Heartbreaking

4.2K 90 35
                                    

"Bye Bali till next time!" Paalam ni Jade sa lugar kung saan andaming alaala na nabuo sa kanila ng asawa at ganun din sa dalawa nilang kaibigan.

Nginitian naman siya ni Althea at hinoldinghands bago umakyat ng shuttle bus.

Papunta na sila ng airport. Isang oras din mahigit ang byahe kaya nakatulog pa sina Jade at Althea. Tanghali na sila nagising at diretso na naglunch.. Nagpahinga saglit bago nagligpit ng kanilang mga gamit.

At the airport..

"We will miss you girls!" Tugon ni Joan sabay beso at yakap.

"Mamimiss rin namin kayo. Thank you sa pagsama sa amin dito." Si Althea.

"So, see you 'till next trip?" Nakangiting tanong ni Cathleen.

"Yes see you!" Sagot ni Jade at nagbeso2 na sila nagyakap at nagpaalamanan na.

Balik San Francisco na kasi sina Cathleen & Joan.

Inside the plane..

"Good afternoon! Ladies and Gentlemen.
Welcome onboard this flight to Philippines.
My name is John Graham and I'm Your In-flight Service Director.
Your cabin crew are here to ensure you have an enjoyable flight to Philippines this evening."

"Mamimiss ko mga moment natin sa Bali my life.." Tugon ni Jade sabay sumandal sa asawa.

"Ako rin. Mamimiss ko talaga. I love you." Si Althea at humalik sa noo ng asawa at hinawakan ang mukha nito.

Nakapikit lang sila ng tuluyang makatulog.

After mahigit 3hrs na byahe.. They landed safely in NAIA.

It's almost 9 pm.

"Mommy! Mommy Jade!" Excited na sumalubong si Miggy tumakbo pa ito sa mga mommy niya. Nakasunod naman sina Batchi at Wila.

"Miggy anak. We miss you. I love you." Isa-isang sambit ng mga mommy niya sabay niyakap siya at hinalikan.

"Mga tsong, mukhang pagod na pagod tayo ah.." Malokong bati ni Batchi.

"Alam mo Batchi kahit minsan tumigil ka muna sa mga banat mo ha." Tugon ni Althea na hindi naman galit at tumawa pa sabay yakap sa kaibigan at ganun din kay Wila at ganun din si Jade sa dalawa.

Nagtungo na sa sasakyan at papunta silang Tanchingco Mansion.

"Welcome home!!!" Bati ng pamilya ni Jade at mga katulong.

Masaya naman nakipagyakan ang dalawa at ang ibang katulong binati sila.

"Oh ano nakabuo ba kayo?" Seryosong tanong ni Oscar.

"Dada!" Natawa namang sagot ni Jade at nagkatawanan lahat sila. Niyakap siya ng dada niya at inakbayan papuntang mesa para sa inihandang dinner para sa kanila.

Masayang nagkwentuhan habang kumakain. At pagkatapos, mga isang oras lang nagpaalam na sila. Gusto pa sana nilang magtagal pero masyado silang pagod at gusto ng magpahinga kaya kinailangan na nilang umuwi.

Pagkarating sa bahay nila inilabas lang saglit mga pasalubong kay Miggy pinatingnan sa bata at niyaya na itong matulog.

Higa agad si Jade.. "I miss our bed!" Tugon nito.

Pinatungan naman siya ni Althea.

"How about me? Hindi mo ba ako na miss?" Pilyang tugon nito.

"Of course I always miss you. Kahit magkasama tayo, I still miss you. I love you." Sagot ni Jade at pinisil ng halik ang asawa. They kissed pero sandali lang. Mas gusto nila ang matulog na sa mga oras na ito.

My TRMD FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon