Past and Past

3.4K 107 4
                                    

After 2 days..

5:30am nagising na si Jade.

"Good morning lablab. I love you. Sleep tight ka muna ha.. I'll be the one to prepare our breakfast." Mahinang bati niya sa natutulog na si Althea. Sabay humalik ito sa noo. Nakasubsob kasi ang lips niya sa unan.

Dahan2 siyang umalis sa kama. Nagpunta ng banyo at nag-ayos.

Dumiretso na siya ng kusina at nagluto ng breakfast.

Sa isang taong pagsasama nila marami na siyang natutunang luto kai Althea.

She prepare sautéed corned beef with egg and potato at ang paboritong hotdog ni Miggy.

She's almost done.. Ilalagay na niya sa plato when the telephone rings. Tinapos niya muna ginagawa niya. Nilagay sa mesa at tinakpan bago siya nagmadaling sagutin ang telephone.

Pagkaangat niya.. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya ng boses sa kabilang linya.

"Hey babe! What's up! I'm sorry ngayon lang ako nakatawag.. Congratulations nga pala for the success of your engagement party 3days ago. So, kumusta?" Tuloy2 na pagsasalita ng boses ng babae.

Nanlambot si Jade. Pakiramdam niya binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi siya makagalaw.

"Hello? Althea?" Nagising ang diwa niya ng magsalita ulit ito. Di niya alam ang gagawin kaya pinatay nlng niya.

Ibinaba niya ang telephone. Natulala at naupo sa sofa. "Hey babe! What's up!" Nag-e-echo sa isip niya ang mga salitang yun.

"Good morning lablab! Aba ang aga natin ngayon ah.." Bati ni Althea na kalalabas lang ng kwarto.

Nakangiti pa ito habang pababa at papunta sa direksyon ni Jade. Lumapit ito at humalik sa pisngi. Pero wala itong kibo.

"Lab? May problema ba?" Sabay hawak sa pisngi ni Jade.

"Wala. Maliligo lang ako." Malamig na tugon nito at tumayo.

"Lab.. Aga2 ganyan ang itsura mo. Pls tell me. May problema ka ba? Tumawag ba family mo?"
Tanong ulit ni Althea. Nagtataka ito. Wala naman siyang maalala na nagawa niya.

"Althea I told you. Ok lang ako." Sabay kagat sa daliri niya. Pinipilit pa rin ni Jade maging mahinahon. Tumuloy na ito sa pag-akyat. Hahabulin pa sana siya ni Althea ng magring ulit ang telephone. Sinagot niya ito.

"Hello? Sino 'to?" Tanong niya.

"Althea.. Anong nangyari bakit naputol?" Balik na tanong naman ng nasa kabilang linya.

Napaisip si Althea. Alam niyang si Cathleen ang nasa kabilang linya. Naputol ibig sabihin tumawag na siya kanina? Sa isip niya.

"Cathleen.. Ah oo I'm sorry napindot ko kasi." Patay malisya niya.

"It's ok.. So, kumusta na? May mga i-email ako sayo for your wedding gowns para habang malayo pa, you can choose what design that you want." Tugon ni Cathleen.

"Ok sige. Cathleen salamat talaga. Kung may mga kailangan ka pa sabihin mo lang sakin. And by the way, pwede kong paunahin sina Batchi & Wila diyan para matulungan ka?" Si Althea.

"It's fine Althea. May mga gagawa na niyan dito..
You know what? Yung gay na isa sa nag-assist sayo in organizing our wedding? Siya rin yung nag-assist sakin ngayon.. Nakakatawa yung reaction ng face niya when I told him ikaw naman ang ikakasal." Kwento ni Cathleen sabay tawa.

"Talaga? Nakakatawa pa naman ang mukha nun! Ikumusta mo'ko ha." Tawang-tawa rin habang nagsasalita si Althea.

"Sure!" At nagtawanan pa ulit sila ng biglang isinara ni Jade ang pinto ng kwarto nila ng malakas!

My TRMD FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon