PROLOGUE

125 4 1
                                    

Prologue

"Kuya, please don't leave me alone."sabi ng batang babae na umiiyak habang hinahatak ang laylayan ng damit ng kuya niya.

Lumuhod ang kuya niya para ipantay ang kanyang mukha sa kapatid niya.

"Baby, I need to leave. Don't be afraid if you are alone. I'll be back if I am done in what I am doing."sabi ng lalaki sa kapatid niya habang marahan nitong pinupunasan yung luha ng kapatid niya.

Ang bata ay nanatiling umiiyak at hindi sumagot. Niyakap niya ang kuya niya ng mahigpit. Ayaw nitong umalis ang kuya niya. Hindi niya alam kung bakit kailangan ng kuya niya umalis at iwan siya. Humagulgol ang bata sa dibdib ng kuya niya.

Ang lalaki naman ay parang ayaw niya ng umalis dahil sa kalagayan ng kapatid niya. Pero hindi pwede. Kailangan niyang umalis para sa kapatid niya para hindi ito mapahamak.

Ito ang kahinaan niya ang makitang umiiyak ang kapatid niya. Pakiramdam niya kalahati ng buhay niya nasa kapatid niya. Para siyang mamamatay kapag nakikita niyang ganyan yung kapatid niya.

Pangalawang beses niya na itong nakitang umiyak ng ganyan katindi. Una yung pinatay yung mama at papa nila. Tapos ngayon aalis na siya.

Inilayo niya ng kaunti yung mukha niya sa kapatid niya. Ikinulong nito sa palad niya yung mukha ng kapatid niya. Tinitigan niya ang maamo nitong mukha, ang kulay gray nitong mga mata na namana niya pa sa papa nila. Siya lang ang nagmana nito sa kanilang dalawang magkapatid. Itinatak niya sa kanyang isipan ang bawat parte ng mukha nito pati na rin ang kulay gray nitong mata hinding-hindi niya ito makakalimutan.

Hindi niya alam kung makakabalik pa ba siya o hindi. Pero ipinangako niya sa sarili niya na hahanapin niya ito kung mawawala ito. Ipinangako niya na bago siya mawala sa mundo ay mahahanap niya ito.

Para sa kanya isa itong anghel na dapat ay inaalagaan at minamahal pero hindi niya na iyon magagawa dahil aalis na siya at iiwan niya na ito.

"Baby, be safe and be strong."mahinang sabi ng lalaki at hinalikan sa noo ang bata.

Labag man sa kalooban niya na iwan ang kapatid niya pero wala na siyang magagawa kailangan niya itong gawin para na rin sa kabutihan ng kapatid niya.

Tumayo na ito at nagsimula ng maglakad palabas ng pintuan. Naririnig niya pa rin ang mahinang pag-iyak nito. Habng naglalakad siya palabas ng mansyon ay tumulo na ang kanina niya pang pinipigilan, ang luha. Ayaw niyang makita siya nang kapatid niya na umiiyak siya.

Mabilis niya itong pinunasan pero patuloy pa din ang paglabas ng luha sa kanyang mga mata.

Pagkalabas niya sa malaki nilang gate ay nakita niya doon ang itim na limousine na naghihintay.

Pinagbuksan siya ng lalaking naka tuxedo. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya yung kanilang mansyon. "Babalikan kita baby."sabi niya sa kanyang isipan bago pumasok sa limousine. Mabilis naman itomg pinaandar ng driver.

Habang ang bata naman ay hindi makaalis sa kinatatayuan niya. Gusto niyang habulin, pigilan yung kuya niya pero ayaw kumilos ng paa niya. Gusto niyang magwala pero nanghihina siya nawalan na siya ng lakas. Gusto niyang umiyak pero wala ng lumalabas na luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang sumigaw pero ni isang boses ay walang lumabas sa kanyang bibig. Wala na siyang ibang nagawa kundi mapaupo at titigan ang pintuang nilabasan ng kuya niya.

Hindi niya alam kung bakit siya iniwan ng kuya niya. Gusto niyang malaman kung bakit siya iniwan ng kuya niya? Gusto niya malaman kung bakit pinatay nung mga nakaitim yung mama at papa niya? Gusto niya lahat malaman pero hindi niya alam kung paano.



The Mafia HeiressOnde as histórias ganham vida. Descobre agora