Flight to San Francisco

2.3K 79 0
                                    

Mainit nilang pinagsaluhan ang isang halik sa kalagitnaan ng gabi..
Althea is trying to move her hands inside Jade's nighties. Masyado na siyang nadadala sa init na nararamdaman niya. And suddenly humiwalay sa pagkakahalik si Jade sabay pinigilan ang kamay niya.

"Lab.. Akala ko ba? Wala munang ganyan?" Paalala nito.

"Lab, ikaw nagsimula diba? Natutulog na tayo pero ginising mo pa talaga ako tapos ngayon?" Medyo nagtitimpi na sagot ni Althea.

"Oo nga lablab pero kiss lang naman ang gusto ko eh.. I'm sorry." Malungkot na tugon ni Jade.

"OK.. Matulog na tayo." Mahinahon lng naman boses ni Althea pero tinalikuran niya ito.

"Oy lab.. Wag mo naman akong talikuran." Sabay hawak nito sa braso ni Althea at sinusubukang ipaharap pero hindi talaga ito humarap hanggang sa nakatulog na ulit sila.

"Good morning Miggy.. Good morning lablab. Hmmm bango mo naman lab aga mo naligo ah." Bati ni Jade sa mag-ina niya ng datnan niya ito sa lamesa hinihintay siya. Tinawag na kasi siya ni Miggy kanina kaya alam nilang gising na siya. At humalik pa ito sa ulo ni Althea.

"Good morning din po mommy Jade." Bati ni Miggy.

"Good morning. Maupo kana kakain na tayo." Tanging tugon ni Althea.

Nakaligo nga pero mukha naman wala sa mood ang lablab ko. Sa isip ni Jade kaya naupo nlng siya at hindi na niya ito kinulit.

Tanchingco Mansion..

Papasok pa lang ang sasakyan nina Althea nakikita na nila si Amanda naghihitay sa kanila.

Pagkababa ng sasakyan sumalubong ito ng halik kina Jade at Althea at pinagmano naman si Miggy.

"I'm glad you're here anak.." Sabay ngiti si Amanda.

"Si Dada po mama? Alam niyo naman kasi na aalis na kami papuntang States 2weeks from now.. Mama, I will try to convince Dada again maybe this will be the last time." Tugon ni Jade habang naglalakad sila papunta sa direksyon ng Dada niya. Nakaupo ito sa may swimming pool.

Iniwan na muna nila si Miggy na nakikipaglaro kay Johnny. Wala sina Gab at Pearl may nilakad at pinagkatiwala lng sa yaya ang mga anak nila.

"Hi Dada.." Bati ni Jade sa ama at humalik ito. Bumati rin si Althea.

Naupo sila.

"Dada.. 2 weeks from now aalis na po kami papuntang States. We have to be there to see the church, the reception and our wedding gowns na rin para kapag may mga kelangan i-adjust, may time pa po kami." Paliwanag ni Jade. Nakikita naman niyang nakikinig ang ama.

"Mr. Tanchingco, alam ko ho na ibinigay niyo na ang blessings niyo para ituloy ang kasal namin ni Jade at malaki ho ang pasasalamat namin dahil dun pero kung hindi naman po kalabisan hinihiling po sana namin na pumunta ho kayo." Medyo nanginginig na tugon ni Althea.

"Jade, Althea.. Sana makontento na kayo na hindi ako humadlang sa kasal niyo. Ang makita ko ang anak kong babae na ikakasal sa kapwa niya babae? Hindi ko kakayanin yun! Kaya kung ako sa inyo.. Wag niyo na akong isipin." Pagmamatigas ni Oscar.

"Oscar, gusto lng naman ng anak natin na kumpleto tayo pamilya niya sa kasal nila." Pangungumbinsi ni Amanda sa asawa.

"Sinabi ko na sayo Amanda buo na ang desisyon ko!" Tumaas na ang boses nito.

Di naman namalayan ni Jade na tumulo na pala luha niya at pinunasan niya ito. Hinagod naman ni Althea ang likod niya bilang pag comfort sa kanya.

"Its OK po Dada.. I understand. I'll be OK.. Since pupunta naman sina mama." Tugon ni Jade at tumayo yumakap sa Dada niya at humalik sa ulo.

My TRMD FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon