They were praising me.
Maraming maganda at kutis porselana sa campus, hindi lang naman ako. Pero itong mukha ko? Iyon ang pinakahinihintay nilang masilayan.
Somehow, the way they look up to me only makes me even more confident. In a way, na nakakatulong sila sa pag boost ng self esteem ko.
They can talk shit about my name, but never about my pretty face. That’s one thing jealousy can’t take away.
Nang matapat ako sa room section ko, unti-unting naglaho ang masigla kong ngiti at tila napalitan nang pagkagulat.
Natanaw ko si Elvis sa gilid ng bintana, tila may binabasang kung ano. His aura glowed under the sunlight streaming through the glass, making his fair skin look almost radiant. Tuloy, pati ibang mga babae sa klase namin ay napapatingin sa kanya. Gayundin si Angel na matagal nang may pagtingin sa kan'ya, sadyang manhid lang ang birhenyong 'yon, kaya naman wala siyang kaide-ideya.
Pero sandali, maiba!
Mabilis akong lumabas at tinignan ang listahan ng mga pangalan na nakapaskil sa pader sa labas. Isa-isa ko talaga iyong sinuyod para mabasa lahat. At walang dudang nakasulat nga ro’n ang pangalan na Elvis Fuego sa Business Math class namin!
"Hoy, hija. Mag-uumpisa na ang klase, bakit nasa labas ka pa?" natigilan ako sa pagkagat ng kuko ko nang makarinig ng istrikto na boses.
Napalingon ako sa matandang babae na may dalang suitcase. Base sa postura at awra niya, malamang siya na ang propesora namin sa Business Math.
Agad akong nag-sorry at nauna nang pumasok sa loob. Nagtama ang mga mata namin ni Elvis, pero mabilis din siyang umiwas ng tingin. Inirapan ko lang siya at naglakad patungo sa bakanteng upuan sa gitna ilang distansya lang ang pagitan sa kan'ya.
Ayoko siyang katabi, ni ayaw ko nga siyang makita. Masyado siyang pakialamero.
Class has already started, yet I can’t stop myself from stealing glances at him every now and then. Focus na focus siya sa lecture at talagang nakakasunod sa discussion na sinusulat ng Prof namin sa board. Alam kong nakikita ni Elvis ang mga pasulyap ko, pero as usual, hindi niya 'ko pinapansin.
Sanay na 'ko, pero hindi ko maiwasan mag-overthink.
Paano kung umusbong ‘yung galit at inis niya?
What if sa sobrang inis, ipagkalat niya ‘yung sekreto ko?
Dapat linawin ko agad sa kanya na wala akong kinalaman sa pambu-bully nila! Maniniwala siya sa’kin. Alam kong maniniwala siya.
Dahil nangako ako noon na hindi na ‘ko magsisinungaling sa kanya. Iyon ang napagkasunduan namin, kaya hanggang ngayon, may koneksyon pa rin kami.
"Hoy, hija?"
Natigilan ako nang mapansin kong nakatayo na pala sa harapan ng table ko ang propesora namin.
"Wala sa mukha niya ang lecture ko, naroon sa pisara. Bakit ba tingin ka ng tingin kung san san, ha?"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Lokong matanda 'to a!
"H-Hindi naman ako nakatingin sa kan'ya, no! Hindi naman siya gwapo para tignan ko." nagtawanan ang classmates ko.
Nahuli kong umawang ang labi ni Elvis, at parang namula rin sa hiya.
"Kung talagang nakikinig ka, tumayo ka at sagutan mo itong example sa blackboard."
Hindi ako agad nakasagot. Ni tumayo, hindi ko nagawa. Para akong matatae sa kaba habang binabasa ‘yung pinapasolve. Fuck. This is exactly why I hate Math class! Kahit Science or History pa, huwag lang talaga Math!
Chapter 9
Comenzar desde el principio
