CHAPTER 6

63 2 0
                                    

Chapter 6: Weird
Unedited.

**********

Van's POV

Nandito kami ngayon sa HQ. Hindi kami pumasok ngayon kasi tinatamad daw itong mga kasama ko.

Ako naman nakahiga dito sa may sofa habang nakatitig sa ceiling na kulay puti not minding them.

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ng nerd sa akin kahapon. Paano nya nalaman? Kakaiba talaga siya. Pati yung ngisi niya kahapon kakaiba. Nakakatakot. Hindi ko alam pero bigla na lang ako natakot sa ngisi niya. Ang kinikilalang malakas na gangster at walang kinatatakutan ay natakot dahil lang sa ngisi ng isang babae and worst that girl is a nerd. Wow. Just wow!

She's interesting. Gusto kong malaman kung sino ba talaga siya.

"Tol, may problema ba? Kanina ka pa tahimik ah." tanong sa akin ni Louie, gangmate ko na pinakamalapit sa akin. Parang kapatid ko na rin ang turing ko sakanya.

"Wala may iniisip lang ako." sagot ko naman sa kanya tapos tinignan ang relos ko. Lunch break na pala.

"Tara punta na tayo sa cafeteria." aya ko sa kanila.

Tumayo naman sila then pumunta na kami sa cafeteria.

Pagkadating namin sa cafeteria as usual nagtitilian na naman ung mga babae.

Inilibot ko ung tingin ko sa cafeteria at nakita ko ung weird nerd kasama ung isa pang nerd na kumakain ng tahimik yung parang balewala lang sa kanila na nandito kami.

Nice girls! Wala man lang kaming epekto sa kanila huh. Umupo kami sa katabi nilang table.

Gwen's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria tahimi--

"Waah! nandyan na sila girl."

"Uy asan na ung make-up ko? Bilis andyan na sila."

"Oh my god! ayan na sila."

"Waah! Ang hot nila"

"Ahhh kinindatan ako ni Prince Jairon."

Iyan ang mga sinisigaw ng mga kababaihan dito sa cafeteria ng pumasok na ang mga hari. Hindi ko sila nakikita dahil nakatalikod ako sa pinto pero alam kong sila iyan.

May naramdaman akong nakatitig sa likuran ko pero hindi ko nalang pinansin iyon dahil kilala ko na ito base sa aura na nararamdaman ko mula sakanya. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Van's POV

Kanina ko pa tinitignan ung weird nerd na parang walang pake sa mundo. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. Gusto ko siyang makilala ng lubusan.

"Doon pa talaga umupo ung mga nerd para lang makalapit sa kanila huh. How pathetic they should be?"narinig kong sabi ng campus bitch na patay na patay sa akin, si Fei.

Nakita kong babatuhin niya ung weird nerd ng plato na may lamang spag at kapag tumama sakanya iyon ay talaga namang magiging marumi na ang damit niya.

Ibinato na ni Fei ang plato sa weird nerd at lahat naman ng tao ay napasinghap nang masalo ng weird nerd ang plato gamit ang hintuturo niya sa kaliwang kamay niya na ngayon ay bina-balance lang niya. Bigla niya itong hinagis paitaas kaya expected na matatapunan siya pero lahat kami ay nagulat ng makitang ngumanga siya at sinalo ang lahat ng spaggetti na nalalaglag at nang maubos na ang spaggetti sunod na nahulog ang plato at ung kanang kamay niya ang ginamit niya na pangsalo at inilapag niya sa table.

Huh! kaya niya ubusin iyon.

Lahat kami ay humanga sakanya. Minsan lang ako humanga at talagang sa katulad niya pang nerd ah. Ang weird niya talaga kahit kailan. I need to know who is she?

The Mafia HeiressWhere stories live. Discover now