Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang bulong nito habang palingon lingon kay Reanver. "Weirdo dumbass."

Napapakamot sa ulong bumalik na ako sa lamesa ko. Si Alex ay nasa lamesa na rin nito at kaharap na ang pinakamamahal niyang laptop.

Ang weird ng mga kasama ko ngayon ah. Si Reanver parang baliw na. Si Rajah naman, akala niya siguro hindi ko napansin pero kakaiba ang pabango niya. Hindi yun ang usual na gamit niya.

Bakit parang maraming nangyaring kakaiba sa kanila. Nag bakasyon lang for two weeks pero naging ganyan na. Samantalang ako, puro sulat lang yata ng kanta ang ginawa ko.

Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng bumukas iyon at pumasok ang kapatid ko kasunod ang dalawang babaeng intern. The two girls went straight to their table, while, my brother went straight to me.

May dala itong paper bag at inilapag nito iyon sa harapan ko. Sinilip ko naman yun at dalawang food container ang laman.

Hindi ko pa binubuksan pero naaamoy ko na ang specialty na cookies ni Dada.

"Dada bake this?" Tanong ko sa kapatid kong naka-upo na ngayon sa kandungan ko.

Hindi pa naman office hours kaya pwede pa siyang maglambing sa akin. I wrapped my arms around his waist and kissed his forehead.

"Yes. Dada bake that kasi nabanggit ko na nag leave kayo for two weeks. Akala niya uuwi ka sa bahay." Inangat nito ang pointed finger at tinuro ako. "Lagot ka, Kuya. Nagtatampo si Dada at Daddy sayo. Hindi ka na raw umuuwi ng bahay. Hala ka." At tinakot pa talaga ako.

Nanggigigil at pabirong kinagat ko naman ang daliri nito. Kiniliti ko na rin ito at dahil nakayakap ako dito ay wala itong takas.

Wala siyang magawa kun'di ang impit na sumigaw habang pilit na tinatanggal ang daliri nitong kagat ko pa rin. Natigil lang ako ng magsalita ito.

"B-best friend... Help me..." turan nito habang naka extend ang kamay.

Sinundan ko ang kamay nito at bumungad sa harapan ko si Nat.
Nakamaang ito habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Phon.

"Ah..." Tanging nasabi nito. Halatang hindi alam kung ano ang gagawin.

Mas nagpumiglas naman ang kapatid ko at pilit na inabot ang kamay ni Nat. Walang nagawa ang huli kun'di abutin ang kamay ng kapatid ko.

Natatawang binitawan ko na si Phon at hinayaan na si Nat na hilain palapit sa kanya ang kapatid ko na nakanguso na.

"Isusumbong kita kay Dada. You're bullying me, Kuya." Lumabi pa ito bago hatakin si Nat palayo.

Napahilot na lamang ako sa batok habang nasa dalawa pa rin ang tingin. May gusto pa sana akong sabihin kay Nat pero nahatak na ng kapatid ko. Tsk.

"Naisahan ka ng kapatid mo." Natatawang turan ni Leigh. Nakangisi pa talaga siya.

Umirap ako at tinaboy ang pagmumukha nito. "Shoo... Layuan mo ako. Doon ka." I gestured my hand in a shoo-in' way.

"Ano ako aso?" Ismid nito bago ako layasan. "D'yan ka na nga. Seloso."

Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi nito at binaling na lang ang atensyon sa paper bag na dala ni Phon.

Nilabas ko ang dalawang food container at tama nga ako. Chocolate and strawberry cookies ang laman. Both Dada's specialities.

Kinuha ko ang cellphone at 'tsaka ito kinuhanan ng picture. I opened my messenger app and went to our family group chat.

Fantastic Four Family

Strings Of Conflict | [CloudPlay Series 1]Where stories live. Discover now