Choices
"Come on, Kuya. You should do this dance challenge. It's just simple. I'm sure you'll nailed it."
It's Phon. He keep on insisting us five na sayawin raw itong nauuso ngayon na dance challenge sa tiktok na pababa pababa. Actually the song title is poguie at may gumawa ng choreo na ginawang dance challenge.
Pagkatapos kasi nilang mag tiktok ni Nat kanina at ma upload yung baby tee video nila, ay ito at kami naman ang pinipilit na gawin rin ang pababa dance challenge na yun.
"Come on, Dude. Let's try it." Reanver in his persuading voice. Kanina pa 'yan sayaw na sayaw.
Siya ang unang pumayag nung nag suggest si Phon na mag upload na kami ng bagong video sa tiktok account namin na CloudPlay Official.
Si Leighton ay pumayag na rin, habang si Dwight ay kanina pa pinapanood yung choreography ng sayaw. He's our main dancer kaya paniguradong kabisado na niya yung steps. At si Rajah, wala namang bago. Tahimik pa rin pero alam kong sasayaw rin 'yan kasi wala naman siyang choice.
"'Tsaka, para magkaroon na kayo ng bagong video sa tiktok account niyo." Pamimilit pa nito. "'Di ba, Nat?" At talagang dinamay niya pa si Nat.
Tumingin ako kay Nat na kanina pa nakatutok ang atensyon sa cellphone nito. Paulit ulit ko ring naririnig yung kantang baby tee, kaya sigurado akong tinitignan niya yung video nila ni Phon kanina.
I didn't expect it from him. He looks demure kaya hindi pumasok sa isip ko na sasayaw siya ng ganun. It didn't even cross my mind na magaling pala siyang sumayaw.
Oh well... Sabi nga, expect the unexpected.
"I think, Phon is right." Tugon ni Nat pagkaraan ng ilang minutong katahimikan. "Its been months since you last posted on your tiktok account. Mag update rin kayo sa fans niyo."
Tinignan nito ang apat na tumingin rin sa akin. Nakatingin na silang anim ngayon sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.
Nakataas pa ang kilay ni Phon. Obviously he's teasing me. Akala niya ba dahil pinasa niya kay Nat ang pagpilit sa aking sumayaw, ay papayag na ako?
"Tss. Fine. Let me see the video." Tumayo ako at lumapit kay Phon na siyang may hawak sa cellphone.
Smug naman itong ngumiti habang pinapakita sa amin ang video ng taong gumawa ng choreo. And true to his words, madali nga lang talaga ang steps. Simply lang na hindi na kailangan e practice pa dahil makukuha na kaagad at first glance.
The steps are simple: just roll the hips, then slide the hands down, do the Dougie four times, and go back to rolling the hips. Ganun lang ka simply.
"Should we practice it first?" Nilingon ko ang apat pero nag kibit balikat lang ang mga ito. Ibig sabihin, hindi na.
Nag kibit balikat na lang rin ako at tinanguan ang kapatid ko. Pumwesto na kaming lima habang si Phon at Nat naman ay nasa harapan, hawak nila ang cellphone na ginagamit namin as a group. Nandoon naka log-in lahat ng socials ng CloudPlay.
Kami ni Rajah ang nasa hulihan sa magkabilang dulo, si Leighton at Reanver sa harapan, habang nasa gitna naman si Dwight. Siya ang pinakamagaling sa aming lima, at siya rin ang may pinaka malambot ang katawan kaya tama lang na siya ang nasa gitna.
"Okay. 1, 2, 3..." Nat count before signaling us to start dancing as the song blasted.
Todo bigay sa paggiling si Reanver at kita ko pa ang pagkindat nito sa camera dahil may salamin na nakatapat sa kanya. Si Leigh naman ay tipid lang na nakangiti, si Dwight na gumigiling na ang hips pababa, si Rajah na swabe lang na sumasayaw, wala pang ekspresyon ang mukha. Seryoso lang siyang nakatutok sa camera.
![Strings Of Conflict | [CloudPlay Series 1]](https://img.wattpad.com/cover/362093821-64-k564682.jpg)