Chapter 4: We meet Again

102 7 0
                                    

Jeirah's Pov

Nandito ako sa mall malapit sa school na pinapasukan ko. Kasalukuyan akong kumakain ng black forest cake.

Its been 4 years since lolo Ren died.

Nakakadepressed! totoo ba yun? Inatake si lolo dahil kay lola? Hindi ko sya totoong lolo?

pero kahit ganun mahal ko pa din sya..

Naaawa ako kay lola kasi napilitan syang pakasalan ang lalaking kinamumuhian nya, pero mas naaawa ako kay lolo kasi all that time na magkakasama kami, nagpapanggap lang syang masaya, yun pala sobrang nasasaktan sya kasi yung babaeng mahal na mahal nya, kinamumuhian sya at ni minsan hindi sya nakuhang mahalin.

Busy ako sa pagiisip ng may kumalabit mula sa likod ko.

Nilingon ko sya at handa na syang irapan. Ngumiti sya sakin, tinaasan ko sya ng kilay, dahil di ko naman sya kilala.

"Nakalimutan mo agad ako?" sabi nya at nagpout pa.. Nagpapacute ba sya? kung oo. effective.. Ang gwapo nya

"wag mo naman akong titigan, naiilang ako" sabi nya sabay ngiti sakin, doon lang ako nahimasmasan.

"Pedeng makiupo?" tanong nya sakin pero bago ko makasagot nakaupo na sya.

"Sino kaba?" Tanong ko sa kanya. Tinawanan naman nya ako..

"Makakalimutin ka pala Jeirah, seriously di moko matandaan ?"

"umm! Pasensya na, hindi e!"

"Neidhart University" Maikling sabi nya sabay subo sa cake na order nya at ngumiti na naman sa akin.

Pumikit ako sandali at inisip kung saan ko ba narinig ang salitang yun at nung maalala ko.

"Dale?" nawala ang ngiti ko, dahil yung lalaking nasa harap ko ay wala na ngayon... Magic? hinanap ko sya pero di ko sya makita, nang mapadpad ang tingin ko sa pintuan, nakita ko si Dash at yung Cassandra. So totoo ngang sila? Ang sweet nilang dalawa at talagang bagay na bagay sila. Dumiretso sila sa counter. Si Cassandra ang umorder at si Dash ay kasalukyang naghahanap ng mauupuan nila.

Napatingin sya sa side na kinauupuan ko kaya nagtama ang mata namin. Nagbigay lang ako ng tipid na ngiti.

Nagulat nalang ako nung lumapit sya sa akin dala dala ang tray nila.
"Pwede ba kaming makiupo dito?" Tiningnan ko silang dalawa,tumango nalang ako bilang tugon..

"Jeirah! Si Courtney nga pala Girlfriend ko, Baby si Jeirah kaibigan ko. Remember? sya yung pinatour mo sakin at yung kinekwento ko sayo" Napasinghap naman ako sa sinabi nya..

Yan ang hirap pag may second name e. nakakalito!

"Anong kinikwento? Baka sinisiraan mo lang ako?" Pabirong tanong ko sa kanya.

"Haha! ikaw talaga, hindi no! sabi ko naman sayo friends na tayo kaya magiging mabait na ako sayo" tugon nya. magsasalita pa sana ako ng tumikhim yung Cassandra

"Baby! pwedeng magorder ka ulit ng ibang drinks, masyado kasing matamis ang naorder ko e!" Sabi nito, Ang ganda talaga ng boses nya, Kahit hindi na sya magpacute, siguradong walang sino man ang makakatanggi pag sya ang nanghingi ng pabor.

"Sabi ko naman kasi sayo, Puro sweets kasi inorder mo, Sige I'll be right back"

Naiwan kami ni cassandra, Ngumiti sya sakin, I smiled back at her.

"So We meet again!" She looks at me and smile. I just smiled back

"Do you like Dash?" Tinanong nya ako na parang wala lang, she's still eating.
Tinutukoy nya ba na gusto ko si Dash bilang tao o bilang kaibigan?

"I guess it's yes! too bad! Just stay away from him! He is mine!" She plainly said it na parang joke langh dahil nakangiti pa sya. Napakunot naman ang noo ko. So she's asking kung gusto ko si Dash as a special someone? Akala nya ba ay aagawin ko sa kanya ang boyfriend nya? Sasagot sana ako ng biglang dumating si Dash

"Here baby!" matapos naming kumain, Sabay sabay kaming lumabas, Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na ako, ayaw pa nga akong paalisin ni Dash, gusto nya pa atang isama ako. Pero tumanggi ako.

Pumunta muna akong National Bookstore at nagpalipas ng oras dun. Gabi na ng makauwi ako, Nakita ko si lola sa sala..

"Lola! Bakit inintay nyo pa po ako? Dapat natulog na kayo!"

"Iha! di ako makatulog hangga't alam kong galit sa akin ang nag-iisa kong apo"

"Di naman po ako galit, Dahil wala po akong karapatan, Si mommy lang po ang inaalala ko. Tsaka naintindihan ko kayo lola. I know it's hard for you pero hindi po habang buhay matatago natin ang sikretong yun. She deserves to know."

"Sa tamang panahon iha, I will tell her,but not now"

"okay po lola! Salamat! Tara po magpahinga na po kayo" I kissed her and we went upstair

Falling For Kinsman (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora