CHAPTER 09 - FOOD
"Oh, mga baks, pustahan tayo. Magkakatuluyan talaga si Julie at Vince. Ilang araw ko nang nakikita na magkasama dumating at umuwi." Ang sinabi ni Madie ang bumungad sa akin pagkaupo ko sa upuan ko.
Kakarating ko lang sa univ at tumakbo na agad ako papuntang room. Nakakairita dahil na stuck kami ni Vince sa traffic for more than 1 hour dahil may banggaan pala. Jeep pa naman at kotse.
"'Di ko pa ba sinabi sa inyo?" Nagkatinginan si Madie at Nica. "Kami na ni Vince. Last year pa." Napakurap silang dalawa at tinawanan ko lang sila.
"OA naman sa last year!" Nag-apir sina Madie at Nica. Itong bibig talaga ni Madie, minsan gusto ko nalang lagyan ng tape.
"Pero seryoso? Kayo na nga?" Tumango ako bilang tugon sa tanong ni Nica.
Para namang mga baliw ang dalawa dahil nagtilian sila at wala silang pakialam na tinitingnan na sila ng mga kaklase namin.
Teka... Dalawa? Nasaan si Maya?
"Wala pa ba si Maya?" Tanong ko dahil akala ko dumating na siya pero wala pa pala 'yung bag niya sa chair niya.
"Hala 'te? Busy ka sa pag-update kay Vince? 'Di mo ba nakita chat ni Maya? Pumunta daw siyang hospital. Nakabangga kasi 'yung jeep tapos kotse pa ng Dad niya. Ayun, galit na galit si Tito. Nasa hospital si Maya ngayon kasama ang Dad niya, galos lang naman daw ang nakuha niya."
"Ano?!" Yumuko ako dahil napatingin sa akin ang mga kaklase ko. "Nadaanan ko kanina—"
"Ay 'te, late ka na sa balita, kotse nalang 'yun. Iniwan ni Tito para pumunta ng hospital. Tagal daw kasi ng ambulance, mas mabilis pa 'yung chauffeur niya." Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Madie pero wala namang tumatawa sa kanilang dalawa.
Lumabas ako ng room para sana tawagan si Maya pero nagulat ako dahil nasa labas pala ng room namin si Vince. May dala siyang sandwich at water.
"Napansin ko na naiwan mo 'yung tumbler mo. And heto, sandwich. I'm sorry, hindi ako nakapagluto ngayon. Late na kasi ako nagising." Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ito.
"Thank you, Vince."
Nasanay na ako. Palagi nalang pumupunta si Vince sa bahay ko para ipagluto ako ng pagkain. Para na kaming nakatira sa iisang bahay.
"Goodluck sa class, Julie."
"Goodluck din."
Nagpaalam na sa akin si Vince at saktong pag-alis niya ay dumating si Maya na habol pa ang hininga niya.
"Maya? Okay ka lang ba?" Habol niya pa rin ang hininga niya nung nagthumbs up siya akin.
Putlang-putla siya ay may mga band aid pa ang mukha niya. Lumapit siya sa akin at humawak sa kanang balikat ko habang habol pa rin ang hininga niya.
"You don't look okay. Punta tayo sa cli—" Napatili ako dahil bigla nalang bumagsak si Maya sa sahig.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng classroom namin at ang paglapit ng mga blockmates ko sa amin.
"Lumayo kayo! Huwag niyong—"
"Excuse me!" Nanglaki ang mga mata ko nang nakita ko ang mukha ng lalakeng bumuhat kay Maya.
"Rence?"
Kahit hindi pa ako makapaniwala ay sumunod ako sa kanya. Ganun din sina Madie at Nica. Maging ang ibang blockmates namin ay sumama sa amin.
"She really can't skip class," bulong ko habang nakatingin kay Maya na nasa ward at tinitingnan ng doctor.
"Bumalik na kayo sa klase niyo." Pinaalis ng nurse ang mga nasa labas dahil kaming dalawa ni Rence ang pinapasok sa clinic. Wala nang choice sina Madie at Nica kung 'di umalis.
أنت تقرأ
Celestial Strings Tied To You
عاطفيةShe was lost, not in a place, but herself. Drifting away from the world, carrying a heavy heart with questions she couldn't answer. Until he found her. Little did she know, that stranger would change her life. In a world where destiny is written in...
