Chapter 47: Cheesecake

Magsimula sa umpisa
                                    

May natitirang hiya pa naman ako sa katawan.

Nang lumabas ako ay nasa may labas pa rin si Pipes at nakaupo sa may damuhan sa harap ng bahay nila.

"I knew it. Hihingi ka."

"Mang-inggit ka ba naman. Malamang hihingi ako."

Natawa siya at saka ako binelatan. Parang may naalala na naman siyang nakakatuwang bagay kaya kuminang ang mata niya at saka ako pinalo.

Bakit 'yung mga babae kailangan pa minsan mamalo kapag may naaalalang nakakatuwa o ano? Kung kami kayang lalaki ang mamalo. Pero joke lang.

"Nga pala, you didn't make kwento what happened between you and Tamara last time. Bigla na lang okay na ulit kayo. So.. what happened nga?"

"Ikaw ang may utang sa akin na kwento. Anong meron sa inyo ni Hunter? Nililigawan ka na ba no'n?"

"No. You tell me first. After no'n, saka ko sasabihin sa 'yo nangyari."

"Deal."

Kwinento ko sa kaniya ang ginawa ko matapos nila akong iwan ni Hunter hanggang sa nagkwentuhan kami ni Tamara tungkol sa kung anu-ano.

Napapangiti siya sa kwento ko at parang napasimangot nang mabanggit ko na pakiramdam ni Tamara ay hindi siya masayang maging kaibigan.

"She's awesome kaya. Who wouldn't want her as a friend? Parang wala naman. Pero you know what.. I think you should bond with her more. You're so fun to be with kasi. Parang if she'll get closer to you, masasalin 'yung positive energy mo sa kaniya."

"E 'di ako naman nawalan," biro ko sa kaniya.

"Shut up. Sige, mahahawaan mo na lang. Kaya you should bond with her more."

"Gagawin ko naman talaga 'yan kasi nakakatuwa rin siyang kasama."

"Kahit binabara ka niya?"

"Kahit binabara niya ako."

Nginitian ako ni Pipes at saka tinapik tapik, "Nice, Nate."

"Ikaw? May ano sa inyo ni Hunter?"

Nagkibit-balikat siya at kwinento kung paano niya nalaman na nagtratrabaho si Hunter. Aksidente lang daw na nalaman niya 'yon at wala naman daw siyang karapatan ipagkalatan ang nalaman niya kaya sinikreto na lang niya hanggang sa puntong parang sikreto na rin niya ang sikreto ni Hunter.

"Bakit daw siya nagtratrabaho?"

"It's not my story to tell."

Alam niya nga ang sagot ayaw niya lang sabihin. At ayos lang naman sa akin 'yon.

"Umamin na ba sa 'yo si Guevarra?"

Nanlaki ang mata niya sa tanong ko at saka umarte ulit ng normal. Parang wala lang sa kaniya, e halata namang nagulat siya sa tanong. Ayos talaga 'to.

Magsasalita sana siya pero itinikom ulit niya ang bibig niya. Hanggang sa naulit ulit at naulit pa. Halatang hindi niya alam sasabihin niya.

Pero dahil kilala ko 'to kasi nga bestfriend ko siya.. alam ko na ang sagot. I'm so great.

"Alam ko na sagot. Okay na. Pwede ka na huminga," biro ko sa kaniya at saka ko siya pinagtawanan. Ako ang nagbiro, ako ang tumawa. Ayos.

"Whatever," sagot niya. "Ah! Guess what!"

Uy. Halata naman 'tong si Pipes. Iniiba ang topic. Pero dahil kagabi pa siya sa guess what guess what niya.. sige na. Pagbibigyan ko na. Manghuhula na ako.

Magsasalita pa lang sana ako nang itaas niya ang kamay niya para pigilan ako, "Okay, nevermind. I know na you're not going to try."

Judgmental!

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon