"Pabebest", dahil napatunayan ko na "best" talaga siya as a friend. My everdearest Pabebest BFF. Siya lang naman ang tumulong sa aking makapagdrop nang mabuntis ako, siya rin ang tumulong sa akin nang magback-to-school ako.

"H.B.D, Pabebest..." bati ko sa kanya. HBD means Happy Birthday. Although bukas pa naman ang kaarawan nya. Okay na rin iyong ako ang naunang bumati sa kanya. Baka kasi magtampo sya kapag nakalimutan ko na naman.

"Advance na naman." Yamot ang tinig nya. "Bakit kasi lagi kang wala sa sarili. Palagi ka na lang... iyong... blah! blah! blah!"

"Absentminded."

"Yeah, absent-minded. Saan ba lumilipad iyang isip mo? Wag mong sabihing doon naman sa ex mong asul ang mga mata?"

Shet, pinaalala nya naman.

Kung kaharap ko lang ang biik na ito ay malamang natampal ko sya.

Mabuti nga't kahit paunti-unti ay nakakalimot na ako. Subalit sa tuwing mababanggit nya ang lahat ng may kinalaman sa blue ay nagbabalik sa akin ang lahat. I admit na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako M.O.

MO means Move On nga pala.  

Kaya nga kahit anong bagay o lugar o uri o anything under the sun na kulay blue o hawig sa kulay blue ay iniiwasan ko.

Si Chie-chie lang talaga ang nakakaalam ng lahat ng pinagdaanan ko. Tanging sya lang ang nakakaalam kahit ng tungkol sa tunay na ama ng namatay kong baby. Ang alam kasi nila Mama ay classmate ko ang nakabuntis sa akin na ngayon ay lumipad na patungo sa ibang bansa. Maging si Ate Rosenda ay hindi ito alam.

"Kumusta ang mga bali mong buto?" pag-iiba ko ng usapan. Naka-confine kasi sya sa hospital matapos nyang makipagtalik sa itaas ng puno then nahulog. At ayaw ko ng marinig ang pangalan ng kaniig nya nang araw na nangyari iyon.

"Si Pektong, kumusta sya?"

Ahg! Kasasabi ko lang! Mantakin ba naman kasing may nangyari sa kanila ng toothless naming kapitbahay na si Pektong. Friends na kasi sila ngayon, friends with benefits. Graduate na si Chiechie at isa na siyang professional pero si Pektong pa rin ang bet niya. At sino ba naman ako para husgahan ang pabebest ko? Nagmahal na rin ako kaya alam kong mahirap turuan ang isang taong bulag sa pag-ibig. Anyway, mabait naman si Pektong.

"Baka dumidiskarte na naman siya sa Ate Rosenda mo?" Nasa tono niya ang selos. Aware kasi siya na crush ni Pektong ang ate ko. 

"Wag kang mag-alala... nasa Manila si Ate Rosenda."

"Don't tell me, sa kanya mo ibinigay ang Black Ticket?!"

Buntong-hininga lang ang naisagot ko sa kanya. Alam ko kasi kung gaano nya kagustong mapanalunan ang ticket. Kahit sino naman ay nais magkaroon nito.

Nagsisisigaw siya sa pag-iyak nang mapunto niya ang ibig kong iparating sa aking buntonghininga. 

"Wag ka ng magtampo, Pabebest... babawi ako sa'yo ngayon BD mo."

"S-sinabi mo yan, ah..." aniya nang may lambing.

Yari.

"Ano bang favor mo?" umikot ang bilog ng mga mata ko.

"Log in mo twitter ko." Utos nya. Hindi nya siguro maigalaw nang gaano ang mga daliri nya dahil sa mga nabaling buto nya.

Takbo naman ako sa computer shop at ginawa nga ang iniutos nya. Nalula ako sa mga followers nya. Naalala ko, sya lang naman ang presidente ng fans club ni Kyo Montenegro. Isa sa mga member ng Black Omega Band na kinaaasaran ko. Paano'y mayroon itong bughaw na mga mata.

Love ko ang BOS ang kaso, I hate blue nga, di ba? So I hate that Kyo Montenegro. Siya ang hate ko sa buong banda.

"Tapos, ano ng gagawin?" tanong ko sa kanya nang makapasok na ako sa account nya.

"Post mo dyan ang arrival ni Kyo Montenegro bukas dito sa Cebu para malaman ng buong fans."

Nagtipa ako sa keyboard. "Okay na."

"Hashtag Kyo in Cebu para mag-trend." Dugtong nya pa. Panigurado namang magte-trend ito dahil ang bandang iyon ang laging laman ng mga newsfeed sa mga social media.

"Okay na. Iyon lang ba?"

"Meron pa."

"Ano?"

Humugot sya nang malalim na paghinga. "P-pwede ka bang magpanggap na ikaw ang president ng fans club ni Kyo?"

"Ha?"

"Pretty please! That's the only way para makalapit ka sa kanya bukas."

"At bakit naman kailangan kong lumapit sa lalaking iyon?"

Lumiit ang kanyang boses. "Makakalimutin ka talaga, ano?"

Oo nga pala. Ever since ay mahal na mahal na nya si Kyo Montenegro at taun-taon sa kaarawan nya ay wala syang ibang hiling kundi ang imposibleng magkaroon ng autograph nito.

"This is the only shot I have. Kaya nga lang ay na-confine naman ako." nabasag ang tinig nya. Wala kasing mga tagahanga ang nakakalapit sa binata. Masyado itong masungit at mailap. "Pero kung ayaw mo ay di bale na lang." Pagkuwan ay pinatay na nya ang linya.

Napapikit ako at nakakapagtakang pawisan ako nang mga oras na iyon. Naglakad-lakad muna ako nago ako nagdesisyon.

Papayag ba ako sa favor ng BFF ko?

Bakit kasi ang hirap ng gusto nya?

Kyo Montenegro is a picture of isolation. He's a man of few words but deadly-gorgeous being. And the fact that he had those eyes made me damn bitter. Nakikita ko kasi sa kanya si Lord K!

Iniangat ko ang hawak kong CP at tinawagan si Chie-chie. Sinagot naman nya ito.

"Pumapayag na ako."

"I love you na talaga, Pabebest! Makakuha kang lang ng autograph nya ay okay na yun."

Napasinghap ako. "Okay, pero may kundisyon."

"Kahit ano, go lang."

Napatiim-bagang ako. "Ito ang una at huling beses na gagawin ko ito."

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Love Me HarderWhere stories live. Discover now