Chapter 14: Lot of Unexpected

41 3 0
                                    

Today is our fifth day here at ito na din ang pictorial per University. Ang una naming ginawa ay yung mga nakaschool uniform kami with white background individual and group kaya medyo natagalan. Per rank yung ginawa kaya sandali lang kaming nag-intay dahil pang Rank 5 naman kami.

Until now, hindi pa din kami nagpapansinan ni Dash. Sa tuwing susubukan ko kasing kausapin sya, bigla nalang syang aalis di kaya makikipagusap sa mga schoolmates namin na lalaki. Kanina nga sa pictorial parang hindi kami magkakilala kahit na magkatabi lang kami.Hapon na ng matapos ang lahat ng pictorial, pinatawag kaming lahat para sabihin kung ano yung gagawin sa last 2 remaining days namin na ikinatuwa ng lahat.

"Actually, This is not a survey or what. This is our special gift for those universities who had passed our standards. Good job to all of you guys and enjoy the last two days of your stay here, Congratulations!" Malakas na palakpakan ang bumalik sa coordinator. Napagpasyahan naming magschoolmate na Pumuntang bar. Gusto daw nilang magparty dahil madami daw plano bukas baka hindi na nila magawa.

Inoccupy namin ang isang malaking table banda sa dulo.Lahat ng kasama ko ay uminom ng alak maging si Dash ay uminom din, ako lang ang hindi. Bukod sa di na ako umiinom, nakatingin pa ng masama sakin si Dash sa tuwing may nag-aalok sakin.

"Tara doon tayo sa dance floor" Yaya ni Sable, Accounting student. Dahil mga tipsy na sila, ayun nagsi punta sa gitna at nagsayaw. Ang cute nila tingnan, mukhang masayang masaya sila. Napatingin ako sa harap ko, Urrgh! Tatlo lang kaming naiwan dito at tulog pa itong isa. Nakatitig sakin si Dash kaya naisipan kong ngayon magsalita.

"Dash i'm sorry! Sa lahat ng nasabi ko sayo nitong nakaraan. I didn't meant it. Nabigla lang ako, Sana makipagbati ka na sakin" Nagulat ako ng ngumiti sya akin

"Alam mo bang hindi ko kayang magalit sayo? Na sa ilang araw nating hindi pagpapansinan sobrang nalungkot ako." Alam kong namula ako sa sinabi nya. His words affects me a lot.

"Dash---"

"Let me finished first Jeirah, Gusto ko din sanang magsorry kasi sinubukan kitang halikan nung nakaraan, I know i offended you so I am truly sorry for that but this, hindi ko pinagsisisihan to dahil gusto kita"

Nagulat ako sa sunod nyang ginawa, Lumapit sya sakin at hinalikan ako. Para akong nalulunod sa halik nya, parang first kiss ulit. Saka lang kami nagkahiwalay ng may humila sa kanya at sinuntok sya. Sobrang gulat na gulat ako sa nangyari, buti na lang ay hindi masyadong napapansin ng mga tao.

"GAGO KA!" Isang suntok ulit ang natanggap ni Dash kaya naalarma na ako. Hinawakan ko agad si Dash dahil nakita kong gaganti din sya, samantalang yung lalaki inaawat ng mga kaibigan nya.

"GAGO KA DASH! WAG KA NG MANDAMAY NG TAO! BITAWAN NYO NGA AKO!" Napatingin ako sa lalaki na sumisigaw

"DALE?" "DALE?" Sabay naming sabi ni Dash. Hawak hawak ko ang kamay nya kaya naramdaman kong kumalma na ito.

"Dash, Anong kagaguhan to? Kayo ni Sanney pero may hinahalikan kang inosenteng babae? Wag ka ng manakit ng iba! Yung sarili mo nalang yang saktan mo!!" Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Magkakilala sila? Sino si Sanney? At bakit galit na galit si Dale?

"Tara na Jeirah" Lumapit sakin si Dale at hinila ko kaya napabitaw ako kay Dash pero bago kami makalayo ay hinawakan ni Dash ang kabila kong kamay para pigilan kami. Tumingin naman si Dale sa kanya .

"Bitiwan mo sya, masasaktan mo lang sya!Seryosong sabi ni Dale. Unang beses kong nakita na ganto sya kaseryoso.

"Dale! Hindi ko sya sasaktan." Mahinahong sagot sa kanya ni Dash

"Ayan din yung sinabi mo noon, pero nasaktan mo si Sanney at patuloy mo syang sinasaktan"unti unting bumitaw sakin si Dash. Nakatingin lang sya kay Dale na parang walang emosyon.

Hinila na ako palabas ni Dale, nang makalabas kami ay hindi man lang sya nagsasalita pero patuloy lang kaming naglalakad at hawak nya pa din ang kamay ko.

Hanggang sa makarating kami sa Hotel room ko ay wala man lang kahit anong salita ang narinig ko mula sa kanya. Kaya ako nalang ang naunang magsalita.

"Dale? Bakit?"

"Anong bakit?" seryosong sabi nya. Nakakapanibago dahil wala yung masayahing aura nya.

"Bakit ka napunta dito? Bakit kayo magkakilala?Bakit mo sya sinuntok? Bakit ka galit sa kanya?" Ang dami kong tinanong pero hindi ko man lang naitanong kung bakit hawak nya pa din yung kamay ko

"Haha, ikaw talaga ang dami mong tanong. Hindi ko na masasagot yan, ayan na yung kwarto mo oh"

"Pwede namang pumasok sa loob at dun mo sagutin yung tanong ko" Hindi ko na sya inantay na sumagot at hinila ko na sya papasok, dumidiretso ako sa ref at kumuha ng tubig.

"Pasensya na tubig lang ang meron ako dito." tumabi ako sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa kama .

"Thanks"

"Dale? Naguguluhan ako! Sagutin mo naman yung tanong ko oh!"

"Jeirah, May tamang panahon para malaman mo ang lahat ng bagay, Umayos ka na at lalabas na ako"

"Sige kung ayaw mo magkwento hatid nalang kita sa pinto."

"Bye Dale!" Ngumiti sya sakin at lumapit.

"sana ito yung maalala mo at hindi yung sa kanya"

Natulala ako sa ginawa nya.

Hinalikan ako ni Dale! Sandali lang yun pero hinalikan nya pa din ako! Nakatulala lang ako hanggang sa makaalis sya, natauhan lang ako nung may mga taong nagsidaan, agad akong pumasok sa kwarto at humiga sa kama. Napahawak nalang ako sa labi ko .

Bakit ganto yung nararamdaman ko? Paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang paghalik ni Dale at Dash sakin.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Dash.

TO:Dash
Sana okay ka lang.

Gusto ko sanang itext si Dale.Kaso nahihiya ako.

E bakit ako yung mahihiya e sya itong humalik sakin?

Si Dash nga naitext ko kahit ninakawan din ako ng halik e!

Si Dash kasi lasing baka di nya alam yung ginagawa nya?

waaaaa! Mukhang na stress ako sa bakasyon na ito. Pati sarili ko kinakausap ko na..
Ang daming nangyari ngayong araw. Mababaliw na ako. Ano ba ito? Ang dami pang tanong sa isip ko.
Makakatulog kaya ako nito?

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now