Sa Dulo ng Huling Bus

81 3 2
                                        

Ang terminal ay tahimik tuwing hatinggabi. Ilaw mula sa kalye ang tanging liwanag na bumabalot sa lumang bench na tila nilulumot na ng panahon. Doon nakaupo si Rafa, may hawak na sketchpad at lapis, nagguguhit ng isang pamilyar na mukha.

Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang routine nila. Basta tuwing 11:59 PM, darating si Eli. At tuwing gabi ring iyon, tila humihinga muli ang mundo ni Rafa.

"Late ka," bungad ni Rafa nang hindi tumitingin.

"Traffic sa kabilang buhay," biro ni Eli, naupo sa tabi niya.

Napangiti si Rafa. "Puro ka talaga kalokohan."

Pero hindi biro ang tibok ng puso niya tuwing nariyan si Eli. Sa bawat gabi nilang pag-uusap, unti-unting natutuklasan ni Rafa ang lalaking misteryosong parang bigla na lang sumulpot mula sa kawalan.

Matalino si Eli, tahimik, pero laging may lalim ang sinasabi. Hindi rin siya masyadong nagkukuwento tungkol sa sarili, puro tanong, puro pakinggan. Pero kahit gano'n, naging ligtas ang pakiramdam ni Rafa sa kanya.

"Do you believe in ghosts?" tanong ni Eli isang gabi.

Nagkibit-balikat si Rafa. "Depende. 'Yung multo ba na 'di mo nakikita o 'yung hindi mo malet go kahit matagal nang wala?"

Eli chuckled. "Both."

"Bakit mo tinatanong?"

Tahimik si Eli saglit. Tumingin sa dulo ng kalsada kung saan dumaraan ang iisang bus tuwing hatinggabi. Ang huling bus.

"Because sometimes... I feel like one," mahinang sagot niya.

Tumigil sa pagguhit si Rafa. "Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin si Eli sa kanya. "Rafa... what if I told you that I died two years ago? Na ako 'yung pasahero ng bus na naaksidente malapit dito? Na hindi ko alam kung bakit, pero tuwing gabi, bumabalik ako rito."

Nanlalamig ang palad ni Rafa. "Eli, joke ba 'to? Hindi nakakatawa—"

"I'm not joking." Napalunok si Eli. "At first, I didn't know why I was stuck here. Pero nung nakita kita noong unang gabi sa terminal, something changed. Parang may dahilan na ulit. Every night, I waited. Every night...you came."

"Hindi," bulong ni Rafa, tumayo. "Hindi pwede 'to. Buhay ka. Nararamdaman kita. Nakakausap kita!"

"Pero hindi mo ako nahahawakan, 'di ba?" Tumayo rin si Eli. "You never tried."

Hesitant si Rafa, inabot ang kamay ni Eli, at tulad ng kinatatakutan niya, dumaan lang ito. Walang bigat. Walang init. Parang hangin.

Bumagsak ang sketchpad ni Rafa. Ang mga pahina'y nagkalat sa sahig, mga guhit ng mukha ni Eli sa iba't ibang ekspresyon.

"Kung multo ka nga... bakit ka nandito pa rin?"

"Because I didn't get to say goodbye. Sa nanay ko. Sa mga pangarap ko. Sa sarili ko. But now... because of you, I feel ready."

Hindi nakasagot si Rafa. Parang nabura ang lahat ng salita sa isip niya.

"Rafa, this is the last night," dagdag ni Eli. "This is the last bus. After this, I'll move on."

"No. Please...don't go," pigil ni Rafa, naiiyak. "I just found you."

"I'm sorry. I wish I could've loved you in life. But maybe this—this short time—is enough."

Umalis si Eli mula sa kinatatayuan nila at humakbang patungo sa dumarating na huling bus. Bawat hakbang, parang may tinatanggal sa puso ni Rafa.

"Eli!" sigaw niya. "Mahal kita!"

Huminto si Eli. Lumingon. "I know."

Umingay ang makina ng bus. Bumukas ang pinto. Si Eli ay ngumingiti, pero may luha sa mata.

"Live well, Rafa. For me."

Pumasok siya. At sa isang kisapmata, wala na ang bus.

Wala ring bakas ng gulong sa kalsada. Tahimik muli ang paligid.

Napaiyak si Rafa, nakaluhod sa tabi ng sketchpad niya. Isa-isang tinipon ang mga pahina. Sa pinakaibaba, may bagong guhit, isang pamilyar na mukha, pero ngayon ay masaya, payapa.

Si Eli.



-

Ilang buwan ang lumipas, sa isang art exhibit sa lungsod, napansin ng mga bisita ang isang koleksyon ng portraits na may pamagat na: "The Last Bus Series."

Puno ito ng sketches ng iisang lalaki. Ang huling guhit? Isang imahe ng lalaking nakasakay sa bus, nakatingin sa bintana, ngumingiti habang nilalamon ng liwanag ang kanyang katawan.

Sa tabi ng frame, may sulat kamay na note:

"Sometimes, we meet the right person at the wrong time... or maybe, at the right time, but in another life.

This is for the boy who taught me to say goodbye, so I could say hello to myself."

R.


***** 




Author's note: 

Hello readers! (It has been awhile since I posted something on this platform)

Did you enjoy reading "Sa Dulo ng Huling Bus"?  Gusto niyo rin ba makita ang buong kwento nina Eli at Rafa—mula simula hanggang dulo, lahat ng sakit, saya, at mga tanong na gusto rin nilang masagot?

If this story moved you even just a little, I'd really love to hear your thoughts. Comment lang kayo if you want me to continue and post the full story. It means so much to me.

Salamat sa oras, at sa pagtambay sa huling bus.

Sa Dulo ng Huling BusWhere stories live. Discover now