Chapter 15:Undeniable

41 3 0
                                    

Anong oras na akong nagising dahil anong oras na din akong nakatulog sa kakaisip sa mga nangyari Kagabi. Hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko yung ginawa ni Dale at Dash.. Chineck ko ang phone ko at nagulat ako ang daming text message.

Karamihan Galing kay Dash. Nagtataka ko kung bakit ni isa wala man lang text ni Dale.

Nag almusal ako at naligo para makalabas na..S a pagkakaalam ko may lakad kami ngayon at ewan ko kung kaya ko ng harapin si Dash at ang mga schoolmates namin. After what happened yesternight. Siguradong kakalat ito sa buong school.
At natatakot na ako sa pwedeng mangyari, maisip ko palang si Cassandra, natatakot na ako.
Agad akong lumabas at inintay ang mga kasama ko sa Lobby. Isang oras akong naghintay bago sila makababa.

"Erah Ang aga mo ah!" Bati sakin ni Lez.

"Ah. Eh kasi diba ayun yung usapan natin."

"Haha pasensya na! nalate kami! May hangover e." sabi naman ni Juno.

"Oo nga pala! About what happened yesternight. Umm...Sana---"

"Waaaaa. Erah wag mo ng ipaalala kasi ayaw na din naming maalala! Nakakahiya siguro yung mga pinag-gagagawa namin..." biglang sabi ni May

"OO nga Erah,Di na din namin matandaan yung mga nangyari"

"Ganon?" ayun lang ang tanging nasabi ko...Ibig sabihin, hindi nila alam ang nangyari?

Haaaaaaay! buti naman..

"Asan nga pala si Dash? sasama daw ba sya?" Tanong ko sa kanila...

"Shit! Makakalimutan pa natin si Dash! Pwedeng pakisundo mo nalang Erah, tutal ikaw naman pinaka close nun e" Sabi sakin ni Yen. Hindi ko alam pero parang may ibang kahulugan yung sinabi nya or ako lang ang nag-iisip ng ganun dahil guilty ako. napatango na lang ako.

----
Agad akong pumunta sa room number ni Dash.Kanina pa ako door bell ng door bell pero walang nagbubukas.

Sa sobrang inis ko pinaghahampas ko yung door knob at ang mas nakakainis pa dun, hindi pala nakalock yung pinto.

Agad akong pumasok at binuksan ang ilaw. Nakita ko si Dash na nakahiga at tulog na tulog sa kama.

Nung una, naghehesitate pa akong lumapit, dahil bumabalik sa isip ko ang mga nangyari but in the end, kailangan ko syang lapitan para gisingin.

"Uy gising na Dash" sinundot ko sya sa pisngi gamit ang hintuturo ko. Pero ni pag galaw ng buhok nya ay wala man lang.

"Haaaay! Walang epekto kung gisingin kita, e mukhang lasing na lasing ka kagabi." Umupo ako sa kama nya at inayos ang kumot nya

"Alam mo Dash! Di kita maintindihan, may girlfriend ka pero hinalikan mo ko kagabi."

"Di mo ba naisip yung naramdaman ko nun? Pinipigilan ko na nga yung sarili ko na huwag mahulog sayo pero bakit tinutulak mo pa ko lalo para mahulog?"

"Alam kong mali yung nararamdaman ko. Pero sa tingin ko gusto na talaga kita! Ang problema lang mukhang may gusto din ako sa kanya at may girlfriend ka"

"Haaaay! Para na siguro kong sira sa pagkausap sa taong tulog!" Tumayo ako sa kama nya at pumunta sa mini fridge. Kumuha ako ng sprite. Sabi nila pangtanggal daw ng hang-over yun.

Nagiwan ako ng note sa lamesa katabi ang sprite.

Dash,
Di na kita ginising para makapagpahinga ka, aalis lang kami sandali. Inumin mo na lang yung sprite.
Pang-tanggal hangover daw yan.

-Era

Falling For Kinsman (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora