Chapter 4

3.5K 97 25
                                    

"This is my confession. As dark as I am, I will always find enough light to adore you to pieces with all of my pieces." - Johnny Nguyen

Chapter 4

Wala akong idea kung saan ba ang destination namin ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala akong idea kung saan ba ang destination namin ngayon. Hindi niya naman sa akin nasabi kung saan ba kami pupunta. Akala niya siguro sasakay ako sasasakyan niya kanina at 'sitting-pretty' katabi niya sa upuan.

Well, ako lang naman ang nagddrive ngayon ng sarili kong sasakyan na niregalo sa akin ni Justin nung 18th birthday ko.

Sinulyapan ko yung nasa side view mirror ko at natanaw don yung itim na ferrari na nakasunod sa akin kanina pa.

Nakabuntot lang ang sasakyan na minamaneho naman ngayon ni Justin katulad ng sinabi niya kanina bago kami umalis ng mansyon.

Sakto naman na nagred yung signal sa stoplight kaya tinapakan ko ang preno para huminto ang sasakyan.

Crossing na pala.

Kalalagpas lang namin ng Nuvali ito yung park na parati naming pinupuntahan ni Justin para magpakain ng mga koi fish.

Hay, nakakamiss din pala.

Gusto ko ulit pumunta don.

Next time aayain ko ulit si Justin na mamasyak kami don.

Wait, kailan ko nga pala siyang tawagan at meron lang akong tatanungin.

Sinagot niya agad ang tawag ko.

Sinulyapan ko yung side view mirror ko ng mapansin na tinaasan ako ni Justin ng ilaw sa headlight ng sasakyan niya nasilaw tuloy ako.

"Justin."

"Yeah babydoll? Don't tell me you miss me already?" Dinig ko ang pangaasar sa boses niya.

Excuse me.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya at di na pinansin yung nanuna niyang sinabi.

"Subic."

"Subic?"

"Yap, Subic Clark."

Sinearch ko agad sa GPS ng phone ko at nakita na 4 to 5 hours ang byahe at dipende pa yun kung traffic. Dito pa nga lang traffic na and for sure aabutin kami ng ilang minuto dito bago makapasok sa expressway.

Ang haba ng byahe.

Ang layo pala.

"Why?" He suddenly asked softly.

Nagaalala na siya.

"Tell me if you change your mind. You can just seat right here beside me."

Kaya ko ba yung ganun kalayo?

First time akong makakapagdrive ng ganun kahabang oras. Hindi ko naman na siguro mapapansin ang oras kasi comfortable naman ako sa pwesto ko ngayon at higit sa lahat ang ganda patakbuhin ng sasakyan na to.

MOONLIGHT (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon