CHAPTER 4

755 9 0
                                        




The Morning After

'Ang bigat ng ulo ko.'

Napapikit ako ng mariin habang nakahiga sa kama. Ang ilaw na pumapasok mula sa bintana ay parang kutsilyong dumidiretso sa mga mata ko.

"Ughhh... what time is it?" bulong ko, pero wala namang sumagot. Tahimik ang buong unit. Walang kaluskos. Walang kahit sino.

Umupo ako, marahang pinisil ang sentido habang pilit inaalala kung paano ako nakauwi kagabi.

Tumitig ako sa paligid—yung blouse ko ay nakasampay sa likod ng upuan, may basong may natirang tubig sa bedside table, at ang bag ko... nakapatong lang sa sahig.

Napakunot ang noo ko. Wait lang...

Paano nga ba 'ko nakauwi?

Last thing I remember... I was drinking. With Lisa.

I was drunk. Super drunk.

Bigla akong napahawak sa labi ko. Hindi ko alam kung epekto lang ng hangover o may kakaiba akong nararamdaman... pero para bang may naiwan sa balat ko. Mainit. Mabigat. Parang hindi lang alak ang nandoon kagabi.

Did I say something stupid?

Did I do something stupid?

Tumingin ako sa kisame. "Shit..."

Bulong lang ulit, pero bigat ng tunog noon. Saka ko lang na-realize, hindi ako nag-iisa kagabi.

Nag-try akong bumangon nang buo pero parang umiikot ang paligid. Kaya dumapa muna ako sa unan, niyakap ito ng mahigpit at saka bumulong.

"Lisa..."

FLASHBACK

Madilim. Malabo. Parang panaginip lang.

Si Lisa... nakapatong. Nakatitig sakin.

"Why? Should I cut it?" tanong niya, mababa ang boses, parang may tinutukoy.

Nakatingin sa kanya, parang naka-hold ang hininga ko.

"Yes..." sagot ko, mahina, parang hangin lang ang boses ko.

Hindi ko na maalala kung bakit yun ang pinag-uusapan namin. Pero sunod nun—

She kissed me.

Dahan-dahan. Mabagal. Maingat. Pero hindi inosente.

Ramdam ko ang init ng palad niya habang hinahawakan niya ang dibdib ko, ang bawat haplos mabagal pero buo. Hindi na siya nanginginig. Parang sigurado siya sa ginagawa niya.

At ako? Hindi ako tumutol. Hindi ako umiwas. Hinayaan ko.

"Lisa..."

Back to Present

Napamulagat ako. Shit.

Napatingin ako sa kamay kong kanina'y nakasubsob sa unan. Pinisil ko ito.

"Did we..."

Hindi ko matapos ang tanong.

But the look on her face, sa flashback na iyon, hindi iyon imagination lang.

AT HINDI YUN PANAGINPP!!!!

Ramdam ko pa rin sa balat ko 'yung haplos. Yung sulyap niya na parang sinisigurado kung okay lang ako. Yung bigat ng hininga niya habang ginagawa niya 'yung... yun.

Did something really happen last night?

And why do I... remember it like that?

Pagbangon ko sa kama ay mas lalo akong nawendang dahil wala kong suot na kahit ano. At yung kama ko.

When the top get tipsyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin