Chapter 1

4.3K 94 15
                                    


"Find your equal, not your whole." - anon

Chapter 1

Chapter 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Justin..."

"Miss me already?"

I tried not to roll my eyes at his teasing voice. 

Fine, namimiss ko siya pero hindi ko naman iaadmit sa kanya yun ngayon.

"You should just come with me..." Halos pabulong niyang sinabi sa kabilang linya. "... Is there's anything wrong?"

Nadinig ko agad ang pagaalala nito.

"Uhmmm... Pwede ba akong dumalaw ngayon sa bahay ampunan?"

Napakagat ako sa labi habang inaantay ang sagot niya.

"Of course you can... I'll talk to Francis about it." Sunod-sunod na namang paalala ang sinabi niya para sa sarili kong seguridad katulad ng ginagawa niya parati sa akin.

His Safety precautions.

Nakapagpalit na ako ng pangalis na damit at nakaready naman na din ang mga dadalhin namin kaya mabilis na din kaming nakaalis ng bahay.

Nakatanggap kasi ako kanina ng tawag galing sa bahay ampunan at pinaalam sa akin na kahit anong araw simula ngayon dadalaw na yung mag-asawang magaampon kay Roan.

Ito ang dahilan kung bakit nagpanic mode ako kanina.

Sumagi agad sa isip kong bilang na lang ang araw na makakasama ko siya.

Anytime from now magkakahiwalay na kaming dalawa.

Nalulungkot ako.

Nung nalaman ko yung balita na yun dali-dali kong kinausap si Raine na magprepare ng pwede naming dalhin na pagkain dahil dadalaw kami.

Alam kong short notice ang gagawin naming pagpunta pero kailangan kong makita si Roan.

Gusto kong sulitin ang natitirang oras at araw na andito pa siya sa amin.

Nadudurog ang puso ko kapag naiisip kong hindi ko na siya makikita at makakasama katulad ng parati naming ginagawa.

"Ang bilis naman ata nilang kunin si Roan. Akala ko ba next month pa?"

"Yun nga din ang naiisip ko."

"Sabik na siguro na magka-anak yung mag-asawang yun."

Hindi na ako umimik matapos non. Magkatabi kami sa backseat ni Raine.

Kasabay ng bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Francis ang iniisip ko ngayon.

Hindi rin nagtagal nakarating na kami sa familiar na lugar kung saan natitirikan ang lumang building na tinitirhan ng mga munting musmos.

MOONLIGHT (Season 2)Where stories live. Discover now