Chapter 36: Langit at Lupa

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kean kunin mo na lahat ng binigay satin ngayon at kung kulang pa ito oh," sambit ni Kiel, 'yong gitarista sa banda namin. "Nag ambagan kaming apat dyan. Sana makatulong sayo." Inabot niya sakin 'yong pera pero hindi ko kayang tanggapin.

Binigay na nila 'yong parte nila sa pagkanta namin ngayong gabi kaya parang hindi ko ata kayang tumanggap pa sakanila. Sobra sobra na yong tulong nila sakin.

"Bro, sobra sobra na 'to." Sagot ko pero inabot pa din niya sakin 'yong pera na pinag-amabagan nila.

"Magkakapatid na tayo dito kaya hindi tanggapin mo na yan. Kung gusto mo bayaran mo na lang kapag maluwag ka na. Okay ba? Ang mahalaga ngayon bro, makalabas si Hailey sa hospital." Gusto ko na talaga maiyak pero ayokong makita nila akong umiiyak kaya pinigilan ko 'yong sarili ko.

"Salamat ng madami nga bro, malaking tulong 'to." Sambit ko.

Sakto na 'yong pera ko at sobra pa nga. Pangbili ko na lang 'to ng gamot at pagkain ni Hailey. Buti na lang talaga nandito 'yong banda ko.

Paalis na sana kami ng may biglang humarang samin. Nagulat ako ng makita ko siya ulit. Anong ginagawa niya dito?

"Kean? Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya sakin. "'Yong tayong dalawa lang sana."

"Bro, chicks mo na ba ngayon si Ms. Carla? mag da-date ba kayo?" Bulong ni Henry, 'yong drummer namin. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Sabi ko nga hindi eh." Napakamot na lang siya ng ulo.

"Sige Kean, mauna na kami. Balitaan mo na lang kami ha?" Paaalam ni Kiel. Ayoko man silang umalis pero ayoko din nilang marinig ang pag uusap namin ni Carla.

Umupo kami sa isang table sa Padis. Umorder siya ng madaming pagkain. Natakam ako bigla dahil hindi pa ako kumakain. "Kumain ka muna, halatang gutom ka na. Sige na wag ka na mahiya." Sambit niya.

Dahil kumakalam na ang tyan ko kaya kumain na din ako. Nakakahiya man sakanya pero mas nakakahiya na habang nag uusap kami palaging tumutunog ang tyan ko dahil sa gutom.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko pagkatapos namin kumain. Alam ko tungkol na naman ito sa utang ko at sa kontrata na inaalok niya pero mabuti na ang magtanong.

"Kean, alam mo naman kung bakit kita kakausapin ngayon." Sambit niya. Kinabahan ako bigla. Nag decide na ba silang kunin ako? Pero konting panahon na lang naman 'yong hinihingi ko. "Kean, nabalitaan ko 'yong nangyari sa kapatid mo, sinabi sakin ni Cloud ang tungkol don. Malaking pera ang kailangan mo sa pag papagamot niya at alam nating dalawa na hindi na sapat ang pag ba-banda banda mo para sa sakit niya. Sakit ng mayayaman ang cancer, Kean."

Bigla akong nainis sakanya. Bakit kailangan niyang idamay ang kapatid ko dito? Alam ko malaki ang makukuha ko kung mag so-solo act ako pero hindi ko pwedeng iwan ang banda ko. Alam ko kaya ko pang maghanap ng ibang paraan para kumita ng malaki at makabayad sa utang ko sakanila. Kapag nanalo kami sa music laban, mananalo kami ng one million pesos at sobra pa yon sa kailangan ko.

"Carla, hindi ba napag usapan na natin 'to dati pa? Ayokong mag artista, mas gusto ko ang mag banda. Ito ang buhay ko hindi ang pag aartista." Paliwanag ko.

"Kung mag so-solo act ka at mag aartista ka, triple pa ang makukuha mong pera kaysa ngayon. Kailangan mo ng malaking pera Kean, isa pa naiinip na kami. Hindi naman pwedeng basta basta ka na lang pahiramin ng Polaris entertainment, kailangan may babalik sakanila in return." Ang seryoso na din ng mukha niya.

"Carla, nangako naman ako na babayaran ko din 'yong two hundred thousand na utang ko pero bigyan niyo lang ako hanggang sa matapos ang music laban."

"Kean time is running out, you have to make your decision. Hindi na makapag antay 'yong mga boss. Pero alam ko na hindi ka papayag not unless matapos ang music laban so sige, after ng music laban dapat may desisyon ka na and by that time kung hindi mo pa din mababayaran ang two hundred thousand you don't have a choice but to sign the contract."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon