Chapter 5:Closer to you

102 7 0
                                    


6 Months had past. Nag 2nd semester na, but same scenario. Bahay, school at sometimes mall.

Decmeber 7. Ilang araw nalang pasko na. Nandito ako ngayon sa mall. At guess what? Kasama ko ang very mapang-asar na kapatid ni Maggie

"Dash ano ba! Napipikon na ko!!"

"Totoo naman e! Masama na bang magsabi ng totoo?"

"Tsk! ewan ko sayo! Dyan ka na nga!"

Iniwan ko na sya dun... Nakakainis talaga yung lalaking yun! Sinama ko nga sya para manghingi ng advice, pero it turned out na lahat ng sinasabi at pinapakita ko sa kanya, kinokontra nya.

"Jeirah naman! wag kana magalit! Sinasabi ko lang naman yung totoo."

"Tsk! Kasi naman! ilang hours nalang start na ng birthday nya pero wala pa kong nabibiling regalo"*pout*

"uggh! sige na nga, aayusin ko na! Describe mo muna sakin yang lalaking reregaluhan mo"

"Gwapo, matangos ang ilong, hindi sya ganun kaputi, may singkit na mata, palangiti, Mabait, gentleman, masarap magluto, kwel---"

*Blag*

napatingin ako kay Dash dahil bigla nyang hinampas ang table gamit ang kamay nya

"Bakit?" tanong ko

"tss! kung makapuri ka naman sa lalaking yun, parang boyfriend mo, tsaka hindi mo ba alam na pag may kasama kang lalaki hindi ka pwedeng pumuri ng iba sa harap nya!" Mahabang sabi nya habang nakatingin ng masama sa akin

"aah ehh. P-pasensya na" nasabi ko nalang

"tsk! wala ng magagawa yang sorry mo! sinira mo na yung araw ko!" sabi nya at tumayo. Naalarma naman ako kaya hinawakan ko sya sa braso para pigilan.

"Oy oy! teka! san ka pupunta?" tinanggal nya yung kamay ko at naglakad na

"uuwi na!" Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad palayo, akala ko nagbibiro lang sya ng sabi nyang uuwi na sya! pero iniwan nya talaga ko.. yung lalaking yun, Hindi ko na talaga sya maintindihan. Nag punta nalang ako sa National Bookstore para doon maghanap ng regalo. May naisip na kasi ako na magandang ibigay sa kanya. At sa tagal ng paghahanap ng magandang design, may nakita din ako, kaso di ko naman maabot. Pinilit ko tong abutin, kaso nung maabot ko na, bigla namang may kumuha. Tiningnan ko kung sino ang kumuha non at nagulat ako

"Akala ko ba uuwi kana!?" pasigaw na sabi ko

"tsk! nakakahiya ka! wag ka ngang sumigaw dyan" sabi nya sa akin. Napatingin naman ako sa paligid ko, ang daming nakatingin sakin. Masyado palang napalakas ang pagsigaw ko. Ngumiti na lang ako sa kanila at yumuko tanda ng nagsosorry ako

"Ikaw kasi! iniwan mo ako!" sabay talikod sa kanya at tingin sa ireregalo ko kay bestfriend. Ang cute talaga, may babae at lalaking nakaupo sa bench. Yung lalaki may hawak ng gitara at yung babae naman may hawak na DSLR na nakatutok sa lalaki. Nung pagkakita ko nito, isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

"Kaya nga bumalik diba" sabi nya. hindi ko nalang ito pinansin. binasa ko ang nakasulat sa cover ng scrapbook na maliit

"My Bestfriend is my TrueLove"

napangiti nalang ako ng kusa at dumiretso sa counter...

habang naglalakad kami palabas ng NBS kinukulit ako nitong lokong to. Dahil kanina ko pa sya di pinapansin,
umakbay sya sa akin at yumuko para makita ako. Alam nyo na, matangkad kasi sya kaya kailangan nyang yumuko para makausap ako.

