Chapter 12

9 1 0
                                        

CHAPTER 12 - VINCE'S LOVE

Shems. Para akong nasusuka na hindi ko alam. My head hurts so bad.

Napasobra ba ako ng inom kagabi?

I almost screamed when I felt that something tightened on my waist. Paglingon ko sa likod ko ay mukha ni Vince ang bumungad sa akin. Natutulog siya habang nakayakap sa akin.

That's cute.

Pero paano siya napunta rito?! This is our girls' night, right? So paanong nandito si Vince?

But instead of just questioning it, I just faced Vince and hugged him too. I just stared at him, but it seems like even in his sleep, he felt that someone was looking at him. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya.

"Good morning, love." His voice is so deep that I just want to kiss him right now.

"Good morning." Ngumiti siya at parang kiniliti ang tiyan ko sa kilig. Lalo na nung hapitin niya ang bewang ko at hinila ako palapit sa kanya.

This is so nakakakilig.

"You're so pretty kahit na kagigising mo lang." Hinawi niya 'yung buhok na nasa mukha ko kaya napangiti ako. "You're effortlessly gorgeous, Julie." Napakurap ako.

Bakit naman ang daming compliments? At bakit...

"Vince, ano ba?!" Tinulak ko si Vince palayo sa'kin pero nanglaki ang mga mata ko dahil bumagsak siya sa sahig.

"Ouch, Julie."

"Oh my gosh! I'm so sorry!"

Bumangon ako para sana tulungan siyang tumayo pero sumabit ang paa ko sa kumot kaya bumagsak ako sa ibabaw ni Vince. Tapos timing pa na biglang bumukas ang pinto.

"Julie, alis na tayo!" Nanglaki ang mga mata ko dahil bumukas ang pinto at bumungad si Madie. "Oops, sorry." She giggled.

Umayos ako ng upo sa ibabaw ni Vince at pinukol siya ng masamang tingin. "Bakit ka nandito?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tinawagan mo kaya ako. Bigla ka pang nagbaby talk—"

"Okay, I get it. Manahimik ka na." Inirapan ko muna siya bago tumayo at pumasok sa cr.

Actually, I do remember now. Naalala ko na lasing ako kagabi, na hindi ko na alam kung ano-ano ang mga ginagawa ko.

This is so girls' night out gone wrong. Hindi ko naman kasi inaasahan na malalasing ako. Well, it was my choice to drink.

Paglabas ko ng cr ay bumungad sa akin si Vince at napakurap ako. "Vince, did we..." Tumawa siya kaya huminto ako sa pagsasalita.

"Hindi ah." Tumango lang ako.

Nakakahiya! Pero bakit pa rin ako nahihiya sa kanya? Para namang hindi niya na ako nakitang mukhang zombie dahil sa acads.

But then I remember... NAKAKAHIYA NGA!

"Vince!" Humarap siya sa akin habang hawak pa rin ang door knob ng kwarto. "I'm sorry about last night. I think too much 'yung ginawa ko. Don't worry, hindi ko na gagawin 'yun ulit. Behave na ako, promise."

Ngumisi siya at naglakad papalapit sa akin kaya napaatras ako. Pero hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyugyog ako.

"Anong ginagawa mo?" Napalunok ako.

"Hindi ikaw si Julie." Kumunot ang noo ko at tinulak palayo si Vince. Pero bumagsak ang towel na nakabalot sa katawan ko at agad namang tumalikod si Vince.

"Huwag kang lilingon!" Sabi ko habang pinupulot ang towel.

"Hindi nga." Napairap nalang ako.

This guy, palagi niya nalang talaga akong inaasar. Hindi ba siya nagsasawa sa akin?

Celestial Strings Tied To YouWhere stories live. Discover now