Chapter 2

3.6K 94 16
                                    

"Nobody looks good in their darkest hours. But it's those hours that makes us what we are." - anon

Chapter 2

ARIANA

"Why is she here?"

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanyang dinala ko si Roan dito sa bahay niya magagalit na naman kaya siya?

Gusto kong sagutin ang tanong ni Justin pero hindi ako mapakali lalo na't hindi ko maalis ang tingin ko kay Roan na hanggang ngayon kinakausap pa din ni Ryan.

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Justin at kay Roan.

Napahawak na lang ako sa braso niya sabay sabing. "Uhhmm... Mageexplain ako mamaya."

Humiwalay na ako sa pagkamahawak ko kay Justin at dali-daling nagpunta kung saan nakatayo nagyon si Roan.

"Ariana." I heard Justin called my name.

Hindi ko na nagawang lumingon.

"What's your name sweetheart?" Nakita ko yung charming smile na binigay ni Ryan sa bata.

Napakayakap ako mula sa likuran ni Roan na tumingala para tignan ako.

Nginitian ko siya.

Napasulyap ako kay Ryan ng magsalita ulit to.

"Who is she?" Curious na tanong niya.

Tumayo ng maayos si Ryan at tinuon ang buong attention sa akin.

"Hindi ako nasabihan na may bisita pala dito." Dagdag pa niya.

Nagsquat ako katabi ni Roan para tignan siya.

She looked fine.

Hinawi ko ng makailang beses ang buhok niya.

"Okay lang ba?"

Nagnod siya sa akin agad.

Bibigyan ko siya ng reassuring smile.

Napansin ko ang pagsulyap na ginawa ni Roan don sa lalakeng kumakausap sa kanya kanina.

Wala naman akong nakikitang bahid ng takot sa mukha niya kundi nacucurious din siya kung sino ba yun.

Naramdaman ko ang balahibo ni Esther na ngayon nilalaro ang hita ko.

Binuhat ko ito at binigay kay Roan.

"May bisita ka pala..." Nadinig kong sinabi ni Ryan kaya ako napalingon.

Nakatayo ang dalawang magkaibigan na nakatingin sa amin.

Justin was just staring at us with curiosity on his face while Ryan has his amusing look.

Tinapik ng makailang beses sa balikat ni Ryan si Justin.

"Pare nagugutom na ako may pagkain naman na siguro dito diba?"

Naiwan na kaming tatlo sa living room.

Justin's eyes met mine and I pleaded na sana maging mabait siya kay Roan. Alam kong biglaan at hindi appropriate ang ginawa kong pagdala dito ng ibang tao bukod sa amin pero hindi na iba si Roan para sa akin.

She's so close to my heart.

A family.

Sana maintindihan niya yun.

Dahan-dahang naglakad si Justin papunta sa amin ni Roan.

Matipid na ngiti ang ibinigay niya.

Thankful na ako na nakuha nito ang gusto kong iparating.

MOONLIGHT (Season 2)Where stories live. Discover now