Chapter 7: Home and Secrets

Magsimula sa umpisa
                                    

Natahimik ako. Hindi naman niya kailangang bayaran ang kotse. Ako pa nga ang dapat magbayad sa kanya. "Wait! Ano'ng pangalan mo? I'm Xyra Buenaferte. Kapag may naramdaman kang masakit sa 'yo, hanapin mo ako. Ipapagamot talaga kita!"

"Thanks but no need. I'm Xavier," wika niya.

Hindi siya humarap sa 'kin pero kumaway siya. Napabuntong-hininga ako. Napalingon ako sa kotse. Wasak na wasak ito at pati ang engine ay nasira rin.

Napabaling ako sa driver. Nawalan siya ng malay. Kailangan ko sigurong lumipad pauwi pero nakakatakot dahil baka may makakita sa 'kin kaya hindi pwede. Tinawagan ko si Dad para sunduin kami. Walang dumadaan na sasakyan sa kinaroroonan namin. Paalis pa lang kami ng Wonderland at nasa loob pa kami ng kagubatan. Saan ba nanggaling ang lalaking 'yon at bigla na lang sumulpot? Strange. Power user din kaya siya kaya hindi siya nasaktan?

Pagkalipas ng tatlumpong minuto, dumating na si Dad at nag-aalalang lumapit sa 'kin. Nagtataka siya kung ano'ng nangyari sa kotse. Tinanong pa ako kung nasaktan ba ako. Ipinaliwanag ko ang nangyari. Hinahanap niya ang taong nabangga namin kaya sinabi kong ayos na siya at nakaalis na. Pagkatapos maisakay ang driver sa kotse ni Dad ay umuwi na kami. Tahimik ako habang iniisip pa rin ang lalaking nabangga namin. Xavier? He's really strange.

CLAUSS

Naglalakad na ako sa loob ng Dark Wizards Academy. Pinauwi kami ni Enzo dahil may ipagagawa siya sa 'min. Matagal na kaming nagmamanman sa WMA nina Selene at Wanda. Si Wanda ang naatasang maghanap sa mga magical rings. Hindi alam nina Bryan na alagad kami ng mga Dark Wizards. Kahit hindi ko gustong bumalik dito, wala akong magawa dahil iyon ang utos sa 'min.

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Gulat na gulat ako. Biglang tumakbo palapit sa 'kin si Claudette at mahigpit akong niyakap.

"Kuya..."

I didn't know how to react. Alam kong naiiyak siya. Nakabawi agad ako sa pagkagulat at gumanti rin ng yakap. Nanginginig ang tinig na nagsalita ako. "H-how? Paano ka nakalabas?"

"Isinama kasi nila ako sa paghahanap sa heaven power user. I can read his mind. He didn't know my ability so he can't dodge that. I missed you so much, Kuya. Ang gwapo mo na," wika ng kapatid ko sa garalgal na tinig. Hindi ko alam kung matatawa ba o hindi sa sinabi niya. Pero nakaramdam ako ng galit dahil isinama ng mga Dark Wizards ang kapatid ko sa paghahanap sa heaven power user. It's been eight years since Claudette was held in a tower because of her ability. She's a mind reader. Ngayon lang ulit kami nagkita pagkalipas ng walong taon.

"Sinaktan ka ba nila? Pinilit ka ba? Damn! Sinabi kong huwag kang idadamay pero ginawa pa rin nila!" galit na wika ko.

"Calm down, Kuya. Ginusto ko rin naman iyon. Hindi nila ako pinilit. First time kong lalabas sa tower after 8 years kaya pumayag agad ako sa sinabi nila. Hindi ako nasaktan. Masaya ako na nakita na rin kita sa wakas," wika niya. Nakahinga ako nang maluwag pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalalang nararamdaman ko.

"Kuya, who's Xyra?" biglang tanong ni Claudette.

I was caught off-guard. Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Hindi ko naman iniisip si Xyra kaya hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalang iyon? Napansin kong natatawa siya. Tiyak na binabasa na naman niya ang isip ko.

"It's because of Selene. Magkwento ka naman sa akin. Ngayon lang tayo muling nagkita. Marami ka na bang kaibigan, kuya?" excited na tanong niya.

"I don't have any f-friends," mahinang sagot ko.

Hindi ko alam kung itinuturing ko na talagang kaibigan si Xyra. Napansin kong napapangiti si Claudette. Binasa na naman niya ang isip ko. Iniba ko na lang ang usapan.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon