Tumikhim ito, nag-iwas nang tingin. "You have a nice voice. You're also good at playing guitar." Puri nito.
"Really?" Binaba ko ang gitara at mas tinitigan ito. Pinipigilan ang sarili na mapangiti.
Sabi na nga ba at nagagalingan talaga siya sa akin. Siguro kaya niya lang nasabi na mas magaling si Leighton noong tinanong ko siya sa Bar ay dahil magpinsan sila.
"Yeah. No wonder you're the leader of your group."
Hehe. Sabi na, e. Magaling talaga ako.
Hindi mawala ang ngiti ko. Nakangiti lang ako buong araw habang tinatapos ang pangalawang kanta na sinusulat ko.
Nat on the other hand already went home.
Pagkatapos niyang ma-edit ang video ko habang nagluluto ng steak ay umuwi na ito. Hindi ko na lang siya pinabalik sa opisina dahil alam kong pagod 'yun sa ginawa naming pag-aayos ng mga groceries. Nag message lang ako kay Alex to inform na hindi na babalik sa studio si Nat.
I spent my two weeks rest on composing. Hindi talaga ako nakapag pahinga ng tunay.
"You spent your two weeks rest on composing?" Gulat na tanong ni Alexandria ng umagang iyon.
We're back on track at siya ang unang bumungad pagkapasok ko ng opisina. Binigay ko rito ang printed lyrics ng dalawang kanta na na-composed ko sa loob ng dalawang linggo.
"Yeah. Kilala mo naman ako. Mas nakakapagsulat ako ng kanta kapag mag-isa lang."
Nakangiting tinapik nito ang balikat ko. She looks proud. Well, palagi naman. "Grabe. Ikaw na talaga."
Yumuko pa ito ng tatlong beses like she's praising me.
Natatawang pinitik ko ang noo nito na ikinasimangot nito. Ganito kami mag bonding. Parehong ina-angat ang bangko ng isa't isa.
Pareho din naman kasi kaming mayabang at bilib na bilib sa sarili. Kaya nga kahit na kung minsan ako ang bunot niya ay hinahayaan ko na lang. Love language niya kasi talaga ang ganyan.
Kagaya na lang kay Reanver. Sa sobrang pagmamahal niya, palaging supalpal sa kanya yung kanong 'yon. Hindi buo ang araw ni Alex kung hindi niya maaaway si Rean.
Sabi nga niya, daily dose niya si Reanver.
And speaking of the devil... Sobrang lawak ng ngiti ni Rean habang palapit sa amin ni Alex. Sumisipol sipol pa ito. Mukang maganda ang naging bakasyon niya.
"Himala at maaga kang pumasok." Pang-aalaska ni Alex kay Rean na nginitian lang ng huli. Good mood nga. Hindi pinansin si Alex, e.
"What's up, Dude." Tinapik ako nito sa braso bago lagpasan at dumiretso sa table nito. Malawak pa rin ang ngiti.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pulang marka sa leeg nito ng buksan nito ang unang dalawang butones ng polo shirt na suot nito.
"What's that?" Turo ko sa pulang marka sa leeg nito.
Hinaplos niya naman yun at nakangising umiling. "Wala 'to. Kagat lang ng lamok."
Kagat ng lamok pero ganyan kalaki?
Hindi ko na lang ito inusisa pa dahil naging abala na ito sa cellphone nito. Malawak pa ang ngiti habang may tina-type na kung ano. Pa ngisi-ngisi at may pakagat kagat pa sa labi.
"What's happening to that idiot?"
Gulat na lumingon ako at seryosong mukha ni Rajah ang bumungad. Gaya ko ay na kay Rean din ang mga mata nito.
"I don't know. Ganyan na siya simula pa kaninang pagkarating niya."
Matagal pa nitong tinitigan si Reanver bago naiiling na iniwan na ako at pumunta sa lamesa nito.
SOC 08
Start from the beginning
![Strings Of Conflict | [CloudPlay Series 1]](https://img.wattpad.com/cover/362093821-64-k564682.jpg)