SOC 03

159 18 22
                                        

Celebrate

"Intern."

Tawag ko sa atensyon ni Nat, na kanina pa ako hindi pinapansin at kung pansinin man ako ay may kasamang pag-irap. Na para bang labag sa loob niyang pansinin ako.

Humarap naman ito sa akin at as usual, tinaasan na naman ako ng kilay. Maldita nga. No wonder he became friends with my brother. Isa din 'yong maldita, e.

"Buy me a strawberry latte at Issen Hub." Utos ko dito.

Kami na lang ang nandito sa office ngayon-the CloudPlay team and the intern's. Pagkatapos kasi silang ipakilala ay iniwan na sila ni big boss dito sa office namin. They'll start their internship today.

After our boss left ay in-orient na din sila nila Alex kung ano ang mga kailangan nilang gawin. She also discuss the rules and regulations in our team. Nilagay na din sila sa position na bagay at fit sa skills na meron sila and the roles that they needed to do.

Malaking tulong sila sa amin sa totoo lang. Lalo na ngayon na kulang kami sa staff dahil ayaw ni big boss mag hire ng employee na magiging regular dito sa opisina. Puro probationary lang ang gusto.

Kaya I'm thankful that we have our intern's. At least marami na kami ngayon na kikilos sa team. Hindi na lang, kami kami lang. May mga makakatulong na kami, kahit pa kaonti lang naman ang gawain na in-assigned namin sa kanila dahil internship pa lang naman nila.

My brother, Phon was assigned at the visual content creation, specifically as graphic designer. I already saw his past creation of logos and posters for promotional campaign at lahat yun magaganda. Hindi ko pinupuri ang gawa niya dahil kapatid ko siya, kun'di dahil maganda naman talaga.
He even won an award for the graphic design contest. He's also good at editing videos kaya siguradong magagamit niya ang skills niyang yun dito sa group namin. Lalo na sa pag-edit ng mga videos na kuha namin from our world tour, na epo-post din namin sa YouTube para may mapanood ang mga fans namin na nandito lang sa pilipinas.

The two girls naman were assigned sa Marketing and Promotion as marketing assistant. May regular staff na kami doon kaya binigyan na lang siya ng assistant na kailangan at makaka lessen sa workload niya. Mga mauutusan niya for some errands and for other works na hindi niya matatapos. Which is ang mga magagaan at kaya lang gawin ng mga intern.

And lastly, the maldita intern, ang inutusan ko ngayon na ibili ako ng strawberry latte sa Issen Hub-si Nat. I assigned him sa digital Presence as our Social Media Manager. Sinabi niya kasing babad siya sa social media at mahilig din siyang mag posts at gumawa ng contents. Kaya sigurado akong magagawa niya ng maayos ang trabaho niya bilang social media manager intern ng group namin.

Although hindi lang naman yun ang trabaho ng isang SMM, but since he's just an Intern, syempre sa mga magagaan na gawain lang din muna siya. After all they're here to learn, to practice their skills na magagamit nila in the future. In a professional setting kapag graduate na sila.

Buying coffee is also not his job. Inaasar ko lang talaga siya kaya inutusan ko. Ang cute kasi tingnan ng mga mata niya, na para bang any minute ay pipikit na sa sobrang antok. Tapos bigla-bigla siyang iirap at iikot kapag nakaharap siya sa akin.

Ganun pala talaga kapag natural na sleepy eyes, parang palaging antok. Palaging mapungay ang mata. Kaya hindi ko ma-seryoso ang pagsusungit at irap niya dahil sa mga mata niyang tela nangungusap.

"Okay... Sir." His tone was sarcastic. Halatang hindi sang-ayon sa utos ko pero wala siyang magawa.

Binalingan ko ito nang tingin ng hindi pa rin ito umaalis sa pwesto nito. Nasa harapan ko pa rin siya at nakahalukipkip habang naka extend ang palad niya sa harapan ko, sa tapat mismo ng mukha ko since nakaupo ako at nakatayo siya.

Strings Of Conflict | [CloudPlay Series 1]Where stories live. Discover now