Best Gifts

2.9K 91 4
                                    

"As a parent.. I want nothing but the best for my children. Ang hindi ko alam, what I think is the best will make their lives miserable! And 5yrs ago.. I lost my son Paul. I told myself before, I'd rather have a dead son than a gay one! We don't want to tolerate them! And as a Chinese, we don't want to put our names in shame that's why pilit ko silang pinagbago. Hindi ko man lang nakita na nasasaktan na ang mga anak ko at nakakasakit na rin ako sa ibang tao. To make this short. As a parent, we have to consider also the feelings of our children, to hear their voices, to support their decisions as long as wala silang tinatapakang tao. At yun ang na realized ko. That's why I'm here today, to show support to my daughter Jade and her wife Althea. To ask forgiveness sa mga nagawa ko sa kanila. At sabihing mas mahalaga sa akin ngayon ang pamilya ko kesa sa sasabihin ng ibang tao. Wala na akong pakialam. Basta nakikita ko lang silang masaya, masaya na rin ako. And I will assure you, Jade, Althea, to my wife Amanda, son Gabrielle at sa aking ina, ama.. This will be the start of a change for the better in our lives. I love you all. And one more thing, kailangan ko na talagang tanggapin na madadagdagan na naman ng isang babae ang mga anak ko. First is my baby girl Jade, second si Pearl at ngayon si Althea. (Sabay tingin sa direksyon nina Althea.)
Congratulations and cheers for the newly wed!"

Isang nakaka-touch na speech ang ibinahagi ni Oscar sa reception. Sabay itinaas ang glass of wine for a cheers. After, lumapit siya sa newly wed na nasa center ng room na yun.

"Thank you Dada.. I love you! You make this day complete. I'm so happy to have you here." Tugon ni Jade na walang tigil sa pagtulo ng mga luha habang yakap2 ang ama. Hinaplos lang nito ang likod niya. Pagkabitaw ni Jade, si Althea naman ang nilingon niya.

"Althea, simula ngayon, tawagin mo na akong papa." Tugon nito. At sa tuwa ni Althea.. Bigla siyang napayakap sa ama ng asawa.

"Salamat po papa." Gumanti nlng din ng yakap si Oscar.

Nagpalakpakan ang lahat. Walang kasing saya ang araw na ito para sa lahat ng tao na nandoon.

"Alam mo pangga hindi pa rin ako makapaniwala.. Nasa gilid na nga lang ako nakatayo kanina para hindi makasali pero sa akin pa rin talaga napunta ang bouquet?" Tugon ni Batchi kay Wila sabay tinawanan siya nito.

"Ayaw mo nun pangga? Tayo na susunod na ikakasal?" Si Wila sabay yumakap..

"Eh hindi naman yun pangga eh.. ang gwapo ko sa soot ko oh tapos sakin napunta? Ang bouquet talaga?" Sobrang bothered talaga siya.. Sino ba naman kasi ang mag-aakala?

And the party went on..

Picture taking na naman.

Slicing of the wedding cake.

A dance of the newly wed..

A dance with their love ones.

A dance for all.

"Finally, we're married.. Lablab, this the best day of my life!" Tugon ni Althea na nakahawak sa pisngi ni Jade habang nakatayo sila sa bintana ng room nila.

"This is the best day of my life too lablab. This is the start of our road to forever. In witness of the sun that about to set." Nakangiti namang tugon ni Jade.

Dahan2 lumalapit ang lips ni Althea sa lips ng asawa niya.. Ng biglang..

Tok tok tok!

Nagulat ang dalawa.. Sabay napangiti nlng din sila.

Si Althea na nagbukas ng pinto.

"Tsong, ano honeymoon na ba?" Si Batchi pala kasama si Miggy.

Pinangako kasi nilang papanoorin ang first sunset bilang mag-asawa kaya nagpaalam ang mga ito saglit sa mga bisita at nagpunta sa kwarto nila.

My TRMD FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon