SOC 09

141 8 15
                                        

Trigger Warning: Homophobic remarks

Family

"What do you want for dinner, sweetie?" tanong ni Dada sa akin habang busy siyang nanonood ng mga video clips ng grupo namin from our last world tour.

Nasa living room kami kasama si Daddy at Phon. Daddy is sulking dahil hindi siya pinapansin ni Dada simula pa kaninang umaga.

Kanina pa rin siya pilit na sumisingit sa usapan namin ni Dada, pero palagi siyang binabara ng huli.

Nasa silent treatment mode na naman si Dada. Dapat kasi ay susunduin ako ni Daddy kagabi sa condo para umuwi dito, pero nakalimutan niya.

Kaninang umaga lang ako nakauwi dito sa Narawin Village. At yun ang dahilan kung bakit hindi siya pinapansin ni Dada.

Nag promise pala kasi si Daddy kay Dada na isasama niya ako pauwi nung Friday night. Pero hindi nito natupad kasi nakalimutan niya dahil sa sobrang busy niya sa opisina. Kaya ngayong Sabado ng umaga lang ako nakauwi, at ito naman ang bungad sa akin kanina.

Nagtatampo sila pareho: Si Dada dahil hindi tinupad yung pangako sa kanya, at si Daddy na hindi pinapansin ni Dada. At hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbabati.

Malapit ng gumabi at mukang buong araw yatang hindi mapapansin si Daddy. Awa na lang kung pati mamayang pagtulog ay sa labas siya ng kwarto patutulogin ni Dada.

And for sure kung mangyayari man yun, it's either makikitulog siya sa room ko, sa room ni Phon, o dito sa sofa sa living room.

"Baby, pansinin mo—" nahinto sa pagsasalita si Dad ng bigla itong panlakihan ni Dada ng mga mata. May kasamang pagtaas pa nang kilay.

Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko ang sarili. Baka madamay pa ako. Nakakatakot pa naman magalit si Dada, baka pareho kaming mag-face the wall ni Daddy ng ilang oras.

Ganito pa naman ang palaging ginagawa ni Dada noon kapag may kasalanan kaming nagagawa kahit hindi sadya. Magf-face the wall kami kasama si Daddy kasi kasalanan rin daw ni Dad. Palagi siyang damay.

Lumapit ako kay Dada at niyakap ito sa bewang. Namiss ko rin pala talaga siya. Anim na buwan rin akong hindi nakauwi dito dahil sa world tour namin.

Pinatong ko ang ulo ko sa balikat nito. "Forgive your husband, my love. Hindi naman niya sinasadya na makalimutan." sabi ko, habang nakapikit at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito. Namiss ko rin tawaging my love si Dada.

Normal sa pamilya namin ang paggamit ng endearments para kay Dada. Tinatawag siya ni Phon na Honey, si Daddy naman ay baby, at ako ay my love. Si Dada naman, tinatawag kaming dalawa ni Phon na sweetie. Kay Daddy naman, love ang tawag kapag okay sila, at Phenix lang kapag may tampuhan. First name bases.

"Stop pouting, Phenix. Para kang pato d'yan," sipat ni Dada kay Daddy na kanina pa nakapout.

"You're so OA, Dad," natatawang sabi ko kay Daddy na tumigil sa pag-pout pero napalitan naman ng busangot ang mukha.

"Eh, parang hindi rin siya OA," taas kilay na singit ni Phon. At nang-asar pa talaga siya. "Nagmana ka kaya kay Daddy, Kuya. Pareho kayong OA." Ngumisi ito.

We spent the day at our living room, watching movies that we usually do everytime sama-sama kami. Dada and Daddy are now okay, kaya todo lambingan na sila. Parang nakalimutan na yata nilang kasama nila kami ni Phon.

"Yuck, Dy. Stop that nga. So chessy naman." Si Phon. Habang nakatakip ang mga mata para hindi makita ang paglalambing ni Daddy kay Dada. Panay pa halik ni Dad kay Dada.

Strings Of Conflict | [CloudPlay Series 1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora