The Dinner

3.2K 97 1
                                    

"Oy tsong.. Kumusta ang honeymoon este lakad niyo pala?" Kapapasok pa lng nina Jade at Althea pero nagsimula ng mangulit si Batchi.. Bumawi naman ito agad at nag peace sign ng kumunot ang noo ni Althea. "Biro lang." Sabi niya..

"Ayan dinalhan namin kayo ng pizza at donut.. Di na rin kami magtatagal kasi pupunta pa kami kina Jade." Tugon ni Althea na nakaakbay pa rin kay Jade at ganun din si Jade nakahawak pa rin sa beywang niya.

"Ok sige.. Salamat sa pasalubong pero mukhang inunahan na kami ni Miggy eh." Biro ni Batchi na nakatingin sa bata na kasalukuyang naupo sa mesa at kumakain.

"Miggy tirhan mo kami ah." Pabiro ring sabi ni Wila.

"Oy kayo tig-isa lang naman kinain ni baby Miggy namin eh.." Lumapit si Jade sa bata at pinisil ang dalwang pisngi nito.

"Alam niyo buti pa kayo may baby Miggy.. Tayo kaya pangga kailan magka baby?" Si Wila naman nakitang asarin ni Batchi. Mahina naman siyang sinapak ni Wila sa ulo. Napangit lng si Jade at napailing naman si Althea.

"Kung gusto niyo talaga.. Pwede naman kayo mag-adopt." Suggest ni Althea.

"Althea, para naman hindi mo alam na bawal mag-adopt ang same sex couple dito sa Pinas." Sagot ni Wila.

"Sabagay, pero malay niyo magawan ng paraan." Pagdiinan ni Althea. Ang totoo kasi, may balak rin siyang mag-adopt sila ni Jade ng baby girl. Napatango lng mga kaibigan niya.

"Mommy, tapos na po ako kumain." Si Miggy na umiinom na ng tubig.

"So let's go.." Yaya ni Althea. At nagpaalam na sila kina Batchi at Wila.

Hinatid sila nito sa labas. Pinauna nila si Miggy sa backseat at balik pwesto naman sina Jade at Althea.

"Bye.." Paalamanan nila at tuluyan ng umalis.

Ilang minuto lang sa biyahe at nakarating na rin sila.

Tanchingco Mansion..

Bumusena si Althea at agad naman silang pinagbuksan ng gate.

Huminto sila sa main door. Nagsibabaan at ibinigay sa driver nina Jade ang susi para i-park ang sasakyan nila.

Tamang-tama lang ang dating nila. The dinner is about to start..

Sinalubong sila ni ama.

"Jade, apo.. Saan kaba nagpunta? Simula nung dumating kayo ngayon lang tayo nagkita." Tugon ng matanda.

"Pasensya na po kayo ama.. Nagpunta po kasi muna ako kina Althea." Maiksing sagot ni Jade. Di na siya nagkwento dahil matatagalan lang sila.

Nagyakapan sila at ganun din si Althea na binati si ama. Nagmano rin si Miggy.

"Kuya Miggy!" Sigaw ng maliit na boses ng batang lalaki.

"Johnny.. Hello." Bati ni Miggy. Si Johnny ang eldest nina Gab & Pearl na ngayon ay 4yrs old na. Named after the late angkong John. At eldest kasi may 2nd child na sila. Baby girl named Precious na 1yr old na ngayon.

Akmang maglalaro na sana ang dalawa pero nakasunod pala sina Pearl at Gab.

"Oh mamaya na maglalaro. Yaya paki naman tong mga bata.. Paupuin niyo na po." Utos ni Gab.

"Hi Aya.. Hi Pearl." Lumapit si Jade at nagbeso sa dalawa.

"Hi Jade.. Hi Althea. So, ok na pala kayo? Ang sabi kai ni Gab nag-away daw kayo kanina?" Bati ni Pearl sa dalawa.. Na hindi naman masyadong nagustuhan ni Gab.

"Hon, kaya nga sila magkasama kasi ok na sila. Halika na maupo kana dito." Pag-iiwas ni Gab sa asawa niya kina Jade.

"Ahm, aya sina mama at Dada?" Tanong ni Jade sa kuya niya.

My TRMD FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon