Eldest bear:
Thank you for this cookies, Dada. @Dada bear \⁠(⁠^⁠o⁠^⁠)⁠/

Daddy bear:
Bakit hindi ka umuwi dito sa bahay?

Daddy bear:
Oh... What's that emoji? It's so cute.

Eldest bear:
Right, dy. Its not emoji, it's GIF. Click your GIF and you'll see that.

Daddy bear:
Oh... Wait. I'mma check first.

Daddy bear:
Found it. ヾ⁠(⁠*⁠’⁠O⁠’⁠*⁠)⁠/ . It's so cute.

Eldest bear:
'Di ba. This is what Gen Z people used as their emoji, Dy. (⁠✷⁠‿⁠✷⁠)

Dada bear:
What is this commotion? @Eldest bear @Daddy bear. Bakit ang gulo niyo?

Daddy bear:
Baby, look. The Gen Z emoji's are so cute.  (⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

Dada bear:
Gosh, Phoenix. Hindi ka na bata. Itigil mo 'yan.

Daddy bear:
But it's so cute ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ

Baby bear:
Hayaan mo na sila Kuya at Daddy, Dada. Matatanda na kasi sila kaya they need to fit in sa new generations. Haha.

Daddy bear:
Grabe ka naman sa akin, baby bear.

Eldest bear:
Deadma sa basher! ◉⁠‿⁠◉

Eldest bear:
Anyway, thank you for this cookies, Dada. Uuwi po ako sa weekend. Love you.

Dada bear:
You're welcome, anak. Sige. Please umuwi ka ah. Love you, too.

Dada bear:
I love you also, baby bear.

Hindi ko na hinintay ang reply ni daddy ng makita kong typing siya. Basta ko na lang inexit ang app. Alam ko naman na manghihingi lang yun ng I love you kay Dada.

Binalik ko na ang atensyon sa cookies at sinimulan na yung kainin. Binigay ko ang isang container na chocolate cookies ang laman sa mga kasama ko habang solo ko ang strawberry cookies.

I was happily munching my cookies when a familiar drink appeared on my face. I look up and Nat's smiling face welcomed me.

Ito ang may hawak sa favorite drink ko na galing sa Issen Hub, ang strawberry latte.

"Here." Bigay nito sa inumin.

Tinanggap ko naman yun at nangingiting may kinuha sa loob ng bag ko. Pagkakuha ay inabot ko iyon kay Nat.

"Here. Take this." Abot ko sa Mogu-mogu nito.

I also bought one for Phon.

"Thank you." He smiled and made his way back to his table.

Tumayo ako bitbit ang container na strawberry cookies ang laman at sinundan si Nat. Nang makalapit sa table nito ay nakangiting nilapag ko ang container sa harap nito. Nagulat pa ito sa ginawa ko.

"Sayo na 'tong strawberry cookies ko."
Hindi ko na ito hinintay na sumagot at tumalikod na ako.

Nakakain na naman ako ng tatlong piraso kaya okay na ako. Kanya na yung pito pang nandoon. Favorite ko yun kaya kailangan niyang matikman.

Our short break lasted for fifteen minutes at pagkatapos ay bumalik na kami sa trabaho. Puro lang naman paper works pero kailangan pa rin tapusin. Lalo na yung mga papers na nasa akin. I need to read all of them.

It's also an endorsement proposal pero hindi pa ako nakakapag decide kung tatanggapin na ba namin. Ayoko rin mag desisyon ng sarili ko lang, kaya naman pinasa ko yun kay Reanver.

Pero ang loko, hindi pa nakikita ang content ng mga folder ay basta na lang yung binuhat at nilapag sa table ni Leighton.

"I knew what was that. And, dude, alam mong ayokong magbasa ng mga proposal dahil masyadong marami. Sakit sa ulo." Turan nito bago umalis sa table ni Leighton at bumalik sa lamesa niya.

Tumayo si Leighton at gaya ng inaasahan ko ay binuhat rin nito ang folder, lumapit sa lamesa ni Dwight at doon binaba.

"Basahin mo 'yan. Proposal raw ng mga endorsement." Yun lang at tumalikod na ito.

Napapakamot sa ulo na tinignan ako ni Dwight. "Dude, you knew I'm not fond of reading documents like this." Turo nito sa mga folder na nasa harapan nito.

Tinulak pa nito ang mga yun palapit sa direksyon ko. Kamuntik pang malaglag ang iba kung hindi ko lang nasalo.

Kinuha ko na yun sa lamesa ni Dwight at binuhat. Akto pa lang na maglalakad ako sa lamesa ni Rajah pero sinalubong na kaagad ako ng mariin nitong titig.

"Hehe. Ako na lang siguro ang magbabasa nito."

Bumwelo akong tatalikod at mabilis na humarap para sana lumapit sa table nito ng makitang nakatayo na ito at naka cross pa ang mga braso nito sa ibaba ng dibdib.

Hilaw na ngumiti ako. "Ito na. Babalik na sa table ko."

Nakangusong bumalik ako sa lamesa ko at padabog na nilapag ang tambak na folder. Akala ko maiisahan ko na si Rajah.

Balak ko sanang ilapag sa lamesa nito ang mga folder ng hindi nito namamalayan at diretsong lalayasan
Kaso mukang natunogan niyang ganun ang gagawin ko.

Bakit ba hindi ako nasasanay sa ganitong set up. Ako naman palagi ang nakatoka sa mga ganitong bagay.

It's always me, the one who's responsible to read their proposal, and the one who's responsible to approve it.

Minsan nakakapagod rin. Masyadong Malaki ang responsibility ko as a leader. Hindi lang ako nagdedesisyon ng para sa sarili ko lang, kun'di para sa lahat.

But the thing is, I love what I'm doing. Mahal ko ang ginagawa ko kaya kahit pagod na ako, hindi ko naiisip na isuko dahil ito ang pangarap ko. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan malayo na kami.

We dreamt for it.

We dreamt for this. For being us, for being CloudPlay.





missen_ink

Strings Of Conflict | [CloudPlay Series 1]Onde histórias criam vida. Descubra agora