"Sorry na nga e! Di na talaga mauulit" nakapout na sabi nya at nagpuppy eyes pa. Automatic na napangiti ako sa ginawa nya.. Di ko expect na may ganitong katangian ang mayabang na ito

"Haahaha! oo na! oo na! wag mo lang uulitin yan, mukha ka kasing ewan! ahahah" Ngumiti naman sya sakin sabay gulo ng buhok ko gamit ang isa nyang kamay at ang isa naman ay nakaakbay pa din sa akin..

"baka may gusto ka lang sa akin" at nauna ng maglakad, napahinto ako saglit sa sinabi nya at isa lang ang pumasok sa isip ko

Halata na ba nya?

Nakita ko sya sa malapit sa exit, kaya tumakbo ako para maabutan sya

"Ikaw talaga! lagi mo nalang ba akong iiwan?" sabi ko sa kanya napatingin sya sa akin mukha syang seryoso, doon ko lang napansin na may kausap pala sya!

"ohmygod ate! are you two broke up?" sabi nitong bata, na sa tingin ko ay nasa 13 or 14 years old

Tumingin sa akin si Cassandra, tinaasan nya ako ng kilay. Pero kahit ganun hindi pa din sya mukhang galit. Napayuko nalang ako..

"Lets talk later!" sabi nya. akala ko ako yung kinakausap nya kaya napaangat ako bigla, Si Dash pala.

"Courtney! it's not what you think it is, I can explain!" sagot agad ni Dash. ngumiti sa kanya si cassandra

"I'm not thinking anything, I trust you! I'll just want to talk to you!" sabi nito na nakangiti pa din at nakatingin kay Dash

ewan ko pero parang nabored si Dash.Hindi nya ata nagustuhan ang sinabi ni Cassandra.

"Ate! why are you so martyr, that girl and kuya Dash are flirting behind your back! so don't act like there's nothing happened!" pasigaw na sabi nung bata, I guess kapatid nya. Nasaktan ako sa sinabi nya, dahil hindi ko naman nilalandi si Dash but some part of me says yes, napatikhim nalang ako.

"They don't! you know Dash. He can't do that to me!" sasagot pa sana yung bata ng may dumating ulit na babae

"Ate! nabili ko na yung kailangan ko, oh hi kuya Dash" sabi nito sabay wave, sa tingin ko 16-17 years old sya

"hello! Kamusta na! pinaghahandaan mo talaga ang battle of the bands ah!"

"of course kuya! once a year lang ito, kaya kailangang magtagumpay" sasagot pa sana si Dash ng nagsalita ulit yung bata

"Come on manang! I'm hungry!" umirap ito at tumalikod na sa akin

"Tara kuya Dash sama ka samin!" yaya naman nung parang rakista

"Hindi na Brian! bonding nyo yang magkakapatid! enjoy" Humalik si cassandra sa pisngi ni Dash bago sila umalis..

Cassandra Courtney's POV

Nandito kami ngayon sa Wendy's. Tahimik lang akong kumakain pati si Brianna, pero itong si Carlene patuloy pa din akong sinisermonan

"Big sis! what's up? He is cheating on you! But what the hell? You didn't do anything. I don't know if you are blind or Martyr "

Hindi na ako sumagot sa mga sinasabi ni AC, alam ko naman kasi na totoo yun, but not that Dash cheating on me thing' Alam kong hindi nya pa ako lolokohin,hindi pa ngayon

"Pwede ba Andra Carlene, just shut up! alam nya ang ginagawa nya, matalino si ate" sabi ni BC

"whatever manang!" sinabi nalang nya at naglagay ng earphone

Not now Dash, not now...

Dash POV

Nakahinto ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nila Jeirah

"Thank you sa pagsama at sorry kasi napagkamalan ka tuloy na nagchicheat" sincere na pagkakasabi sa akin ni Jeirah

"No. You dont have to say sorry. She will understand that." I smiled bitterly

"thanks! I gotta go! gagawin ko pa itong gift ko" she smiled at me. I came closely to her. And there is a little space between us.. I saw her blushing and close her eyes.

*Click* I unlock the door and open it for her. She looked at me suprised. I just smiled at her..

"Goodbye"

"G-goodbye"

she ran off and never bother to look at me. I just smiled consciously and said

"Muntik na yun!" and I drove to Courtney's house

Falling For Kinsman (COMPLETED)Where stories live. Discover now