Ni hindi ko man lang nakita ang baby ko.

Ni hindi ko man lang nayakap.

Ni hindi ko man lang nahalikan...

Ni hindi man lang ako sa kanya nakapag-paalam.

Napapiksi ako sa aking pagkakatayo nang hawakan ni Baby Quiro ang aking palad.

Napalingon ako sa cute na batang lalaki na nakatingin sa akin.

Si baby Quiro pala ang limang taong anak ni ate Rosenda na itinago namin sa lahat at pinalabas na bilang anak ko. Walang ibang nakakaalam nito kundi ang pamilya lang namin. Ang alam ng lahat na ako ang ina ng paslit na ito.

Lumabi sa akin ang bata. "Nanay Ruby, san po Nanay Senda? Bakit di pa sya nauwi?"

Umupo ako upang magpantay kami matapos kong guluhin ang kanyang buhok. "Uuwi na si Nanay Senda bukas." Subalit ang totoo ay hindi ko rin alam kung kailan nga ba uuwi ang maharot kong ate. Naroon kasi ito ngayon sa Manila at tiyak kong kasama na nito ngayon ang Black Omega Band.

Ganto kasi iyan, sinuwerte ako na manalo sa "Black-Ticket-Yearly Raffle". Ang raffle na ginaganap lamang isang beses kada isang taon. Once manalo sa raffle na ito ay magkakaroon ka nang chance na makasama ng one week ang buong Black Omega Society band sa isang luxury cruise, sa Montemayor Cruise. Halos lahat ng fans ay gustong manalo kaya lahat ay nagho-hoard ng black tickets. Funny dahil kahit iisang piraso lang ang black ticket ko ay ako pa rin ang nabunot sa raffle.

Ngunit nagpasya ako na irehistro sa pangalan ni Ate Rosenda ang pagkapanalo. Sa ganitong bagay man lang ay makabawi ako sa mga sakripisyo niya sa akin. Alam ko kasi na kahit hindi siya magsalita, gusto niya ring manalo.

Ang Black Omega Band lang naman ay ang pinakasikat at pinaka-hot na banda ngayon na kinababaliwan ng lahat. Ito ay isang bagong banda na binubuo ng five most eligible royal bachelors in the world. All of them are from old rich family. The Saavedra, Montenegro, Montemayor, Deogracia and Sandoval, bahagi sila ng "Top 10 Richest Clan in Asia". Kaya halos mabaliw ang mga babae sa kanila. Ang kaso ay nababalitang walang balak magsettle down ang isa man sa member ng BOS.

Updated ako sa info about them because I am a fan. Dahil sa kanila kaya kumakanta-kanta na ulit ako sa banyo while taking a bath. Nakatulong nang malaki sa akin ang mga songs nila. Aside from my family ay ang pagiging lowkey fan girl ko sa BOS ang isa sa naging takbuhan ko para makatakas sa depression.

"Nanay Ruby..." pukaw sa akin ng bata. "Bakit po kayo naiyak?"

Saka ko lang napansin na napaluha na pala ako habang pinagmamasdan sya. Tumayo ako upang himasin ang kanyang ulo. "TOJ ang tawag dyan."

"T.O.J.?"

Ngumiti ako sa kanya. "Tears of Joy ang ibig sabihin niyon."

"Ah yun pala yun... eh, ano po yung BJ?"

"Blow Job."

"Po?"

"Este!" napektusan ko ang sarili. "Saan mo ba narinig yan?!" kamuntik ko na syang makurot.

"Kay Lolo po." Si Amang ang tinutukoy nya.

"Ha?"

"Narinig ko po, sabi nya kay Lola... i-BJ daw po sya."

Putragis!

...

"PABEBEST!" hiyaw sa akin ni Chie-chie sa kabilang linya. Tumunog kasi ang aking cellphone at nang makita ko ang pangalan nya sa screen ay agad ko itong sinagot.

Tiyak na may favor na naman ito na hindi ko mahihindian. Noong mga panahong sobra kasi akong nasasaktan dahil brokenhearted ako ay sya ang nasa tabi ko at never nya akong iniwan.

Love Me HarderWhere stories live. Discover now