CHAPTER 25 - JEALOUS
I never thought I'd be that kind of girlfriend. The one who overthinks, who scrolls too long, who stares too hard at a stranger's hand brushing against Vince's arm.
Wala akong ginawa. Nakatayo lang ako sa lobby sa company ni Vince habang tinitingnan silang dalawa na galing lang sa elevator. I doubt he's cheating, mukhang annoyed na siya sa babae eh.
I mean I love him, but if he cheats, that's not my problem. Parang pinapahirapan niya lang din naman ang sarili niya. But don't get me wrong, I'm not doubting Vince. I trust him.
Sinubukan ng babae na humawak sa braso ni Vince ulit pero nagmadali sa paglalakad si Vince. It takes forever for him to get out of that damn ID scanner. Bakit ba ang tagal niyang makalapit sa'kin nang masabunutan ko na ang babaeng 'yan.
I just stood here in the middle of the lobby with my arms crossed while waiting for him to notice me. Mukhang may on repeat music na naman akong papakinggan dahil hindi niya talaga napansin.
Damn him.
I walked towards him, pretending to be confident, pretending I wasn't seconds away from exploding in my anger.
"Busy ka pala," I said flatly, stepping beside him. The woman looked at him from head to toe, her smirk faint but sharp.
"Hey, Julie." Agad na tumaas ang kilay ko.
Julie?! Nasaan na ang "my love" niya?!
"Hi, there." Peke akong ngumiti kay Vince. Ang tagal niya kaya akong napansin tapos 'yun lang sasabihin niya?
"I'm Shiera, Vince's colleague."
Matamis akong ngumiti kay Shiera bago lumapit kay Vince at bumulong, "Does her job description includes clinging to you?"
Naguguluhan na tumingin sa akin si Shiera nang tumawa si Vince.
"Oh, you must be Julie, Vince's girlfriend. He talks about you all the time."
I gasped, pretending to be surprised. "Oh really?" Tapos lumapit ako ulit kay Vince para bumulong, "Maybe next time you should tell her to know her boundaries. Baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko."
Lumayo ako kay Vince, then I crossed my arms. Naghihintay kung ano ang susunod niyang gagawin. Alangan naman sumunod lang ang babaeng 'to kung saan kami pupunta, right?
Nakalabas na kami ng company nila pero hanggang ngayon sumasabay pa rin siya sa amin. Hays. Palakasan makiramdam tapos siya kalaban mo, edi panalo ka na agad.
"We're going on a date, gusto mong sumama?" Her mouth hang open as she look at Vince who just shrugged.
"Oh. I'm sorry about that. Akala ko sabay kami kakain ni Vince ngayon." Nagkasalubong ang kilay ko.
Sabay silang kumakain?!
"No. We never ate together," depensa agad ni Vince na para bang naririnig niya ang isip ko. "Stop it, Shiera. You should leave, istorbo ka sa date namin."
I chuckled. Well, hindi ko inaasahan 'yun kay Vince kahit na alam kong straight forward naman talaga siya.
"Yeah, right. I'm sorry."
Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Shiera na naglalakad na palayo sa amin ngayon. Wala lang. I'm just surprised that even at this age, may mga tao pa rin pa lang katulad niya.
"Jealous?" He laughed.
Matalim akong tumingin sa kanya. "Kung sabunutan ko kaya siya now na?"
"I didn't expect this side." Inirapan ko nalang siya. Mukhang nag-eenjoy pa talaga siya na nagseselos ako.
YOU ARE READING
Celestial Strings Tied To You
RomanceShe was lost, not in a place, but herself. Drifting away from the world, carrying a heavy heart with questions she couldn't answer. Until he found her. Little did she know, that stranger would change her life. In a world where destiny is written in...
