CHAPTER 07 - SOLACE
"Sorry talaga, Julie. Pero kaya mo ba na within this afternoon ipasa sa akin ang project proposal? Kailangan ko na talagang ipasa 'yung budget proposal. Ako kasi ang mapapagalitan." Nagsalubong ang kilay ko at minasahe ko ang templo ko habang nakapikit ang mga mata ko.
Tangina talaga. Rejected na naman? Pangatlong beses na 'to.
"Danica!" Sabay kaming lumingon kay Kath na tumatakbo papunta sa amin. "Hindi pa alam ni Julie na rejected."
"Ano na naman ang problema ngayon?" I almost sound like I'm begging, but annoyed at the same time.
For goodness sake, nasa gitna kami ng hallway ngayon. Nagmumukha na kaming tanga dito.
"Julie, kasi. Mali 'yung na paste ko na quantity of my materials so..." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Danica kaya tumahimik siya.
Bakit parang kasalanan ko pa?! Siya dapat 'yung nag-aayos nito.
"Huwag na daw tayong umasa—"
"Oh, shut up, Danica! We worked hard for this tapos naging pabaya ka lang! Are you expecting us to clean up your mess?! Palagi nalang! Bakit ka pa nagfinance officer?!" Nakayuko lang si Danica habang pinapagalitan ko siya.
I'm so frustrated. Palagi nalang talaga. Simula nung term na 'to at naging finance officer si Danica, palagi nalang kaming rejected dahil palagi nalang siyang nagkakamali tapos kami ang nag-aayos sa nagawa niyang mali.
Alam ko naman na pagod na kaming lahat sa pag-aaral pero tangina bakit pa siya sumali sa ganito kung hindi niya naman kaya?
"I'm sorry. Uulitin ko nalang." Magkasalubong ang kilay kong tumingin kay Danica. Nakayuko lang siya at napansin kong nanginginig na 'yung kamay niya.
Shit. I messed up.
"I'm sorry, I yelled. Ako na ang mag-aayos."
I should've understood her. First year pa lang niya sa accountancy at first pa lang, she must be overwhelmed.
"Hindi na, Julie. Trabaho ko 'to. Ako na ang gagawa. I’m sorry." I can see the determination in her eyes kaya tumango nalang ako.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at saktong pagtalikod ko sa kanila ay nakita ko ang lalakeng ilang araw ko nang hindi nakikita.
"Kath, may nakalimutan akong sabihin!" Tumalikod ako kay Vince at tumakbo papunta kay Kath.
This is awkward. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya. From that day on, umiwas ako sa kanya dahil gulong-gulo na ako pero mas may mahalaga pa kaysa sa nararamdaman ko. Kaya naman, inuna ko muna ang pag-aaral ko pati na rin itong org works.
Right. Dapat muna akong magfocus sa goal. That love almost ruined me before, hindi ko hahayaan na mangyari ulit 'yun.
"Mukhang hindi kayang i-cover ni Sir lahat ng coverage para sa depa." Kakalabas pa lang namin ng room at ‘yun kaagad ang sinabi ni Maya.
It’s true though. Kami na naman ang mamamatay sa pag-aaral para sa departmental exam. Unlike nung first year na dalawang lang ang subjects para sa depa, ngayon times two na. Halos na nga ako nun, paano na ngayon? Plus org works pa. Hindi ko na talaga alam kung anong uunahin ko.
Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay nagdadaldalan lang sina Nica at Madie habang nakasunod naman kaming dalawa ni Maya sa kanila.
Kakasimula pa lang ng araw ko pero wala na akong gana na makipag-usap.
Pagdating namin sa canteen, maraming tao as usual.
"What if sa labas nalang tayo kumain? Wala nang vacant." Suhestiyon ni Maya.
أنت تقرأ
Celestial Strings Tied To You
عاطفيةShe was lost, not in a place, but herself. Drifting away from the world, carrying a heavy heart with questions she couldn't answer. Until he found her. Little did she know, that stranger would change her life. In a world where destiny is written in...
