Bumagay naman ang pink na bralette ko sa pencil skirt ko, kaya okay na 'ko sa suot ko. Tinago ko na lang ang school I.D ko.

Dim ang lugar, at tanging mga kumikislap na makukulay na ilaw mula sa malikot na disco lights ang nagbibigay-buhay dito. Kaunti pa lang ang tao dahil maaga pa, pero may mangilan-ngilan nang nagsasayawan sa mabagal na ritmo ng kanta.

Ilang saglit pa, narinig ko ang hagikhikan ng apat habang papalapit sa pwesto ko. Dumating na rin ang limang lalaki na mga senior namin sa Commerce Department.

Matapos kami ipakilala ni Mercy sa kanila, dumating na rin ang ilan pang pulutan at kanya-kanya naming beer.

Kinuha ko ’yon at ginamit ang ngipin ko para kagatin at tanggalin ang takip. Pasimple akong uminom at hinayaan silang magkulitan, habang ramdam ko ang braso ni Dante na nakaakbay sa balikat ko.

Sa gilid ng paningin ko, kita ko ang ngisi at tuso niyang titig sa akin. Lahat ng lalaki, tuwing nakikita ako, ganito ang reaksyon at tingin sa akin.

Pagnanasa. Pambobola.

Lahat sila, katawan ko lang ang habol dahil ako ang pinakamaganda at sexy. May ilan din na nagkukunwaring seryoso sa panliligaw, pero pareho lang naman ng intensyon!

Pero si Elvis, ibang-iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Wala siyang interes sa akin! Hindi ako maganda sa paningin niya—na para bang hindi sapat na popular ang beauty ko sa campus namin.

Inisip ko na lang na baka bakla nga o tuod ang isang ’yon, gaya ng pang-aasar sa kanya ng kapatid niya. Pero mula nang magkalapit kami sa iisang silid, doon ko napagtanto na napaka-manly niya.

Hindi lang talaga siya ’yung tipo ng lalaki na puro kalibugan at love life ang nasa isip. He's a gentleman..

"Can I kiss you, Precious?"

I almost rolled my eyes. Pangatlong bote ko na ’to, pero nilulon ko pa rin hanggang sa maubos.

Tinitigan ko sa mata si Walter—o kung ano man ang pangalan niya. Hindi rin naman niya tanda ang pangalan ko, kaya wala na akong pakialam. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan.

"Prescilla ang pangalan ko. And, no. Ayoko ngang halikan ka!" pagalit kong sabi bago tumayo.

Pagewang gewang ako at medyo tipsy na rin, pero hinikayat ko na mag walk out at umalis sa lugar na 'yon kahit pa rinig ko ang paulit-ulit na pagtawag ng mga kaibigan ko.

Nagpalipas lang ako ng oras bago umuwi. Patago pa akong dumiretso sa banyo para lang maligo at mag toothbrush bago humarap kina mama at papa na sinalubong ako.

"Napaaga ka yata." puna ni Mama habang naghahain ng hapunan.

Tumingin ako sa wall clock namin na puro sapot na ng gagamba. Pasado alas singko pa lang pala.

"Maaga po kaming pinauwi, e." taimtim kong sagot at kumain na.

"Kamusta naman ang first day mo, anak?" tanong ni Papa, masigla ang ngiti niya as always.

Eto, nag cutting agad.

"Okay naman po. Mas busy pala sa college." kalahating pagsisinungaling ko.

Mas busy naman talaga kumpara noong high school dahil sa dami ng gawain at hirap ng mga subject. Pero dahil nag-cutting ako, wala akong alam sa mga activities o task na dapat ipasa sa iba pa naming subjects.

Hindi naman ako ganito palagi, sadyang problemado lang ako kaya napasama ako sa bulakbol nila. Last ko na 'yon dahil ayokong masayang ang pinaghirapan namin makapasok lang ako sa magarang iskuwelahan na 'yon.

Patterns I'd End Up ChoosingWhere stories live. Discover now