Mahal kaya ng tuition sa Easton University, mapapatay talaga ako ng nanay ko kapag nalaman niyang muntik na akong bumagsak sa PE 1 namin noong first year ako. HAHA.


Sino ba naman kasi ang gaganahan sa PE kung alas siete schedule niyo ro'n, diba? Almusal mo pawis, gano'n! Ang malupet pa ay isang subject lang namin ito tuwing Wednesday. Pumapasok lang talaga kami tuwing miyerkules sa school para sa letcheng PE na 'yan. Ayan tuloy... hindi ko na pinasukan.


Buti na lang at nakabawi ako noong finals. Sumabit pa ako sa tres. Yez! Worth it ang pagsasayaw namin sa intrams last semester.


Anyway, bago pa ako pagalitan ng mama ko ay pinatay ko na ang aircon sa kuwarto at kinuha na ang uniform kong hindi naman talaga uniform. I mean— may uniform kami sa school pero hindi ko sinusuot. White t-shirt at jogging pants or jeans palagi ang suot ko tuwing pumapasok ako sa EU, kaya ito na ang uniform na nakasanayan sa akin ng mga tao roon.


Araw-araw man pagalitan ng guards at bigyan ng violation ng admission, ayos lang. Kaysa naman suotin ko ang skirt ng uniform namin na parang unting lakad lang makikita na ang burgers ko. Hays! Kadiri.


Gandang-ganda naman ang iba roon, ngunit sila iyon. Kahit bigyan pa ako ng sampong libo ng nanay ko araw-araw ay hindi ko isusuot 'yon. Mas kumportable kayang mang-bigwas ng epal kapag naka-jogging pants at shirt lang.


"Good morning, sweetheart." rinig kong bati ni Mama nang makita ko siya sa kusina namin habang hinuhugasan ang pinaglutuan niya ng almusal namin. Naka-uniporme na ito sa trabaho kaya alam kong aalis na rin siya maya-maya.


Dahil antok na antok pa talaga ang diwa ko ay hindi ako nagsalita para batiin si Mama pabalik, tumango lang ako sa kaniya bilang sagot. Dumiretso ako sa banyo namin para makaligo na ako, baka magising na ako ng tuluyan kapag nabuhusan na ng malamig na tubig ang katawan ko.


Nang masabit ko na ang dala kong uniform sa sabitan dito sa banyo namin ay pumasok na ako sa shower at naghubad. Nang dumako sa balat ko ang tila ba yelong tubig ay napamura ako, buti na lang at hindi malakas iyon kundi sermon na naman ako kay Mama, umagang-umaga!


Ayaw kasi ni Mama na nagmumura ako... You know, hindi raw bagay sa babae. Buti na lang talaga at hindi ako babaeng-babae— t*ng ina naman kasi! Ang daming bagay sa mundo ang nagpo-provoke sa akin magmura. Kahit nga itong tubig ay sumasama na agad ang loob ko dahil malamig siya sa umaga kong 'to.


And to be honest, I find myself very sensitive to many things. Halata naman siguro sa akin, no? Short-tempered at bayolente na babae. Gustuhin ko man maging mabuting tao araw-araw, palagi namang sinusubok ang pasensya ko.


Hindi naman sa sinisisi ko ang parents ko sa pagpapalaki nila sa akin, subalit sa tingin ko ay malaking epekto na wala si Daddy sa tabi ko habang lumalaki ako para gabayan ako sa kahit na anong bagay na gawin ko sa aking buhay.


Nasa Dallas, Texas kasi si Dad, doon siya namamalagi't nagtatrabaho bilang OFW. Mula pa man noong mga paslit pa kami— I mean, ako ay naroon na siya. But I do understand na kailangan ng daddy ko na magtrabaho para mabuhay kami ni Mama rito sa Pilipinas, sadyang nakalulungkot lang kung iisipin dahil walang father figure na gumagabay sa buhay ko.

My Possessive Professorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن