Chapter 16: I know it's right

40 3 0
                                    

Nag-ikot ikot lang kami sa Boracay. Naghiwa-hiwalay kami para mamili ng mga souveneirs para may mabigay kaming pasalubong sa mga naiwan namin sa Manila.

Pumasok ako sa isang shop dahil may nakita akong silver anklet na may design na infinity. Pwede rin itong paukitan ng pangalan

Bumili ako ng apat na anklet. Pinalagyan ko din ito ng "MJSN" initials namin nila Maggie, Steffany at Nica. Palabas na ako ng store ng may nakabangga akong lalaki.

"Oh i'm sorry miss" "sorry"Nagkatinginan kaming dalawa at natawa nalang

"Small world isn't it?"

"Haha I think so! Lagi nalang tayong nagkikita"

"Maybe we are destined to each other" Hinampas ko sya sa braso dahil natawa ko kung paano nya sinabi yun.

"Hahaha! Loko! With emotions pa talaga ah!"

"Kidding! Anyway, how are you ?"

"Doing better" maikling tugon ko.

"No, I mean how are you after what happened yesternight?" Nag flashback na naman sakin ang nangyari kagabi.

"T-teka p-paanong n-nal-laman mo y-yun? wag mong sabihing nandun ka?" Nauutal na tanong ko.

"Yes Erah! I was there, I've witnessed everything!"

"B-but h-ow?"

"I'm his friend! and As far as I remember, the scene happened in a Bar. No doubt that you guys made a little commotion.." He said then flashed a smile

"Kaibigan ka pala ni Dale? I'm sorry sa nangyari! Di ko ginustong mangyari yun" Nakayukong sabi ko

"Listen Erah, hindi ka dapat humingi ng tawad. Hindi mo naman gusto na gustuhin ka nila!"

"A-ah hehe a-anong sinasabi m-mo? Walang gusto sakin yung mga yun."

"Tara lakad lakad muna tayo." Hinila ako ni Marco patungong, teka san nga ba?

"Marco san tayo pupunta?"

"Mag brunch lang, nagutom na kasi ako, saka gusto kong makapag-usap tayo!" Alam kong sa salita nya tinutukoy nya ay yung nangyari pa rin kagabi. Ngiti lang ang tinugon ko sa kanya. Nakarating kami sa isang fast food resto.

Nag-order lang ako ng mocha cake and mocha frappe. Sya naman ay nag coffee lang

"So let's go back to the topic, Erah, you're numb if you don't feel what is obvious!"

"Naguguluhan ako Marco! Ano ba yung gusto mong sabihin?"

"Erah, matagal ko ng kaibigan si Dale. Masayahing tao yun, sa 2 taon ko syang nakasama masasabi kong napaka buti nya at wala pa syang nakaka away. Nagulat din ako sa nangyari kagabi, don't misunderstood me, pero ikaw lang yung rason bakit sya nagkaganun"

"Sorry" tanging nasabi ko lang he stand up and tapped me in the back

"Marco"

"Erah, wag ka mag-alala! wala kong iniisip na kung ano tungkol sayo. Lahat naman ng lalaki mabilis mahuhulog sayo, kaya eto na yung huling pag-uusap natin. Ayokong magaya sa kanilang dalawa" and again he smiled at me and walked away.

-----

Gabi na ng makabalik ako s hotel room. Nagbihis lang ako at bumaba din agad. Nakita ko na sila sa tabi ng beach, nakapalibot sila sa bonfire. Malayo pa lang ako ay nakatingin na sila sakin .

"Era, tara naaaa! " Tawag nila sakin kaya lumapit ako sa kanila.

"Kanina pa kayo dito?"

"Hehe oo, lasing na nga yung iba" sabi ni Juno

"Last day na bukas, talagang sinusulit nyo ah!"

"Syempre, pag katapos nito balik pag-aaral na naman!"

"Sabagay, asan pala si Dash?"

"Nandun sa likod, nag iihaw ng pulutan" tinuro nya sakin kung saan iyon!

"Ah! Ganun ba"

"Erah, tulungan mo na sya dun, kawawa naman ang ating campus hearthrob"

"Sige na Erah, usapang lasing muna kami dito" at tinulak na ako ni Juno para pumunta na dun. Nakita ko si Dash na busying busy magpaypay.

"Dash!" Agad naman syang lumingon nung tinawag ko sya

"Jeirah" Ngumiti ito at bumalik sa pag paypay. Tinulungan ko syang mag-ihaw ng mga liempo

Nung isang liempo nalang ang iihawin ay aksidenteng nahawakan nya ang kamay ko dahil balak nya ding kunin ang liempo

"Ah-sorry" nung hihilahin ko na ang kamay ko ay mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko

"Jeirah" nagulat ako ng bigla nya akong yakapin

"Jeirah mahal na kita" Mga katagang hindi ko akalaing sasabihin nya.

"Dash ano ba? mali ito!" Sinubukan kong kumalas sa pagkakayakap nya pero hinigpitan nya lang lalo ito

"Let's stay like this for a while"

"Dash naman!" naramdaman kong ipinatong nya ang kanyang baba sa balikat ko

"I don't know when, where and how. Ang alam ko lang, ikaw na ang mahal ko ngayon at wala ng iba" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. May tuwa , kaba at takot

"Ano bang sinasabi mo?" Tinulak ko sya. Hinawakan nya ang magkabila kong kamay

"Makinig ka Jeirah, Hihiwalayan ko si Courtney pag uwi ko sa Manila. Sabihin mo lang na mahal mo ko!" Pag mamakaawang sabi sakin ni Dash It's now or never. Alam kong mali pero alam kong dito ako magiging masaya. Mahabang katahimikan bago ako sumagot.

"Dash I love you"

*boooogsh*

Napalingon agad kami sa pinag mulan ng nabasag na bote, they are looking at us emotionless.

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now