Chapter 08

14 2 0
                                        

CHAPTER 08 - DRESS

Home. I'm back at home.

"Oh, my dear Julianna. You're home." Isang mahigpit na yakap mula kay Mom ang sumalubong sa akin pagdating ko sa bahay.

"Hello, Mom."

Napabaling ako kay Kuya na galing sa kusina. Nakatingin lang siya sa akin pero para akong kinakabahan.

Did he tell Mom and Dad about me and Vince?

Bumitaw sa yakap si Mom at bumaling ako sa taong bumaba sa hagdan.

"Dad."

"Julianna." The voice that gives me chills. Kaya ayaw kong umuwi, dahil natatakot ako kay Dad kahit wala naman siyang ginagawa.

"Good evening, Dad." Tinapik niya lang ang balikat ko at nilampasan ako.

Bakit parang kinakabahan ako? Balak ko pa naman sana na ipakilala si Vince sa family ko. Pero ngayong nandito na ako, parang natatakot ako.

Paano kung hindi nila tanggapin si Vince? Pero bakit naman hindi? His family is my family's friend after all.

"Julie, let's go shopping!" Nagising ako dahil sa boses ni Mom.

Ni hindi ko man lang napansin na nakatulog pala ako.

Pero huh? Umaga na?

"You weren't able to eat your dinner last night. Ginising ka ng Kuya mo pero ang ganda talaga ng tulog mo. So you should eat your breakfast and let's go shopping. Our annual charity ball will be later so we have to prepare for it. But your outfit? It's ready." Magkasalubong ang kilay ko.

"Po? Nasaan? Hindi pa naman—"

"Oh, no. I already knew your sizes, honey. So it's a surprise. Makikita mo mamaya pag-uwi natin. Hurry. I already reserved some places that we're going to." Pagkatapos niyan ay umalis si Mom.

Agad kong chineck ang phone ko and I was right. May 3 missed calls ako mula kay Vince at ang dami niyang messages na isa-isa kong ni replyan. But his last message...

Vince:
Sleep well, my love. Sigurado akong pagod na pagod ka. So, rest well. I love you always.

"Julianna, get ready already." Narinig kong sabi ni Mom.

Sinabihan ko nalang si Mom na may lakad kami ni Mom ngayon at hindi ako makaka-message masiyado. Okay lang din naman sa kanya.

But that's what happened. Kung saan-saan ako dinala ni Mom. Salon, boutiques, and many more. Parang naikot namin ang buong mall. Ang dami pang binili ni Mom na pati 'yung backseat at front seat ay puno ng mga pinamili niya. She had to call Kuya dahil hindi na ako kasya sa kotse niya.

"Boyfriend mo ba si Vince?" Kung may iniinom akong tubig ngayon, naibuga ko na ito sa mukha ni Kuya.

"Po?! I mean bakit mo natanong?"

"Ginising kita kagabi tapos nakita kong tumatawag siya sa phone mo. And don't even deny it. Ano nalang ang mararamdaman ni Vince kapag nalaman niyang nagdeny ka na boyfriend mo siya?" Tumango ako.

Wala naman akong intensyon na i-deny na boyfriend ko si Vince.

"It hasn't been that long. It just happened."

Hindi na nagsalita si Kuya pagkatapos nun. Buti nalang. Given the fact na nalaman niyang boyfriend ko si Vince, my parents will soon find out about it too.

4 pm na nang nakarating kami sa bahay dahil sa traffic. Magsisimula ang charity ball this 7 pm kaya may 3 hours nalang ako para maghanda. Mabuti nalang at kumuha si Mom ng mga tao for my make up and hair.

Celestial Strings Tied To YouWhere stories live. Discover now