Chapter 04

24 5 0
                                        

CHAPTER 04 - THE TRUTH

"Julie!" Kaagad akong tumalikod nang nakita ko si Vince sa unahan na kumakaway sa akin.

"Julie, saan ka pupunta?" Hinabol ako nila Madie at hinayaan ko lang sila na sumunod sa akin.

I've been avoiding Vince for days now. Hindi pa rin ako makaget-over na umiyak ako sa harap niya at talagang hinayaan ko pa siyang yakapin ako. It's just so embarrassing. Tuwing nakikita ko siya, gustong-gusto ko nalang ibaon ang sarili ko sa lupa.

"Iniiwasan mo ba si Vince?" Gusto kong takpan ang bibig ni Madie dahil ang lakas ng boses niya. Marami pa namang nakakakilala kay Vince.

"Kailangan pa bang itanong 'yan? Parang kamatis 'yung mukha ni Julie tuwing nagkikita sila ni Vince."  Nanglaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Nica.

"I did?! Seryoso ba?" Feeling ko, noong umulan ng kahihiyan, sinalo ko lahat.

"See? Pulang-pula!" Tawa nang tawa si Nica habang tinuturo ako.

"May umamin na ba?" Napakurap ako sa tanong ni Madie.

"Oo nga. Bakit mo iniiwasan? Umamin ka 'no?" Siniko ako ni Maya kaya mas binilisan ko ang lakad ko.

"Ano?"

"Wala! Wala naman akong dapat na aminin. Manahimik na nga lang kayo."

Nang nakita ko ang cr ay binilisan ko ang lakad ko at pumasok sa isang cubicle. Hindi naman siguro nila ako hihintayin sa labas 'di ba?

I stayed for like 5 minutes and nahiya ako dahil paglabas ko ay mahaba na ang pila.

"Sor—" Napaatras ako. "—ry." Napakurap ako.

Vince is in front of me right now. Hawak niya ang pulsohan ko at hinila ako para makatayo ng maayos.

Muntik na akong mabangga sa kanya kaya umatras ako pero natapilok ako. Kung hindi niya ako nahawakan, baka nasa sahig na ako ngayon.

"Thank you." Ngumiti siya. 'Yung ngiti na napapatanong ako sa sarili ko kung nasa tamang bait pa ba ako.

"Iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba akong mali? Tell me para maayos ko kung ano man 'yun."

I looked at him. It's not that he said something special, nagtatanong lang naman siya.

"Canteen tayo?" I don't know. Those words just came out from my mouth.

"Tara." He didn't even hesitate.

As we walked side by side down the hallway, I'm drowning in my thoughts. Pero sa pagkakataon na ito, hindi na tungkol sa studies ko, tungkol na kay Vince.

"May nagawa ba ako, Julie?"

Marami. Marami kang nagawa, Vince. Kung alam mo lang ang impact ng mga ginagawa mo sa akin. It's making me confused.

"Wala naman pero nung isang araw..." Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. "I'm sorry, nadala lang ako sa emosyon ko."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya. "Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin dahil sa nararamdaman mo, Julie. Kung nasasaktan ka, so be it. Bakit ka naman magsosorry?"

It was like something inside me changed. The way he said those words...it's so comforting. It scares me a little of how he always makes me feel calm.

"'Yung mga sinabi ko, I mean it. Hindi ko lang sinabi 'yun para kumalma ka."

I kept on questioning in my mind why is he treating me like this. Hindi naman kami magkakilala ng sobra, so why?

"Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?" He took a step back.

Celestial Strings Tied To YouWhere stories live. Discover now