Invitations

4K 106 1
                                    

Mahimbing pang natutulog si Jade ng magising si Althea. Pinagmasdan niya ito.. Napapangiti.

"Ilang months na lang, ikakasal na tayo.. I love you so much lablab. I can't wait to spend the rest of my life with you." At marahan niya itong hinalikan sa ulo at niyakap.

Dahan-dahan na siyang bumangon.
Nagpunta ng banyo at nag-ayos.

7am na pagtingin niya sa relo.

Bago siya lumabas ng kwarto, nilapitan niya ulit si Jade at nagsmack sa lips nito. Wala man lang reaksyon. Patay ito sa tulog.

"Good morning po mam." Bati ng katulong ng makita si Althea na pumasok sa kusina.

"Good morning.. Saan si Miggy? Wala na kasi siya sa kwarto niya." Tugon naman ni Althea.

"Nasa labas po mam. Naglalaro ng basketball." Sagot ng katulong.

"Ah ok.. Puntahan ko lang siya. Pakihanda naman po ingredients ng adobo. I'll cook for breakfast. Thank you." Bilin ni Althea bago ngpunta sa labas.

"Good morning 'nak.." Bati niya kay Miggy.

"Good morning po mommy.." Bati naman ng bata at lumapit ito sa kanya. Yumakap.

"Pawis na pawis ka ah. Halika muna sa loob. Magpalit ka ng damit at magdala kana rin ng towel ha ilalagay ko sa likod mo." At sumunod naman si Miggy. Umakyat ito sa kwarto niya. Nagpalit ng damit at bumaba na may dalang towel.

"Oh ayan.. Balik kana sa paglaro. Magluluto lang ang mommy ha." Tugon ni Althea sabay humalik sa noo ni Miggy.

"Sige po mommy." Sagot ng bata at bumalik na sa labas.

Nagpunta naman ng kusina si Althea. Nagsimula na siyang magluto. She's so inspired to the point na hindi na niya naisip mga nangyari sa Tanchingco mansion kagabi. Tanging nasa isip lang niya ngayon ay ipagluto ang mga mahal niya at lalo na si Jade kasi for sure miss nito mga luto niya.

Ready na ang lahat.. Ang amoy palang mukhang masarap na na adobo ni Althea, scrambled egg, hotdog, slice bread, rice, juice ang mga nakahanda sa mesa.

"Ah yaya pakitawag naman po si Miggy." Utos ni Althea. Sumunod naman ito agad.

"Good morning! Hmmm I really miss that smell.." Si Jade na kagigising lang. Tamang-tama at kakain na sila. Sinalubong siya ni Althea habang pababa ng hagdan.

"Good morning too lablab.. Alam KO kasi miss mo ang luto ko kaya ayan pinagluto kita." Tugon ni Althea na nagspread ng arms niya para handang yakapin si Jade.

"Thank you lablab.." Sabay yakap ni Jade kai Althea. "I love you." At humalik pa ito sa lips.

"Ikaw na ang pinaka sweet sa lahat.." Si Althea naman humalik sa lips niya. "Halika na.. Alam ko napagod ka kanina kaya kailangan mong makabawi." May pagkapilyang tingin no Althea.

"Lab, stop.. Alam mo naman weakness ko ang tingin mo na yan." At yumakap uli si Jade.

"Good morning po mommy Jade." Bati ni Miggy pagkapasok ng bahay.. Naputol ang lambingan nila. Lumapit ang bata at yumakap.

"Good morning too baby boy.. Aga mo pinawisan ah. I'm sure gutom kana kaya kain na tayo. Tara lab." Tugon ni Jade at nagpunta na sila sa kusina.

Nagtimpla ng kape si Althea para sa kanila ni Jade.. Nagsimula na silang kumain at nagsusubuan pa. Masayang masaya si Jade. Miss niya ang ganitong moment nila.

After breakfast, naupo sina Jade at Althea sa sala habang nasa kwarto naman si Miggy nilalaro mga pasalubong ni mommy Jade niya.

"Lab, we need to finalized our list of visitors sa engagement party natin and after that we need to give them invitations as soon as possible." Paliwanag ni Althea na may hawak ng papel at ballpen.

My TRMD FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon