"Bakit amoy ganitoooooo..........."

"Pwede naman na kiss lang yung nangyare diba? Hanggang doon lang yun diba?"

"Fuck! My memories is still messy"

"Calm jennie, it's just a kiss , right, let's just prepare and do your things"

Pag tayo ko sa kama ko ay agad na bumungad saakin ang bra at panty ko sa sahig

'surprise'

"WHAT THE HELL IS THISS!!....

_____________________

Maaga akong dumating sa bar.

Mas maaga kaysa sa lahat.

Ang weird. Hindi ko naman usually ginagawa 'to. Pero hindi ako mapakali. Hindi ako mapakali buong araw, kaya't habang wala pa ang staff, sinadya ko nang dumiretso.

Pagkapasok ko sa main floor, diretso agad ang mata ko sa bar counter.

And there she was.

Si Lisa, naka ponytail, naka apron na black, may hawak na towel habang pinupunasan ang counter. May nakaipit na pencil sa tainga niya, may hawak na maliit na notepad. Busy siya. Professional. Clueless.
Tila walang nangyari kagabi.

Pero ako?

Putangina.

Hindi ako makatingin ng diretso. Pero hindi rin ako makaiwas.

Pinagmamasdan ko siya, yung paraan ng pagtiklop niya ng bar towel, yung dampi ng mga daliri niya sa baso, yung maikling pagtayo niya sa harap ng shelf para abutin ang alak. Ang lakas ng tibok ng puso ko kahit wala namang music.

Did it really happen?
Or was I just that drunk?

Pero kapag naaalala ko yung flashback...
Yung tanong niya.
"Should I cut it?"
Yung pagkakahawak niya sa akin...
Yung halik...

Napakagat ako ng labi at napapikit. Putangina. My chest is tight.

"Jennie?"
Boses ni Jisoo. Gulat, parang inaamoy niya ang behavior ko.

Napalingon ako sa kanya. Hindi ko agad nakuha na nandoon na pala siya, nakatayo sa tabi ko habang may hawak na clipboard.

"You okay?" tanong niya, kunot ang noo. "You look like you saw a ghost."

Tumango lang ako. I tried to answer casually, pero ang kinalabasan lang ay isang blankong tango, sabay irap ng mata pabalik kay Lisa.

"Hmm..." Jisoo raised an eyebrow at me, clearly reading something odd. "Don't tell me... you're hungover and dramatic?"

I sighed. Medyo masungit ang tono ko pero hindi rin buo. "If you woke up in bed, naked, with zero clothes on, and your bed is fucking wet, what the hell do you think you'd feel or assume,and the last thing you remember is kissing a person, huh?"

Biglang natigilan si Jisoo. Tapos tinakpan niya ang bibig niya with her hand, eyes wide.

"Wait, did you visit one of your f*ck buddies last night instead of drinking with Lisa?" she asked in an exaggerated whisper, eyes darting between me and Lisa like she was trying to connect dots in a soap opera.

Hindi ko siya sinagot.

Kasi hindi ko rin alam.

I didn't go to anyone else. I drank with Lisa. Only Lisa.

And yet I woke up like that.

At this point, hindi ko alam kung kinabahan ako o na-bother sa idea na baka ako mismo ang gumawa ng first move.
O baka siya?
O baka pareho kami?
O baka wala naman talagang nangyari?

But if nothing happened...
Why did my skin remember it?

Tumingin ulit ako kay Lisa. Hindi niya ako tinitingnan. Parang wala lang.

Pero ako?
I'm breaking down in silence.

"Okay, seriously," bulong ni Jisoo habang palihim na tumabi sa akin. "You're staring like you've just been kissed or murdered. Which is it?"

"Jisoo..."

"What?"

Tumigil ako, tumitig sa sahig. Napabuntong-hininga lang ako ulit.

"Never mind."

Pero alam kong hindi niya bibitawan ang topic na 'to.
And to be honest, hindi rin ako sure kung bibitawan ko.

'HINDI KO LANG TALAGA MAALALA ANG LAHAT AT GUSTO KO MALAMAN KUNG ANO BA TALAGA ANG BUONG NANGYARE!!'

______________

A Few Minutes Later

Nagpanggap akong busy. Tumingin sa tablet, kunwari chine-check ang inventory. Pero hindi naman talaga 'yun ang binabasa ko. Lahat ng numbers, parang lumulutang. Nagmi-mist sa utak ko.

I'm still thinking about it.

That flashback.

That... night.

Tangina talaga.

Tumingin ulit ako sa counter.

Si Lisa. Nandoon pa rin. Focused. Gawa lang nang gawa. Linis. Salin. Smile ng konti sa mga customers. Wala sa kilos niya ang kahit anong pag-aalinlangan. Wala ni anino ng tension, o awkwardness—nothing.

Parang walang nangyari.

Parang ako lang ang na-ungasan.

And then....

"Ms. Jennie."
Boses niya. Malapit na. Tahimik pero diretso. Tumingin ako—she was standing right next to me, notebook in hand, expression calm.

"May tatlong order po ng Chamisul sa table six," she said, "then dalawang bottle ng Glenfiddich 21 sa VIP booth. 'Yung nasa dulo po, nagtanong kung available pa raw 'yung Wagyu Sisig sa menu from last week. Sabi nila ang galing daw ng nag-concept."

Nagulat ako ng kaunti. Wagyu Sisig? Oh right. Yung inexperiment ni Lisa last time...

Tinitigan ko siya. Tahimik lang ako.

"Okay po ba, Ms. Jennie?" tanong niya ulit, waiting for a response.

Her face...

Yung mukha niya, the same one I stared at last night, up close. Yung mga mata niya ngayon ay kalmado, focused sa trabaho. Yung buhok niyang naka-ponytail, 'yung banayad na pawis sa sentido, ganon pa rin.

Walang bakas ng kahit anong tension.

Ako lang 'to.

Ako lang 'yung parang may kinikimkim. Ako lang 'yung parang nilalamon ng hangin. Ako lang 'yung hindi maka-focus.

How is she so composed?
So... steady?
Am I the only one losing it here?

I swallowed hard. Napatingin ako sa tablet. Kunwari'y nagbabasa pa rin. Pero ang totoo? I was trying to breathe.

"Y-Yeah," sabi ko, halos pabulong. "Go ahead."

"Copy, Ms. Jennie." Tumango siya, simple. Walang tanong. Walang hint of last night.

Tumalikod siya at bumalik sa floor, hawi ng buhok, dalang baso, may ngiting tipid para sa customer.

At ako?

Nakatayo lang. Hawak ang gilid ng tablet habang ang utak ko... gulo.

I was trying to look in control.

But inside?

I'm completely fcked!

When the top get tipsyWhere stories live. Discover now