Chapter 6

2.6K 79 14
                                    

"How can you say flaws are beautiful if it can be used against someone who embrace it?" —M.t

Chapter 6

ARIANA

Nauna akong bumangon kay Justin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nauna akong bumangon kay Justin. Naalimpungatan ako at di na makabalik sa pagtulog kanina kaya heto ako ngayon nasa harap ng salamin.

Pinagmasdan ko ang sarili ko.

Pakiramdam ko ang bloated ko ngayon. Ayoko yung nakikita ko sa salamin. Ang taba ng mukha ko. Makailang beses kong pinisil-pisil ang pisngi ko at tinapiktapik ang putla kasi ng kulay ko. Hindi ko maintindihan ang balat ko minsan ang pula ng pisngi at ilong ko kapag gising ko minsan ganito.

Hindi ko rin gusto ang buhok ko ngayon. I love my natural curls. I really do pero may mga pagkakataon na gusto ko na lang magipit o gupitan. In short, I feel insecure na gusto ko na lang magstay dito at wag ng lumabas. Wala akong confidence ngayon sa sarili ko.

Nastrestress pa ako kasi naalala kong ngayon nga pala yung event na pupuntahan namin ni Justin. Aattend kami sa isa sa mga birthday party ng kabusiness parter niya.

Naprepressure ako lalo.

Nanliliit ako sa sarili ko.

For sure madaming tao na naman ang andon. Mapapalibutan na naman ako ng mga kilala, makapangyarihan at maimpluwensyang mga tao. Hindi naman na bago sa akin ang ganong mga gathering pero hindi pa rin mawawala yung kaba at takot sa dibdib ko.

Papasok na naman ako sa mundo ni Justin.

Handa na ba akong humarap ulit sa kanila?

Handa na ba ako ulit makihalubilo?

Napansin ko yung taong walang damit pangitaas at nakasandal sa gilid ng pintuan. Nakatingin siya sa salamin. Nakatitig siya sa akin. His eyes were watching me intently as I stared back at him.

Umayos siya ng tayo at naglakad papunta sa likuran ko.

Niyakap niya ako at sinandal ang ulo niya sa kaliwang balikat ko.

Parehas kaming nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang reflection ng isa't-isa.

Wala sa aming umimik.

We just enjoy each other's company.

Pumikit ako.

'As long as andyan si Justin wala dapat akong ipagalala. I'm going to be okay as long as I have him.'

His arms wrapped around my waist securely as he pressed his lips on my shoulder blade. I can feel his hot breathe hitting my bare skin making me feel hot all of a sudden.

MOONLIGHT (Season 2)Where stories live. Discover now