINDAHIL NI MINSAN HINDI AKO NAKIPAGKOMPETENSYA SAYO" Pahabol na sigaw nito.

"Gago ka pa din!" naibulong ko nalang sa sarili ko



A/N: so here it goes! Mamadaliin ko na itong story ko dahil may 4 pa akong on-going so please bare with my lame update. Thanks enjoy reading :)

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now