SOC 02

263 23 61
                                        

Intern

CloudPlay GC 2025

Alexandria:

We will have a meeting later, at 8am. Utang na loob 'wag kayong mal-late dahil may bisita tayo.

Reanver:

Bakit ngayon mo lang sinabi? Anong oras na oh?

Alexandria:

Bakit? May angal ka? 'yang pagbabar mo ba, kinwestyon ko?

Dwight:

Good thing at maaga akong naligo. Be there in an hour.

Leigh:

Same here. I woke up early kaya maaga din akong nakaligo at nakakain. I'll bring Haru with me.

Rajah:

K.

Alexandria:

Okay. Hintayin ko kayo dito sa studio. Mabuti pa kayo at walang reklamo. Hindi 'gaya ng isa d'yan, panay reklamo akala mo naman hindi nagpupuyat kakapunta ng bar.

Reanver:

D wow!

Umagang umaga bungad kaagad 'yang bangayan nila. Wala talagang pinipiling lugar, ma pa personal man o sa chat.

Sila na nga lang din ang dahilan bakit maingay 'yang group chat namin. Group chat na wala man lang kalatoy latoy ang pangalan. Halatang hindi pinag-isipan.

Si Rean ang naglagay n'yan. Nakakatamad daw mag-isip ng magandang pangalan ng GC kaya 'yan na lang daw. Mas mainam din naman at isang numero lang sa taon ang papalitan.

I type a reply and send it quickly bago pa man mag reply si Alex sa chat ni Rean at mauwi na naman sa bangayan. Parang mga aso't pusa pa naman 'yang dalawa.

Narawin:

What's the meeting all about? Bakit hindi mo 'to nabanggit kagabi bago kami magsi-uwian after ng busking?

Pagkatapos kasi ng busking kagabi, nagkaroon lang kami ng kaunting paunlak para magpa picture at sign sa mga fans tapos diretso uwi na. Wala siyang nabanggit na ganito.

Nakalimutan niya yata o baka late notice na yung nasabing gaganapin na meeting.

Alexandria:

Hindi ko rin alam. Kakamessage lang sa akin ng management kanina. Late notice.

May sinend siyang photo-yung notice galing sa management na ang laman ay simpling What, Who, When, at Where lang. Wala man lang ibang information tungkol sa gaganapin na meeting.

Pati notice galing sa management walang kalatoy latoy. Super plain. Super boring. Wala ba silang pera para kumuha ng editor? Late notice na nga, pangit pa ang template na gamit.

No wonder bakit ang papangit ng mga merch na gusto nilang ilabas namin tapos ang mamahal ng pricing. Tskk. Mabuti na lang at napipilit kong gandahan ang quality ng merch kahit pa kami na ang gumastos sa ibang expenses na ayaw ng e-cover ng management.

Ang hilig sa pucho-pucho na quality. Gawin ko silang pichi-pichi, e.

Hindi na ako nag reply pa at ni-like na lang ang message niya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, ma-type ko pa itong mga iniisip ko at masend sa GC.

Strings Of Conflict | [CloudPlay Series 1]Where stories live. Discover now