Bonding Time

2.7K 92 3
                                    

Tanchingco mansion..

"Alam mo Oscar ang ganda ni Jade kagabi..
Sayang at wala ka. Nakita mo sana kung gaano sila kasaya ni Althea." Kwento ni Amanda sa asawa kinabukasan.

"Amanda tumahimik kana.. Hindi naman kita tinatanong kung anong mga nangyari dun kagabi." Sagot ni Oscar.

" Oscar, malayo pa naman kasal ng anak natin. Mahaba pa panahon mo makapag-isip kung dadalo ka ba o hindi." Panunuyo ni Amanda sabay haplos sa mga braso ng asawa.

"Amanda, buo ng desisyon ko. Hindi na mababago yun." Paniguradong sagot naman sa kanya.

Guevarra residence..

"Bulalo para sa mga ulo nating nahihilo pa!" Tugon ni Althea sa mag-ina niya sabay lapag ang isang malaking mangkok ng bulalo. Order lang nila 'to sa labas.

"Eh mommy kayo lang naman po eh.. Hotdog lang po kakainin ko." Si Miggy.

"At bakit po? Hindi naman sinabi ni mommy Althea na kasali ka.. Ikaw talaga. Kain na at mamamasyal tayo sa mall." Si Jade kay Miggy habang inaabutan ito ng hotdog sa plato niya.

"Yehey! Thank you po mommy Jade." Masaya namang tugon ni Miggy at nagsimula ng kumain.

"Lab, sigurado ka? Ayaw mo bang magpahinga muna tayo?" Pag-aalala ni Althea sa future wife niya.

"Lablab, I'm fine.. we can still have time to rest at sa mall na tayo mag lunch." Sagot ni Jade sabay higop ng sabaw.

Nakaupo si Althea sa sofa.. Si Jade naman nakahiga sa lap niya. At si Miggy nasa kabilang upuan kasama si Miggy the dog. (Buhay pa. Hihi)

Nasa Cartoon Network ang TV nila.

"Lab, thank you. For everything that you've done to me especially last night." Nakatingala si Jade na nakatingin kay Althea. Yumuko naman ito.

"You're welcome lablab. It's all worth it kasi ang lahat ng yon para lang din naman sa babaeng pinakamamahal ko." Sagot naman ni Althea at hinaplos nito ang mukha ni Jade. Ginantihan naman siya ng ngiti.

11am na.. Nagsimula na silang mag-ayos.

Nakaharap si Jade sa mirror ng room nila. Puting some light make up. Lumapit si Althea at yumakap ito mula sa likod niya.

"Ang ganda naman ng future wife KO.. Pero alam mo kahit tumanda na tayo.. Kumulubot na ang mukha natin, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sakin." Paglalambing ni Althea.

"Promise po kahit pa pumuti ang buhok natin mamahalin pa rin kita.. Ikaw lang at wala ng iba." Tugon ni Jade at humarap kai Althea. Dahan2 inilapit ang labi niya sa mahal niya at ng makalapat na kusa nlng napapikit ang mata niya. Ganun din si Althea sabay ganti sa mga halik nito.
Para silang dinala sa kung saan dahil sa mga halik nilang yun. Muntik na silang makalimot ng may biglang kumatok.

"Mommy? Mommy Jade? Tara na po!" Si Miggy na nasa labas ng kwarto.

Agad naman silang bumitiw sa isa't-isa at napatawa.. "I heart you lablab.." Si Jade sabay dumiin pa ng isang halik. "I heart you too lablab.. Tara na?" Sagot ni Althea at lumabas na sila ng kwarto.

At the mall..

"Mommy, gusto ko po maglaro dun." Tugon ni Miggy kay Althea ng mapadaan sila sa isang arcade.

"Mamaya na anak lunch muna tayo.. Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ni Althea. Magkaholding hands sila ni Jade.

"Sa Mang Inasal po mommy! Kasi unlimited rice.." Tuwang sagot ni Miggy.

"At masaya ka talaga ha kasi unlimited rice sila? Then, let's go." At nagtawanan sila.

All their orders are served.

Sarap na sarap si Miggy. Habang ang dalawa naman mas nasarapan pa na pinagmamasdan ang anak nila kesa ang kumain.

Malapit na silang matapos ng mga pamilyar na boses ng lalaki ang lumapit sa kanila.

"Hi Jade.. Hi Althea." Bati nito.

"Uhm David.. Its you. How are you?" Bati rin ni Jade at nakipagbeso. Ganun din si Althea.

"I'm fine. Actually, I'm getting married next month. Kasama ko fiancé ko pero may pinuntahan pa siya at nakita ko kayo." Kwento ni David.

"Wow congrats. Its good to hear that. And me & Althea are getting married too." Tugon ni Jade.

"Well congrats din sa inyo.. So mauna na ako? Baka hanapin ako ng fiance ko..Its nice to see you again." Paalam ni Davit at umalis na.

"Mabuti nakahanap na rin siya ng taong mas deserving sa love niya." Tugon ni Althea. Sumang-ayon naman si Jade.

Ilang minuto pa bago sila nagpunta sa arcade..

Masayang naglaro si Miggy.. At sina Jade at Althea naman sinubukang maglaro ng basketball. Nagustuhan ni Jade kaya naghulog ulit sila ng token.

Medyo pinawisan na si Jade at to the rescue naman ang lablab niya at pinunasan ito.

"Mommy, mommy Jade sali ako.." Lumapit si Miggy at nagtig-isa sila ng ring. Pataasan ng score. At sa huli si Althea ang nanalo.

"Ang galing ng lablab ko!" Sabay yumakap si Jade. Nagtatalon naman sa tuwa si Miggy.

Napagod na sila sa paglalaro kaya napagpasyahan nilang magpunta na sa Toy Kingdom para mamili ng laruan for Miggy.

Di maiwasang may mga masama ang tingin sa kanila. Pero hindi na nila ito binibigyan ng pansin. Magkaholding hands pa rin silang naglalakad sa mall.

Sa toy kingdom..
May tatlong laruan lang napili ni Miggy at lumabas na sila.

It's almost 6pm..

Papunta na sila sa parking lot.
Sumakay na ng kotse at tuluyan ng umuwi.

"Such a too tiring buy happy day lab.." Tugon ni Jade sabay higa sa kama pagkapasok sa kwarto nila.

"Oo nga eh.. Napagod rin ako." Sagot naman ni Althea na nagpapalit na ng damit.

"So lab, pagpunta natin sa states, all are set?" Pag-iiba ni Jade ng usapan.

"Yes lab.. Sina Cathleen na ang bahala. Sa church, reception and even sa tutuluyan natin. Kaya laki ng pasasalamat KO sa kanya." Paliwanag ni Althea.

"How about our honeymoon lab? Saan mo gusto?" Tanong ni Jade.

"Ikaw lablab kung saan mo gusto? OK lang naman sakin importante kasama kita." Sagot naman ni Althea.

"OK lab pag-iisipan ko." Si Jade sabay tumayo sa pagkakahiga.

Nagpalit na rin siya ng damit.

"Lab, may tanong ako.. Pero kung ayaw mong sagutin OK lang." Si Jade.

"Ano yun lablab? Kahit ano sasagutin KO." Tanong ni Althea habang papunta ng banyo.

"Sigurado ka ha? Uhm may nangyari ba sa inyo ni Cathleen? Ay hindi na pala I'm sorry.. Di naman na siguro kelangan itanong pa yan." Pag-aalangan ni Jade pero ang totoo gusto niya pa rin na sa labi ni Althea mismo manggaling.

"Gusto mo talaga ng sagot? Oo. I won't deny it. Nagsama rin naman kasi kami ni Cathleen." Sagot ni Althea.

It's all in the past pero bakit nakaramdam pa rin siya ng kirot.
"Kasalanan mo rin naman kasi eh.. Bakit kapa nagtanong." Sa isip ni Jade.

"Ah ok lab." Maikli niyang tugon at siya naman ngpunta mg banyo para maghilamos.

"Lab, mauna na akong lumabas ha? Sunod ka nalang.. Asikasuhin KO lang yung dinner natin." Paalam ni Althea pero hindi sumagot si Jade kaya pinuntahan niya ito sa banyo.

Nakabackhug na naman siya sa mahal niya..

"Don't worry lablab mas magaling at mas masarap ka pa rin." Pabulong at medyo naughty na pagkasabi ni Althea.

Sa reflection naman ng mirror nakatingin si Jade. "Promise?" Tanong ni Jade..

"Promise po.." Shoot naman ni Althea sabay umamoy muna bago humalik sa leeg ni Jade.

Sabay na silang lumabas ng kwarto.
Nagpunta sa kusina at naghanda na ng dinner.

❤❤❤

My TRMD FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon