PAMBARA 26- Blessings

Começar do início
                                    

Natahimik si Drew pagkatapos nun. Barado na siya e.

-

Pero noong gumamit na siya ng pregnancy test kit, positive, buntis siya. Napafaceplam na lamang siya. Naalala niya noong sinurprise siya ni Yohanne sa Davao. Nalasing nga pala sila nun.

Noong sinabi nya sa magulang niya na buntis siya, nagalit syempre ang tatay niya. Hindi napigilang umiyak ni Scarlette noon. Pero wala na silang magagawa, sa huli, niyakap na lamang nila si Scarlette at sinabing blessing ang magiging apo nila.

Tinanong pa ni Mr. And Mrs. Harper kung si Drew daw ba ang ama dahil sila na ang magkalive in ngayon kaso tinanggi ito pareho ni Scarlette at Drew. Sinabi na lamang ni Scarlette ang totoo na si Yohanne nga ang ama.

Pinipilit pa nga ng mag-asawa na ipakasal si Scarlette at si yohanne at kung alam naman daw ba ito ni Yohanne. Sabi ni Scarlette ay kaya niya naman na palakihin ang baby kahit wala ang ama nito. Andyan naman daw si Drew.

Napangiti na lamang ang mag-asawa. Ayaw ni Scarlette kahit alam nila na mahal parin ng anak nila ang ama ni baby Ice.

Sa panganganak, doon nahirapan ng maiigi si Scarlette. Ang hirap daw umire. LOL. Hindi niya naman kasi alam na kambal pala ang anak nya!

Pero noong makita niya ang dalawang baby, doon nawala ang lahat ng pagod at lungkot.

Iyesel Michael ang pinangalan sa bata dahil ang Iyesel ay malapit daw sa pangalan ni Iya, ang bestfriend ni Scarlette (hanggang ngayon) at ang Michael ay nakuha sa Mekayla sa pangalan niya. Si Iyo Hansel naman ay natripan lang ang pangalan. Yung Iyo ay tribute din kay Iya. Taray!

Ice naman ang nickname dahil cold daw si Scarlette sa ama ng bata. Iyan ang joke ni Drew. Noong sinabi niya yun, nabato siya ng unan sa hospital. Pero yun na din naman ang naging nickname nung bata. Si Hansel ay trip lang ulit ang nickname. Hindi kasi siya expected. Kaya isa lang ang naready nila.

Ngayon, pabalik na sila sa Pilipinas.

Si Scarlette ay kakagraduate pa lamang sa isang sikat na Theatre school sa Australia, pati na rin si Drew. Pagkatapos manganak ni Scarlette ay pinaggpatuloy nya ang hilig niya sa pag-arte. Hindi yung pag-arte na arte lang, yung arts. AH BASTA!!

Kaya siya uuwi ay para sa revenge niya... at dahil na din sa offer ni Author sakanya na TV Series. Malaki ang offer ni Author. Siya ang producer. Dahil nga malapit na magkaibigan ang dalawa, pumayag na si Scarlette.

Hindi alam ni Scarlette na plano pala iyon ni Author para magkabati na sila.

----

Sa kabilang dako...

“Yohanne!”

 

“UY AUTHOR!” bati ni Yohanne kay Author na papalapit na sakanya.

“Diba wala ka namang trabaho?”

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Onde histórias criam vida. Descubra agora