"Papunta na dito yun. Maupo nlng kayo diyan." Sagot ni Gab.

"Lab, maupo kana muna diya ha.. Puntahan ko lang sina mama." Paalam ni Jade. At naupo naman si Althea. Sinundan ng tingin si Jade at ng maglaho ito binaling na ang tingin kai Miggy.

Sa kwarto ng parents ni Jade..

Tok tok tok..

Sinubukan ni Jade pihitin ang door knob.. Bukas naman kaya tumuloy na ito.

"Mama, Dada?" Nagtuloy2 ito sa loob.

"Jade anak.. Nakauwi kana pala. Tinutulungan ko lang ang Dada mo at bababa na rin kami." Tugon ni Amanda. Humalik naman si Jade sa kanila.

Nakakalakad na ang Dada ni jade dahil na rin sa tulong ng therapy pero kinakailangan pa rin niya magsungkod bilang alalay.

"Salamat Jade.. Hindi pa rin ba kayo nagkaayos ni Althea." Tanong ni Dada niya habang dahan2 na itong naglalakad.

"Ok na po kami Dada.. At kasama ko sila ni Miggy ngayon." Sagot ni Jade.

"Mabuti naman." Matipid lng na sagot ng Dada niya. Habang hinimas naman ng mama niya ang kanyang ulo at ngumiti na nagpapahiwatig na natutuwa ito.

Nakarating na sila sa dining table.
Tumayo si Althea at bumati sa kanila.

"Good evening po Mr. & Mrs. Tanchingco." Si Althea.

"Good evening din Althea." Amanda.
Tumango naman si Oscar bilang pagganti.

At pagkaupo nila lumapit si Miggy.

"Good evening po dada-lo at mommy-la." Sabay nagmano sa kanila. Nakasanayan na ni Miggy na yun itawag sa kanila. Nung una ayaw ni Oscar pero di nagtagal nasanay rin siya. Samantalang si Althea, kahit anong pilit ni Jade na tito at tita ipatawag sa parents niya mas gusto pa rin ni Althea ang Mr. & Mrs. Tanchingco. Gusto niya kasi na kapag tinawag na niya ito sa ganun buo na ang pagkatanggap sa kanya.

Nagsimula na silang kumain.. Konting kwentuhan. Hindi masyadong kumikibo si Althea.

Patapos na silang kumain ng magsalita si Jade.. Na ikinaba naman ni Althea.

"Aya Gab, Pearl, ama, mama, Dada.." Hindi natapos ni Jade ang sasabihin ng magsalita si Althea.

"Gusto ko lang ho malaman niyo lalo na po sa inyo Mr. & Mrs. Tanchingco na mahal ko po si Jade.. Maaaring kulang pa ang mga taon na napagdaanan namin para maipakita ko po sa inyo kung gaano ko siya kamahal at iniingatan. Hayaan niyo po sanang patunayan ko yun sa kanya at sa inyo na pamilya niya sa araw-araw. Kaya kung inyong mamarapatin, hihingin ko ho sana ang blessings niyo para pakasalan si Jade. I want to marry your daughter." Sincere na pagkasabi ni Althea sa kanila.

Masaya ang mukha ni ama sa narinig mula kai Althea. Nakangiti rin si Gab at si Pearl naka half smile lang naghihintay sa sagot nina Oscar at Amanda.

"Actually, nagpropose na si Althea kanina.. And of course I said yes." Masayang tugon ni Jade ipinakita pa ang ring niya sa mga ito.

"Jade, sigurado kana ba sa desisyon mo?" Seryosong tanong ng dada niya.. Pero hindi naman ito galit.

"Opo dada.. Sigurado na po ako. Si Althea na ang gusto kong makasama habang buhay." Sagot ni Jade sabay hawak sa kamay ni Althea.

"Then, sige.. Malaki kana gaya ng lagi kong sinasabi sayo. Pero I'm sorry.. Hindi ako dadalo sa kasal ninyo." Sabay tumayo ito at inalalayan ni Amanda. Pabalik na ito ng kwarto nila. Lumingon naman si Amanda at sumenyas kina Jade na babalik siya.

"Hindi niya pa rin kayo matanggap shobe.. Pero ok na rin na pumayag siya kaya ituloy niyo yan." Suportadong tugon ni Gab.

"Thank you aya.." Nakangiti pero medyo dismayado ang mukha ni Jade.

"Congratulations and good luck to both of you. Punta lang kami ng sala. Johnny, lika na anak." Bati ni Pearl kina Jade at Althea sabay tumayo at nilisan na ang mesa kasama ang anak niya.

"Shobe, tara.. Dun niyo na hintayin si mama sa sala." Yaya ni Gab sabay tumayo.

"Sige aya.. Susunod kami." Sagot lang ni Jade.

Humarap ito kay Althea at hawak2 pa rin niya ang mga kamay nito.

"Lab, I'm sorry.. Hindi ko inexpect na ganun magiging reaksyon ni Dada. But don't worry I'm sure kinausap na siya ni mama." Tugon ni Jade na sinusubukang wag maapektuhan.

"It's ok lablab.. Gaya nga ng sabi mo diba pumayag sila o hindi, tuloy ang kasal natin. At surprisingly, pumayag naman so wala na tayo dapat ikabahala. Yun nga lang hindi siya dadalo." Pilit rin pagpapalakas ng loob ni Althea at naka half smile silang nakatingin sa isa't-isa.

"Jade, ikakasal na kayo ni Althea? I'm happy for you apo.. For the two of you. You know ever since that it's difficult pero kinaya niyo. Kaya hayaan niyo na ang lalaking yun kung hindi mn siya dadalo sa kasal niyo basta ako I'll be there." Nakakagaan namang tugon ni ama sa dalawa. Tumayo sila at lumapit sa matanda.. Nagpasalamat at yumakap ang mga ito.

Nasa sala na silang lahat ng bumaba si Amanda. Diretso itong lumapit kay Jade.

"Jade, I'm so sorry pero hindi talaga dadalo ang Dada mo pero anak gusto ko lang malaman niyo ni Althea na suportado ko ang pagpapakasal niyo at masaya ako lalo na sayo Jade. Mahal na mahal kita. Pagpasensyahan mo nalang ang Dada mo ha?" Paliwanag ni Amanda at yumakap sa anak.

"Thank you po mama." Si Jade na naiiyak.

"Thank you po Mrs. Tanchingco." Si Althea naman nagpasalaman. Makikipagshakehands Sana siya pero niyakap siya ni Amanda.

"Althea, ikakasal na kayo ng anak ko kaya wag ka ng mahiyang tawagin akong mama at alam kong wala ng makakapigil sa kasal niyo sinisiguro ko yan." Tugon ni Amanda na siya ikinatulo ng luha ni Althea. Nagyakapan ulit sila at yumakap rin si Jade.

It's almost 10pm..

Nagdesisyon na sina Jade na umuwi na.

Umakyat ito para magpaalam sa dada niya.

"Dada? Alis na po kami dada.. Baka hindi muna ako makakauwi dito within this week aasikasuhin kasi namin ang engagement party namin ni Althea. I love you dada. Thank you pero syempre mas magiging masaya sana kung makakapunta kayo. Good night." Tugon ni Jade humalik sa noo ng ama at sabay paalam na rin sa inakala niyang tulog na ang dada niya. Pero narinig nito lahat ng sinabi niya. Nagkunwari lng itong tulog ng marinig siya nitong papasok ng kwarto.

Lumabas na si Jade ng kwarto at pagkababa nagpaalamanan na sila sa isa't-isa.

❤❤❤

My TRMD FinaleWhere stories live. Discover now